Kinabukasan, Di sya nagtetext. never syang nagtext kahit isang beses. Pero after lunch biglang..
*BEEP*
Nagbeep yung phone ko. nung chineck ko, nagtext sya.
"Anong iniemo mo jan? haha!"
"Haha"
"Sunduin mo ko mamaya ha?"
"bakit?"
"may sasabhin ako"
"Kung alam mong masasaktan lang ako, wag mo ng ituloy"
Conversation ends. Dumating ang 6:00 pm. Uwian na nila, sinundo ko sya. Di ko alam kung ano yung sasabihin nya. Pero feeling ko, Di ko magugustuhan dahil sa balitang babalik sa kanya si Jude. Magkasama kaming naglalakad habang nasa likod namin lahat ng classmate nya. AWKWARD. -_____- Alam ko naghihintay lang sya ng tyempo at sasabihin na nya pero bakit di nya masabi? bakit nahihiya sya? Alam kong imposibleng mahalin nya ko.. Dapat kaya nyang sabihin sakin na layuan ko sya. Yun na lang tumatakbo sa isip ko ng biglang..
"Di ko masabi. Na-shy ako."
"Sabihin mo na"
"Bukas na lang"
"ngayon na. Bulong mo dali" Kinakabahan kong sagot.
"Bukas na kasi."
"Ngayon na."
"Nakakahiya e."
"Hulaan ko na lang. Ilang letters ba?"
"Uhhmmm.. 9 letters?"
Binilang ko agad yung letters ng I LOVE YOU pero kulang. imposible talaga.
"8 lang yun eh"
"Tagalog kase!"
Oo nga naman. bakit hindi ko naisip bilangin yun. Binilang ko sa isip ko M-A-H-A-L.. 5 agad yun. Teka, Teka, Teka. MAHAL KITA? Tama ba to?
"Okay gets ko na. :"> Di nga?
"Oo nga. starts with letter..."
Di ko na pinayagang magsalita pa sya. Binara ko agad sya
"M!"
Di ko alam kung nananaginip ako. Oo. Kami na nga. Yung taong alam kong imposibleng mapunta sakin, nasaakin na. WORTH THE WAIT! At ngayon. NGAYON! Hindi na Hopeless ang feelings ko sa sa kanya. :) Mahal na mahal kita Catherine!
-THE END <3
~* Nabitin kayo? Send more suggestions or message me @ www.facebook.com/R.IsenJoogs. Gagawa pa ko ng madami pang article so please! Readers help me! Salamat sa pagbabasa nito. :) Godbless*~
BINABASA MO ANG
Hopeless feelings.
Genç KurguDi mo alam kung may pagasa ka o wala. :) First story ko so please enjoy. :)