Chapter 4

5 0 0
                                    

Eve's POV

Nagising ako kinaumagahan na namamaga ang mata. Halos lumuwa na ang mga mata ko sa kakaiyak kagabi. Ewan ko ba kung bakit nasasaktan ako ng sobra kahit hindi naman naging kami ni James. hayy, parang wala akong ganang pumasok ngayon. 

*tok*tok*tok*

"Sino yan?" 

"Ako ito anak. Ok ka lang ba? Hindi ka ba papasok ngayon?" Tanong sa akin ng nanay ko.

"Hindi na po. Masama po kasi talaga ng pakiramdam ko". Sagot ko kay mama.

"Ah. Ganun ba. O sige. Nga pala, may lakad ako mamaya. Sama ka?"

"Dito na lang po ako sa bahay. Nandyan naman ho si Manang." Sagot ko kay mama

"Ang ganun ba. Sige, O eto ang pera. Maglibang ka para hindi ka mabagot dito." Sabi ni mama habang inaabot ang pera." Wushuu, mauna na ako. Bye anak."

"Bye Ma. Ingat kayo."

Paglabas ni mama, napahiga na lng ako. Iniisip ko pa rin ang mga nangyari kahapon. 

"Nakakabagot naman dito." Sabi ko sa sarili. Nang biglang na isip ni Eve ang chapel malapit sa bahay. 

Hindi alam  ni Eve kung bakit parang gusto niyang pumunta doon. Feeling nya kasi mawawala ang sakit ng nararamdaman nya pag nanduon siya. 

Ilang minuto ang niyang pinag-isipan as sa bandang huli, dinala siya ng mga paa nya doon. Naglibot2x na lng siya sa Garden malapit sa chapel.

AJ's POV

Ang ganda naman ng umaga ngayon. Makapagdasal nga.

"Lord, maraming salamat sa isang panibagong umaga. At sana'y gabayan mo kaming mga anak mo. Amen". Dasal niya.

Habang nakasilip ako sa bintana, may nakita akong isang babae. Parang pamilyar ang babae.

Si Eve yun ah. Bakit siya andito? Diba may pasok sila ngayon?Mapuntahan nga. Para din Kamustahin ang CY club. Sabi ng isip ni ko.

Naligo muna ako. At lumabas. Pumunta ako kung saan naroon si Eve.

"hi."bati nya rito.

"AY KABAYO!" biglang napasigaw si Eve. Halatang nagulat ito.

"hahaha. Sorry, nagulat ba kita?"Tanong ni ko.

"Ah. Kayo po pala kuya AJ" Sabi ni Eve. Pero parang ang lungkot nya ngayon ah.

" Ano yang tinitignan mo.Bulaklak ba yan?"Tanong ko sa kanya.Kanina pa kasi siya abala sa bulaklak na nasa likuran niya. Kaya hindi nya ako napansin.

"Ah eto po ba?Red roses po. Favorite flower ko". Sagot ni Eve habang nakangiti. Ang ganda ng ngiti niya. Pero may halong lungkot.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya. Para kasing umiiyak ito.

"Wla kuya." sagot nito. Pero halatang may problema ito. Ayaw niya lang sabihin.

"Alam mo, mas makagagaan ng pakiramdam kung sasabihin mo sa akin ang problema mo. Handa naman akong makinig eh. Wag kang mag-alala." Sabi ko sa kanya.

Nabigla na lang ako ng biglang dumaloy ang luha sa mga mata niya. Psshh, ayoko pa namang makakita ng umiiyak na babae. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Niyakap ko na lang siya.

Ilang minuto din ang lumipas at tumigil na siya sa kakaiyak.

"Anong problema huh?Tanong ko ulit sa kanya.

"Kasi kuya, si James eh. Nakita ko po siyang may kahalikan na babae kahapon. Alam kong wala akong karapatang magselos dahil hindi naman kami. Pero kuya, sinabi niyang mahal niya ako. At ako naman ang tanga, naniwala naman."Sabi niya na halatang  iiyak na naman ito.

Forbidden FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon