Pagkadating ko sa restaurant na sinabi ni Avielle ay pinark ko agad ang sasakyan ko at lumabas ng kotse.
Pagpasok ko sa loob hinanap ng mata ko ang aking kapatid, "Ate!" napatingin ako sa paligid para tignan kung nasan banda si Avielle at pagkalingon ko sa medyo dulong bahagi nakita ko ang babaeng kumaway.
"Kamusta ang byahe?" bungad ko pag kaupo ko sa tabi niya.
Humikab muna siya bago magsalita, "Nakakapagod, kanina pa ako nag-aantay dun. Buti nalang tinext agad ako ni Kuya Jerson na hindi niya ako masusundo kasi may emergency daw sa kanila," mahabang paliwanag niya.
"Buti nalang natawagan mo agad ako para masundo ka," sabi ko sa kanya.
Nasa gitna kami ng pagkain ng bigla ulit siyang nagsalita.
"Ay alam mo ba ate," sabi niya kaya naman napalingon ako sa kanya, "I saw your ex-boyfriend."
Nagtaas ako ng kilay sa kanya bago sagutin ang kanyang sinabi, "Do you think I care?" irita kong sabi.
"Siguro sinundo niya yung girlfriend niya kanina," sabi niya at sinubo ang kanya kinakain.
"Kaya siguro late siya kanina," sabi ko, "Ha? Magkasama kayo?!" gulat na tanong niya sa akin.
"Nah, may meeting lang kami kanina at saktong siya ang kinuhang Engr. ni dad," paliwanag ko sa kanya.
Tango-tango niyang sagot habang pinagpapatuloy ang pagkain. Pagkatapos naming kumain dumiretso na kaming mansion at pinaasikaso sa mga maid ang bagahe ni Avi.
"Ate," tawag sa'kin ni Avi kaya napalingon naman ako sa kanya. Mahina niyang tinapik ang kanya kama, senyas niya na maupo ako dun.
"Bakit?" tanong ko sa kanya, "Pano kayo nagkakilala ni kuya, ate?" inosente niyang tanong sa'kin.
Napatingin ako ng matagal sa kanya bago ako nagsimulang magkwento. Tumingin muna ako sa bintana bago sinumulang magkwento sa kanya.
***
"Ven tapos ka na ba sa plate mo?" tanong sa akin ni Bea.
Tumango ako at niligpit ang mga notes ko na nakakalat sa sahig. Nang napatingin ako sa kanya, napansin kong aalis siya. Nakasuot siya ng black shiny top at black shiny skirt na hanggang baba ng tuhod, pinartneran niya naman ito ng nude high heels. Ang buhok niyang hindi naman ganon ka-kulot ay tinali niya ng kalahati na nakabun. Hindi siya nagmake up pero naka dark red lipstick siya.
"San ka pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Pupunta kaming BGC ngayon, sama ka ba?" tanong niya sa'kin.
Tumango ako sa kaniya at tinapos ang paglilinis sa kwarto. Nang matapos akong magligpit agad akong dumiretso sa bathroom at nagsimula ng maligo. "Tara na," aya ko sa kaniya ng matapos kong mag-ayos. Minasdan ko ang sarili ko sa salamin. Nagsuot ako ng red bodycon dress at red high heels, nagmake-up nadin ako ng very light at naglagay ng dark lipstick bago umalis.
"Akala ko ba sa BGC tayo dzai?" tanong ni Lewis kasama ang kaibigan niyang si Axel.
"Oo nga, akala ko ba sa BGC?" tanong naman ni Giselle.
Nakatingin lang kami kay Bea na nakatingin sa parang resto lang kung masdan. "Eto na yun?" taka kong tanong kay Bea.
"Tss andami niyong arte, pumasok nalang kayo mukha namang maganda dito. Atsaka nakita ko lang ito sa facebook," sabi niya at naunang pumasok sa amin kaya wala naman kaming nagawa kundi and sumunod dahil alam naman naming treat niya ito.
"Wow," yun lang ang salitang lumabas sa aking bibig ng masdan ko ang buong paligid. Grabe and ganda dito, chill lang tapos ang gaganda ng music na pinapatugtog.
"Cheers!" sabay sabay naming sambit habang hawak ang baso at pinagdikit ito.
Habang nagkakatuwaan kami bigla akong kinurot ni Giselle sa bewang kaya naman napaigtad ako sa sakit, "Ano ba Giela Eliselle?" galit kong tanong sa kaniya.
"May hot guy dun sa kabilang table oh *hik* and cute nung nakadark blue oh!" bulong niya sa akin na parang kinikilig pa kaya naman napatingin ako sa binabanggit niya. 'Cute naman pero mas cute yung naka black.'
Nagmamadali akong tumakbo sa cr dahil nga pakiramdam ko parang masusuka ako. "Shit asan na ba kasi yung cr ditooo!" sabi ko habang palingon lingon sa paligid.
Nang makalabas ako para akong matutumba dahil sa hilo. "Grabe naisuka ko yata lahat ng nainom at nakain ko pati rin yata mga laman loob ko," sabi ko habang naglalakad pabalik sa aking mga kaibigan.
"Oh my gilagid!" sambit ko ng muntik na akong matumba buti nalang may sumalo sa akin. 'Oh, siya yung cutie na naka black.'
"How are you miss? Are you ok?" tanong niya sa akin.
'Geez, gagamitin ko tong pagkakataon para banatan siya' sambit ko sa aking sarili.
"Wait parang kilala kita," sabi ko at hindi pinansin ang tanong niya.
"Huh?" takang tanong niya, "Kamukha mo si ano," sabi ko habang hawak ang baba at nakatingin sa taas na parang may iniisip.
"Sino?"
"Si ano nga!"
"Sino ba miss?" tanong niya.
"Yung future boyfriend ko hihi," sabi ko sa kanya at pansin ko namang para siyang nag-init, nag-init ng ulo kaya nagpakaseryo nalang. "Charot lang hihi, btw salamat!" sabi ko sa kaniya at tinalikuran na baka kasi pagbinanatan ko ulet, mafall na sa akin.
"Tagal mo ah, nakita kita kausap yung nakablack, ikaw ha!" sabi niya habang tinutusok ang tagiliran ko.
"Naku wala yun, may iba akong gusto," pagdedeny ko sa kanya.
Nang makauwi ako sa bahay natulog na agad ako dahil sa sobramg pagod ko.
_____________________________________________________________________________________________
...

YOU ARE READING
Kathang Isip (BEN & BEN SONGS SERIES #1)
Teen FictionBEN & BEN SONGS SERIES #1 Linya ng negosyante ang pamilya ni Kurt. On the contrary, Engineering ang kinuha niya. Sa gitna ng pag-aaral niya nakilala niya si Acielle ang babaeng makapag papatibok ng puso niya. Pero kahit gaano pa kaayos at kasaya ang...