XI

4.5K 169 12
                                    

S. E. U. L. G. I

Dalawang oras din ang tinagal ng byahe namin alam ko na mabilis na ito dahil tatlong oras na dapat ang byahe namin.

"Young Lady nandito na po tayo"sabi ng driver ni Irene ng huminto ang sasakyan.

Mabilis na lumabas ako at dahan dahan binitbit si Lisa hindi ko na hinintay pa ang driver ni Irene.

"Irene mauna na kayo, kaya ko na ito"seryosong sabi ko dito at mabilis na pumasok ng hospital.

Sinalubong agad kami ng dalawang nurse at may dalang strecher kaya nilagay ko agad doon si Lisa.

"Wait Seulgi baka pwede hintayin ko na lang kayo para mahatid ko kayo pauwi"napalingon ako kay Irene ng sundan kami nito sa loob.

"Huwag na alam ko pagod ka din. Isa pa normal lang tong nangyari kay Lisa"ngumiti ako dito para mawala ang kaba nito.

Nakita ko na nag aalalangan ito pero ngumiti din siya ng makita na nakangiti ako sa kanya.

"Take care bear"hindi ko inaasahan ng halikan ako nito sa pisngi bago umalis kaya napahawak ako saglit.

Napabalik ako sa pagkakagulat ng marinig ko ang pamilyar na boses ng isang babae.

"Ms. Kang"nakita ko ang isang babae na hindi katangkaran at nakasuot ito ng white coat.

"Doctor Jasmine Wang"seryosong sabi ko sa pangalan nito. Nakita ko na tinignan ako nito at mabilis na sumunod ako ng tumalikod ito.

Hanggang sa nakarating kami sa isang private room ng hospital dito sa Red Diamond Hospital.

"Chineck ko si Lisa at ngayon kasalukuyan siya natutulog dahil binigyan ko ng pampatulog ang dextrose niya"pag uumpisa nito pero alam ko na hindi pa ito tapos sa sasabihin niya ng makita ko na masama na tinignan ako nito.

"Ms. Kang mag handa ka dahil pag nagising si Lisa mag sisimula nanaman siya"nanlaki ang mata ko sa sinabi nito at naramdaman ko na nanlamig ang pakiramdam ko.

"Hindi ba siya pwede painumin ng gamot? Yung binigay mo dati?"tanong ko dito at nakita ko na napahawak ito sa noo niya.

"Alam mo hindi ko na maaaring bigyan ng gamot na yun si Lisa. Kaya nga may binigay ako sayo na vitamins niya na ginawa para sa kanya. Alam mo na ang gagawin din once na may napansin ka na iba sa kanya kapag nagising siya"napakagat ako sa ibabang labi ko ng sabihin iyon ni Doctor Wang.

"Ilang oras epekto ng pampatulog na binigay mo sa kanya?"tanong ko dito ng maalala ko na binigyan niya ito ng pampatulog.

"2 days kaya bantayan mo siya ng mabuti kung sakali man na mali ang sinabi ko babalik siya sa dati. It's a good sign na gumana ang ginawa sa kanya 3 years ago"napabuntong hininga ako at alam ko na pag gising niya katulad pa rin siya ng una dahil bago ito mahimatay tinawa pa ako nito.

"Mauna na ako Ms. Kang may aasikasuhin pa ako"paalam nito sa akin at sinundan ko na lang ito ng tingin ng lumabas na ito ng private room.

Nilapitan ko si Lisa napansin ko na medyo namumutla ito. Hanggang sa mag ring ang phone ko kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Muntik na ako tumumba ng mabasa ko kung sino ang tumatawag sa akin. Palihim ako napamura dahil sa nakalimutan ko siya tawagan.

"Kang Seulgi"napalunok ako ng marinig ko ang boses nito. Mararamdaman mo ang lamig kahit na magkausap lang kami sa phone.

"Napagod siya dahil pumunta kami ng Enchanted Kingdom sa heart city"mabilis na sabi ko at hindi ko alam kung maniniwala ito sa sinabi ko.

