Noong una, ramdam mo, ika'y nag-iisa,
Hindi parin, ika'y lubusang kilala,
Ika'y magpakilala ng may pag-asa,
Na tayo't ako'y palaging magkasama.
Iyong makikita sa mukha ang saya,
Biruan, tawanan sa piling ng tropa,
Ika'y mapapaiyak sa kakatawa,
Sa saya kapiling ang ka-tropa.
Problema'y haharapin ng sama-sama,
Di ka namin iiwan ng nakaluksa,
At bibigyan ka ng saya at pag-asa,
Sasamahan ka sa lungkot at sa saya.