Chapter 1

4 0 0
                                    

"Hey babe! Wanna chill today?" I ask Tori on the phone. Victoria Willard my best friend, she's a beauty I swear every guy will have a boner just by looking at her. Choss just kidding. Sasabunutan ako nun pag nalaman niyang nagsalita ako ng ganyan sa kaniya. But she's really a beauty kaya nga kami magkaibigan e but I'm more beautiful of course!


"Uhm... I'll pass." Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang tono ng boses niya. I know that tone very much. Iyan ang mga tono ng mga broken dahil nagpakatanga. Lagot ka sakin ngayon bruha ka! Kainis!

Binaba ko kaagad ang tawag without even saying 'good bye' to her, magkikita din naman kami so what's the point? Kinuha ko ang susi ng kotse at dinala ang purse ko bago bumaba.

It's already 7 in the evening kaya plano ko sanang pumunta kami ni Tori sa bar. Na-iistress ako lately dahil sa kaganapan sa bahay e, kung pwede lang lumayas dito ginawa ko na.

Pababa na ako ng hagdan ng mabungaran ko ang kapatid kong daig pa ang baboy kung kumain. Nagkalat ang mga wrappers ng iba't ibang klase ng junkfood sa sahig, may popcorn at cookies pa sa center table habang busy kakalaro ng xbox.

Ewan ko ba sa batang 'to, may kwarto naman pero dito pa talaga naisipang magkalat sa sala.

Napalingon siya sa gawi ko ng marinig niya ang tunog ng heels ko. May kagatkagat pa siyang cookie. Tss parang hindi teenager kung umasta ang batang 'to.

Tinanggal niya ang cookie habang busy parin kakapindot sa controller ang kamay niya bago sumipol. Napataas tuloy ang kilay ko.

"Saan ang fashion show natin 'Te?" Nang-aasar na sabi niya. Tsk, as if I'll get pissed with that.

"Sa bahay nila Macey, bakit sama ka?" Napatigil siya sa paglalaro saglit pero tinuloy ulit at hindi na nagsalita. Kita mo na? Pikon iyan t'as bitter pa. Sa susunod nga maturuan maging player iyang batang iyan.

"I'll go now li'l bro. Sigurado kang hindi ka sasama kila Macey?" Nilingon niya ako at tinignan ng masama pero nagkibit balikat lang ako para mas lalo pa siyang maasar.

I walked to where he is sitting while avoiding the wrappers. I kissed his head at naglakad ulit patungo sa pinto.

"Don't forget the condom sis!" He shouted even before I was able to step outside. I rolled my eyes and laugh, that's how he say 'take care' to me. What an ass.

I drove to Tori's condo building and push the door bell of her unit. Mga ilang minuto din ang hinintay ko bago niya buksan. Pucha ano ba'ng pinanggagawa ng babae'ng 'to at parang zombie? Nagpapakatanga na naman siguro sa lalake niya. Sarap sabunutan!

Pabalibag kong sinara ang pinto pero hindi man lang nagising ang bruha sa halip ay bumalik sa sofa at nilantakan na naman ang ice cream niyang isang gallon!

Bilib din naman ako sa babaeng 'to kahit ano yata ang ipakain hindi parin tumataba, bilis ng metabolism e.

Jusko ilang buwan ko na bang kinokomfort at nakikita ang sitwasyon niyang iyan? Tangna hindi nalang kasi gumaya sakin na fling fling lang no deep feelings. Tch itong si gaga kasi kahit na may girlfriend na hayown at sinunggaban parin! Tsk!

Suportado ko na sana kasi akala ko siya iyong magiging kontrabida na palaban e pero mali siszt. Hayan at siya pala ang bidang tanga!

The Player's GameWhere stories live. Discover now