Mahigpit ang pagkakapit niya sa braso ni Ruffus. Si Rafa naman ay nasa likod niya at humahaplos. Kahit papano gumagaan ang pakiramdam niya sa ginagawa ng dalawa. Sinabihan siya ni Rafa na tawagan nito ang mga magulang niya ngunit tumanggi siya. Alam niyang mali pa rin na mananatili ang sama ng loob niya sa mga ito. Pero hangga't hindi niya matatanggap na asawa niya si Giuseppe ay mananatili siyang walang kakausapin sa mga ito.
Tahimik lang siyang naglalakad sa hallway papunta sa delivery room at nakaalalay sa kanya si Rafa at si Rufus naman ay nasa kanyang likuran. Lukot pa rin ang mukha ng kaibigan dahil nakipag away ito kanina sa emergency room dahil pilit siyang gamitan ng wheelchair na pinagbawal ng doctor. Hindi pa naman daw lalabas ang bata kaya kailangan niyang lakarin hanggang delivery room.
Hindi naman siya nagreklamo pero ito talaga ay gustong makipagtalo pa. Tumigil lang ito nang sabay nilang sawayin ng kapatid nito.
"Bettina?"
Kasabay ng pag angat ng kanyang mukha ay ang paglukot ng kanyang reaksyon. Ang pagkakataon nga naman ay makikita pa siya ng babae sa ganoong sitwasyon."Do you know her?",mahinang tanong ni Rafa sa kanya.
"Hindi",salat sa emosyong sagot niya saka nagpatuloy sa paglalakad. Kahit humilab ang kanyang tiyan ay hindi niya pinakita sa babae na nahihirapan siya. Tama ba ang nakita niya sa mga mata nito? Pag alala? Impossible.
Nang nasa tapat na sila ng delivery room ay pinili niyang hindi muna pumasok. Hindi pa naman siguro lalabas ang bata sa kanyang tiyan dahil hindi pa pumutok ang kanyang panubigan.
"You can cry,you know?" Ani Ruffus sa tinging nag aalala.
"Bakit naman ako iiyak?" Singhal niya. Kahit ang totoo ay gustong gusto na niyang sumigaw ng aray. "Just massage my back please."
Hindi naman ito tumanggi pa at agad na minasahe ng marahan ang kanyang likod. Napapikit na lang siya dahil nakaramdam siya ng konting ginhawa.
"Take your hands off from my wife or I'll break it."
Naimulat niya ang mga mata at mabilis na ibinaling ang tingin sa nagsalita. Madilim na mukha ni Giu ang bumungad sa kanya. Nakaramdam siya ng irita sa reaksyon nito."Bakit kayo nandito doc? Diba may trabaho ka?"
"I told you to call me, Bettina", mahina ngunit mariing sambit nito. Sabay abot sa kanyang likod at marahang minasahe pababa sa kanyang balakang.
Hindi na niya pinansin ang tila naninitang tono nito dahil umatake na naman ang sakit. Isinanday na lang niya ang katawan dito at ipinikit ang mga mata. Naramdaman niyang pinahid nito ang kanyang namamawis na noo."Ang thoughtful naman ng babae mo, agad sinabi sayo na nandito ako", aniya kapagkuwan nang saglit na makahinga siya ng maluwag.
"Hindi ko babae si Sheerina. Who gave you that idea?"
Umirap lang siya. Hindi siya nakapalag nang marahan siya nitong ikutin paharap dito. Naidantay na lamang niya ang noo sa dibdib ng asawa at mahigpit na napakapit sa balikat nito. Hindi na niya nagawa pang tingnan kung nandoon pa ba ang dalawang kaibigan dahil nakatuon ang kanyang pansin sa sakit."Magsalita ka",utos niya rito. Hangga't maaari ayaw niyang umalpas ang malakas na ungol mula sa kanyang bibig. Ayaw niyang pumasok muna sa delivery room hangga't hindi pa pumuputok ang kanyang water bug. Pero nandoon na ang doctorang magpapaanak sa kanya.
"Look, hindi mo kailangang tiisin ang sakit. Pwede ka namang sumigaw or umiyak o kahit daing man lang",nag aalalang boses nito.
Tiningala niya ito at sinamaan ng tingin."Para ano? Magmukhang bakang umaatungal?"
"Okay",anas nito. Sabay halik sa kanyang noo na ikinatigil ng kanyang paghinga. Hindi niya inaasahan yon. "You can do it. You're brave. You're strong. I'm just here. I'm just here."
BINABASA MO ANG
Doctor Next Door(COMPLETED)
General FictionWARNING|| MATURE CONTENTS Bettina Mijares decided to live alone away from her father.Kung kailan akala niya tahimik na buhay niya sa nabiling condo unit sa bahagi ng Metro Manila, ay nagambala nang magkaron' siya ng kapitbahay na lalaking 'patay-g...