POV po ni Duke Castellan!!
OPEN FOR SUGGESTIONS AND COMMENTS PO... hindi po ako madalas magsulat at magbasa ng LOVE things...
~~~~~~~~~~~~~~ ♥ ~~~~~~~~~~~~~~
Sa tatlong taon ko dito sa kolehiyo at sa pitong taong kaibigan ko itong si Kyle, parang hindi na sya nanawa maging mabagal.
"Duke! Intayin mo ako! Bakit lagi mo na lang akong iniiwan?"
Hindi naman mabilis ang lakad ko noon, pero parang napabagal pa nang mapadaan ako sa isang magandang babae na nakapukaw sa aking atensyon.
Narinig ko yung kasama nya na isinigaw ang pangalan nya: Amethyst Galang.
Gusto ko sanang huminto para harapin sya kaya lang andaming tao noon.
Yan ang hirap sa pagiging sikat sa paaralan, limitado ang kilos mo, hindi ka pwedeng lumapit kahit kanino ng basta-basta, ang hirap magpakilala kasi baka sabihin nila na nagpapasikat ka na naman.
Sila... yung mga HATERS ko...
Mahal ko mga haters ko kasi may partisipasyon sin sila sa pagsikat ko, pero they are ANNOYING.
Iyan na naman, malalim na naman ang iniisip ko.
Nawala lang ako sa aking "PHILOSOPHER STATE" noong kinalabit ako ni Kyle.
"Ano ba Duke! Nakita mong andami kong dala tapos andami pang tao dito.... BAKIT HINDI MO AKO HININTAY!!"
Oo nga, madami nga syang dala. Lagi naman syang ganun eh, ewan ko ba kung bakit konti lang ang bitbit ko pero andami nyang bagahe samantalang pareho lang naman kami ng mga klase.
"Bakit ba kasi andami mong dala? College tayo hindi elementary! Yan ba sikreto mo kaya Valedictorian ka ng Elementary at High School na sanhi ng pagiging salutatorian ko? Kaya ba running for summa cumlaude ka?"
"Hindi ah! Nasa utak yan!" sagot nya at naisip ko na ibaling na sa iba ang usapan at baka masapak ko pa itong mayabang na toh.
"Nakita mo ba yung babae kanina? Yung may kasamang bakla?"
"Ahhh... oo, ang ingay nga nila eh... teka, Wag mong sabihing --"
"Oo, parang type ko sya." sabat ko at nagpaalam lang sya para mag CR.
Umupo ako sa bench sa may tabi habang binabasa ko ang mga libro, PERO KUNYARING BASA LANG... titig lang kasi may iniisip na naman ako. Oras na kayang magkaroon ako ng nobya? Bakit wala pa ba? anyway, hindi ko sila sineryoso kasi mukhang hindi rin naman sila seryoso sakin at parang crush lang naman yun hindi LOVE.
Pero iba ang feeling...
ITO NA KAYA ITO?
Nawala na naman ako sa malalim na pagiisip nang maramdaman ko ang N70 ko na nagvibrate. Sorry luma ang cellphone.
pre, d2 ung girl sa may likod ng campus… mkhang ngiisa, chance mo na 2!
-MW4E
Hay nako, kay Kyle na naman pala galing gamit ang “codename” nyang MW4E na as we know, eh useless kasi may pangalan naman number nya sakin at alam ko naming ako lang tinetext ng loner na taong yun. At alam nyang type na type ko si Amethyst.
Nang dumating ako sa may likod, nakita ko sya, palakad-lakad at feeling ko eh malalim din ang iniisip.
NAPANOOD KO TO SA MGA TELE-NOVELA!
Babanggain nung lalaki yung babae tapos magkakatuluyan sila.
Ayos! DALA KO YUNG MP3 KO!
Kunyari ay may iniisip din ako at nakikinig ng music tapos tuluy-tuloy lang sa paglalakad hanggang mabangga ko sya, sana nga lang hindi sya masyadong nasaktan.
"Ay, sorry" Sabi ko, at sabi nya rin in the same millisecond... SABAY PA KAMI! nakita kong namula sya at sana, hindi ako. Gusto ko kasi yung mysterious type ako para sa babae.
"Sorry ulit ha! Madami lang kasing iniisip," sabi nya.
Nasabi ko tuloy sa sarili ko na masasama din ako dyan.
"Okay lang yun, hindi rin naman kasi kita nakita kasi nape-play ako ng music. Ahhmmm... want lunch?" Sagot ko sa kanya, sana pumayag sya. Corny kong pumorma noh... hindi kasi ako sanay eh.
At sagot nya naman...
"Uhmmm... Ok, wait lang ah!"
Hindi man ako psychic, napansin ko sa kanya na medyo nahiya pa sya at nagpipigil ng galak.
STEP 1: ACCOMPLISHED
Noong kumakain na kami, parang may matindi akong naramdaman.
Hindi ito natural sakin.
Malamig naman pero pinagpapawisan ka, hindi ka mapalagay. Pinipilit mong ngumiti pero hindi mo magawa, parang kahit anong galaw mo eh hindi mo mapipigilan...
sabi nga ni Bob Ong:
DEMONYO SA BITUKA!
ODK! Sobra naman ito! Sira yata pagkain dito! I need to go, pero hindi ko kaya, literal man o yung isang ibig-sabihin... NASA HARAP AKO NG PINOPORMAHAN KO.
Buti na lang, nag "MAY I GO TO THE WASHROOM" muna sya.
at yun... MOMENT OF GLORY!!
kumanta ang mga anghel sa langit, nagsayaw ang lahat ng mga isda sa tubig at mga bulate sa lupa!
PWEDE NA AKONG UMESKAPO!
pero hindi naman maganda na umalis na lang ako, kaya nagiwan na lang ako ng note...
No time to think! Kahit korny naisip ko, ilalagay ko na!! Sandali... Baduy naman pala talaga ako...
"Thank you that I met you, you know I get crazy, Ooh here's my number, CALL ME MAYBE?"
Safe naman akong nakauwi ng bahay at nailabas ang lahat ng sama ng loob ko sa mundo.
Pero iniisip ko pa rin si Amethyst. Ano na kaya ang lagay nya? Ano kaya naramdaman nya nung iniwan ko sya?
Sana hindi sya magalit sakin.
SANDALI! MAY NAKAKALIMUTAN YATA AKONG PASALAMATAN...
Tinext ko agad si Kyle
pre, tnx :) sna mag2loy na 2!
Nagreply naman sya
Wc! :)
Dahil sa reply nya, nalaman kong gusto nya talaga tumulong at UNLI SYA...
-------------------------

BINABASA MO ANG
Mahal Kita, Sana Ikaw Din Sa'kin
Teen FictionYung feeling na isang araw, na meet mo ang sa tingin mong "Girl of your dreams" at nais mo syang humanga sayo kahit na alam mo sa sarili mong baduy kang tao without getting your relationship to a intriguing stage kasi batid mo rin na sikat ka.