Eto yung una kong story so please enjoy. :)
"
I am Mike. I am 16 years old. Dancer, Choreographer, freelance model, matangkad, Gwapo daw. Ideal guy na sana pero mayabang. Hindi ako naniniwala sa love at first sight simula nung bata ako kasi ang sabi sakin ng mother ko, Nararamdaman daw yun.
Nag aral ako sa Private school for 3 years. Pero na-kick out ako dahil sa mga kasira-ulohan ko. Kasama kong nadrop yung isa sa mga makalokohan kong kaibigan. So, magpapasukan na ng 4th year nung sinubukan kong magenroll sa ibang private schools pero hindi nila ako tinganggap kasi late na ako nakapag enroll. so no choice ako. bagsak ako ng Public. Nung una ayokong pumasok ng public kasi iba image ng public sakin. Puro away, puro bisyo, puro kung ano ano. Pero nung tumagal ako, okay lang naman pala.
Isang araw, last period namin, may dumaang Dance league sa room namin. She is 3rd year high school. She is Catherine. Nakakalito mang isipin pero para akong nalaglag sa bangin. LOVE AT FIRST SIGHT. Di ako makapaniwala kasi nga, di ako naniniwala dun sa saying na yun. Wala akong lakas ng loob na kunin yung number nya. AS IN WALA. Yung feeling na gusto mo syang kausapin, kaso wala kang lakas ng loob kasi nga unang beses mong makaramdam nung love at first sight. Hindi naman sa pagiging torpe or what. Hindi din ako bading. Dumating yung time na gusto ko na talagang kunin yung number nya pero wala akong lakas ng loob kaya lumapit ako dun sa friend kong dance league para makuha lang number nya.
after so many weeks, magkatext kami. So yun, getting to know ang peg ko. Until di na sya nagreply. So, I feel stupid that time. After so many weeks, naisipan namin ng parents ko na umuwi muna ng Baguio. Vacation lang. Tapos bigla syang nagtext so medyo ninja moves kahit nakacharge yung phone ko. Then yun, sabi nya "Pasalubong ko ha?" sabi ko naman, "Osige, Ikaw pa? :)" tapos reply nya "Joke lang! Ingat kayo. :)"
Pag-uwi ko galing Baguio may di inaasahang pageant yung friend ko na kasama kong nakick out dun sa private school. He is Jerome. Kasama ko sa kalokohan.
I cant believe na yung taong sira ulong yun e sasali ng pageant. Siguro for grades na lang din. So, ako yung na-Manage sa kanya kasi marami na akong experience sa mga pageant. That time, Nagpapractice din sila kasi mag iintermission sila sa pageant. So ako, Konting palusot. Kunwari may gusto ako dun sa isang contestant. (GM pa nung pangalan nung contestant eh)
2 days before the pageant, magkatext kami. Tinanong ko agad sya..
"Uy, may boyfriend ka ba?"
"Wala pero may nanliligaw sakin for 6 months."
"Yiie! may inspiration na sya!" (pero deep inside nasaktan ako. para akong nabuhusan ng kumukulong moriatic acid)
"Kelangan yun sa buhay no!"
At that time, di ko alam irereply ko sa kanya. Mahirap palang mafall ng wala kang reason kundi love at first sight.
PAGEANT DAY!
So prepare prepare. make up kay Jerome. Shempre simpleng silay. Pero inaasar nila ako dun sa ibang contestant. Ang di nila alam, Si Catherine talaga gusto ko.
1 day after the pageant, pumunta ako sa bahay ni Jerome. (Alam ko kasi na magka-Subdivision sila) Well, ang sabi ko, ihahatid ko sya dun sa pagpapractican nila ng sayaw. So kami ni Jerome punta agad sa court. (Favorite meeting place ng 3rd year students) I'm lucky kasi after all this time! Nakausap ko sya ng personal. YEHES! HAHAHA. So, eto, nawalan nanaman ako ng lakas ng loob so softdrinks softdrinks muna kami. Tapos eto palang friend ko, kinalkal phone ko. Tinext nya si Catherine ng "Mas trip kita kesa kay Gracia" . Nga pala, Si Gracia yung isang contestant ng pageant na kunwari trip ko.
BINABASA MO ANG
Hopeless feelings.
Teen FictionDi mo alam kung may pagasa ka o wala. :) First story ko so please enjoy. :)