Can't be But I Did :)

237 3 13
                                    


Ang love walang pinipili yan, basta gusto mo ang isang tao kahit kamukha pa niya si Piccolo magugustuhan mo parin siya. Pero siyempre except sakin, kasi gusto ko talaga na gwapo maging prince charming ko *__*. Uyy! Oo naman noh? magkakaboyfriend ka na lang din naman edi maging choosy ka na. Pero totoo naman kasi, if magkakagusto ka nalang din naman you have to make sure na he is the best for you. Yung hindi ka paiiyakin at sasaktan. Walang deserve and masaktan. At sa mga may problema sa mga ex nila, simple piece of advice lang.

KAPAG INIWAN KA NG LINTIK MONG BOYFRIEND

1. Hayaan mo siya, pabayaan mo lang. Isang patunay lang yan na wala siyang silbi at hindi ka niya deserved.

2. Wag ka ng makipagcommunicate sa kanya, focus ka kung ano meron ka ngayon. Hindi siya ang buong mundo. Try mo iuntog ulo mo sa semento baka magwork compare sa relationship mo. Hahahaha

3. Tumawa ka with your friends. Be happy. You deserve it. Siguro my karapatan ka naman maging masaya diba?

4. Wag mo siyang isipin, maiistress ka lang niyan. Wag kang magpahalata na nasasaktan ka. Bakit siya ininform ka ba niya?

5. Umiyak ka kapag di mo na talaga kaya,tao ka at hindi bato. May word na "feelings" sa diksyunaryo. Try mo basahin then write 100x baka sakali mamemorize mo ang meaning. Iiyak mo hanggang matuyo tearducts mo, sigurado magiging okay ka.

6. Kapag nakipagbalikan siya at mahal mo na naman siya (puntangina), pahirapan mo para makaganti ka sa kanya. Bakit? Noong nag let go ba siya at nasaktan ka pagkagising mo the next day okay kana? Wag tanga.

7. Wag mo ng ibibigay ang full na tiwala mo, di mo alam kung ano pa ang pwede niyang gawin. Kung nagawa niya sayo one time, baka my second time? Hahaha

8. Wag mong gagawing basihan na nasaktan ka kaya lahat ng lalaki paglalaruan mo. Remember, KARMA is always watching you :)

9. Kapag nagkasalubong kayo at nakita mong may kapalit kana. Don't be too affected, total smile ang gawin mo. Kung kapalit palit ka, kapalit palit din siya. At kung gusto mo patayin mo sila sa isip mo, isipin mo kinukuha mo yung eyeballs nila at pinipisa isa-isa. Satisfying diba?

10. Take it as a lesson, wag ka ng magpapabola ulit. Hindi dahil libre maging tanga, aaraw-arawin mo na. Gets?

You gotta be strong girl ❤️💪

(Chapter 1)

       Kanina pa ko nakatayo dito pero hindi parin dumadating ang hinihintay ko. Nakuuuu! Siguraduhin lang niya na ang pogi pogi niya dahil kung hindi mahahampas ko talaga tong knapsack ko sa kanya. Sabagay, ako kasi tong mahilig magtextmate kaya ito palagi ang kalagayan ko. Kasi naman po hindi ako kagandahan kaya ako na lang yata ang walang lovelife sa loob ng room namin. Ako si Miyuko Seto (Hohoho ~Libreng plug sa crush kong dati na si Seto Koji). Third year highschool na ako pero uhaw parin sa love! Hindi yata ako na brief na meron palang word na ganyan. Hindi ko nga din alam kung nakakain ba yan or nasusuot? Hahahaha. Joke! Sus ikaw ba naman magkaroon ng makapal na kilay, eyeglasses na parang matandang ulyanin at kumukinang na braces? Idagdag pa ang pisnging parang pinunasan ng cooking oil at kulot na buhok na lumampas lang hanggang tenga. Total tukmol image ako. Pinaglihi yata ako sa kangkong na lanta? O patatas na na buhusan ng muriatic acid. Pero ano naman magagawa ko? eto ang aking swerte sa buhay. Grabe na talaga to! I kennot. Huhuhu. Halos 30 minutes na akong naghihintay dito ha? Ano to? Wala ng libre sa mundo. Everything is with taxes and service charge. Hahahaha! So Solo flight ganeern? 5 minutes nalang talaga promise at aalis na ako. Ohmygeeerd! ayun biglang tumunog ang cellphone ko, 1 message received.

Sender: Textmate

*San ka banda Miss?

Wahh! Andito na siya, my god! Kanina excited ako pero ngayon kinakabahan na talaga ako. Parang gusto ko nalang mag disapper. Baka ang pogi pogi nga niya tapos makikita niya kong ganito? I will die. Pagdedescribe ko pa naman dun ng itsura ko parang si Park Shin Hye. Syempre naman magdedescribe ka nalang itodo mo na diba? Wahh! Si Akiko naman kasi ehh! Siya sana ipapameet ko, yung bestfriend kong sobrang ganda! Kaso may labas sila ng boyfriend niya ehh T_T. Kaya eto ako ngayon at nakikipagkita sa textmate ko. As if my choice pa ako? Tumunog ulit cp ko.

Love Bugs :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon