JE.

322 3 0
                                    

JE.

Hindi ko alam kung ako lang ba apektado sa napanuod ko kanina pero for sure may iba pa. Ngayon lang talaga ako magbo-blog tungkol sa JE kahit na matagal ko na silang sinusuportahan. Ngayon ko lang kasi sila pinaka naramdaman. Or siguro, dinadamay ko lang sila sa lungkot ko. Ewan.

Pero kanina, habang kumakanta si Julie at Elmo ng ‘Angels Cry’, parang malungkot. Ewan ko nga kung dahil lang ba ‘to sa malungkot ako kaya nadadamay sila sa paningin ko pero may iba eh. Parang naiiyak silang dalawa kanina. Tapos sabi ako ng sabi na, “Last na ‘yan. Huli na kaya masakit.” Parang feeling ko kasi, last prod na nila ‘yon together. Ramdam ko sila. Parang gusto ko maiyak kasi parang bumalik ako sa part na kami, kailangan na naming maghiwalay kasi hindi na tama, kasi may iba na siyang mahal at wala na akong role sa buhay niya. Ganon. Ramdam ko si Julie eh. Alam kong nasasaktan din siya kahit ganon.

Si Elmo man, ang unfair naman kung sasabihin na si Julie lang yung affected. Kasi malungkot din naman si Pareng Moe. Parang naiiyak din siya. Siya pa nga nag-initiate nung hug. Tapos parang di naman scripted yun eh. Ang tagal pa nga. Parang may longing sa isa’t-isa. Parang sincere. Ganon.

Shet. Ba’t ba ako ganito. Nasasaktan din ako para sa ibang tao. Aww. My babies. </3

Adik's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon