A/N: Babala ang storyang ito ay kathang isip lamang. Ang mga pangalan, lugar, at mga pangyayaring magaganap ay nagkataon lamang at hindi hango sa totoong buhay."San ka galing?" bungad sa akin ni Bea pagdating ko sa office.
"Kumain lang jan sa malapit na resto, bakit?"
"Pinapatawag kasi tayo sa conference e, buti sakto ang dating mo," sabi niya saken at lumabas ng pinto.
Kaya nilapag ko na ang mga gamit ko at sumunod sa kanya. Nang makarating kami sa loob nakaupo palang sila kaya umupo na kami.
"Uhm bat hindi pa po tayo nagsisimula? May hinihintay pa po ba?" tanong ni Bea sa kanila.
"Sandali lang otw na daw siya," sabi ni daddy habang nakatuon ang tingin sa cellphone.
Hindi na namin siya hinintay kasi sabi ni daddy sinend niya naman daw sa email yung pag-uusapan kung hindi siya makaabot. Sa gitna ng pakikinig ko nakatanggap ako ng message kay Ate Flora na may emergency daw sa driver namin kaya hindi masusundo ang bunso kong kapatid na si Avielle.
"Dad"
"Nasa ele-" naputol ang sasabihin ni daddy ng nagkasabay kaming magsalita kaya naman sinenyasan niya ako na mauna na.
"Dad kailangan kong sunduin si-" naputol ang sasabihin ko ng may kumatok sa pinto at may pumasok na pamilyar na tao.
"Oh he's here. Come here Kurt," aya ni daddy sa kanya kaya nagdire-diretso siya at umupo sa upuan.
Sinundan ko siya ng tingin at ng magtagpo ang mga mata namin agad akong umiwas at binalik ang tingin kay daddy na nakangiting nakatingin kay Kurt.
"Dad I neet to go, walang susundo kay Avielle," paalam ko sa kanya at tuluyan ng umalis sa office.
Habang nasa gitna ako ng pagmamaneho na alala ko nanaman yun. Sa lahat ba naman ng makakatrabaho ko siya pa.
Naalala ko kung pano siya tumingin sa akin.
'Para bang wala siyang pakialam.'
Naalala ko den kung pano niya ako baliwalain kanina.
'Na parang hindi niya ako kilala.'
Kung paano niya ako lagpasan at nagdire-diretso agad sa upuan.
'Na para bang hindi niya ako minahal.'
'Minahal? minahal niya nga ba ako?'
_____________________________________________________________________________________________
...

YOU ARE READING
Kathang Isip (BEN & BEN SONGS SERIES #1)
Teen FictionBEN & BEN SONGS SERIES #1 Linya ng negosyante ang pamilya ni Kurt. On the contrary, Engineering ang kinuha niya. Sa gitna ng pag-aaral niya nakilala niya si Acielle ang babaeng makapag papatibok ng puso niya. Pero kahit gaano pa kaayos at kasaya ang...