Hindi ako sure kung tinawagan ba ito ni Doctor Wang o pinasundan kami nito.

"Anong sinabi ng doctor?"napakagat ako sa daliri ko sa kaba. Hindi ko alam kung tatapatin ko ba ito.

"Over fatigue"napapikit na lang ako ng sabihin ko yun. Well para sakin ganun na din naman ang nangyari.

"Okay, tignan mo na lang din siya"napatango ako kahit hindi nito nakikita at binaba na nito ang tawag.

Nilapitan ko si Lisa at tinignan ulit bago lumabas ng room niya dito sa hospital.

Paglabas ko sumalubong agad sa akin ang isang nakauniform na pang nurse tinignan ko ito.

"Ms. Kang titignan ko po yung dextrose ni Ms. Lisa pinapacheck po ni Doc"hindi ako umimik ng sabihin niya yun.

Hinawakan ko ito sa balikat at nagtatakang tinignan ako nito. Nakita ko na kinakabahan ito dahil sa tingin na binibigay ko sa kanya.

"Name?"nakangiting tanong ko dito at ngumiti naman ito sa akin bago sumagot.

"Ria, Ms. Kang"hindi ko pa rin inaalis ang pagkakahawak ko sa balikat niya.

"Bago ka lang dito"nakangiting tanong ko pa rin at napansin ko na napaiwas ito ng tingin.

Pasimple ko tinignan ang suot nito at lalo na sa paa nito ng makita ko na nakasuot ito ng black heels.

Tinignan ko pa ang kaliwang dibdib nito kung saan dapat may nakalagay na name plate at ang uniform nito at iba sa nurse na dapat titingin kay Lisa.

"Opo Ms. Kang"tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa balikat nito at nginitian ulit ito.

"Nice to meet you Ria"nakita ko na mabilis na ngumiti ito at bumalik sa pagkakaayos ng tayo.

"Nice to meet you too Ms. Kang"palihim ako napangisi at tingnan ang dala nito ng may makita akong injection na may laman.

"Para saan ito Ria?"nagtatakang tamong ko dito. Nakita ko na palihim ito napalunok.

"Gamot po ni Ms. Lisa pinabibigay ni Doc"paliwanag nito at mabilis na kinuha ko ito at tinignan. Napansin nito ang ginawa ko pero pilit niya kinakalma ang sarili.

"Here"kukunin sana nito ang injection sa akin ng ngumisi ako dito at mabilis na sinaksak sa ulo niya.

"Ah"mahinang daing nito at unting unti ito bumagsak.

Nakita ko ang na may paparating na isang naka suot na itim na coat at nginitian ko ito.

Tumalikod na ako para umuwi dahil kukuha pa ako ng gamit namin ni Lisa. Hindi ko na binalikan ng tingin ang nurse na nakahiga.

---

Thirperson's POV

Tanaw na lang ng isang babae na nakasuot ng itim na coat ang babae na kakaalis lang.

Tinignan nito ang isang nilalang na nakahandusay sa lapag at unting unti lumalabas ang dugo sa ulo nito.

Dilat na dilat ito ng mawalan ng buhay, napailing na lang siya sa ginawa ng kakaalis lang.

"Linisin niyo to"may dumating na tatlong lalaki na nakaitim na coat din at nilagay sa wheelchair ang babae.

Pumasok sa loob ng room ang babae at nakita niya agad si Lisa na mahimbing na natutulog.

Lumapit siya at nakita niya ang ilang anino na tila tinitignan siya.

"Hinihintay ka na nila Ms. Lisa kaya gumising kana"bulong niya dito at matapos ay lumabas na din ito ng room.

Makikita sa hallway ang iba pang mga tao na nakasuot na itim na coat. Mga nakaface mask din ang mga ito ng itim kaya hindi agad basta basta makikita ang mga mukha nila.

Lahat sila ay nakatingin sa isang room at nagmamasid sila kung may iba pang papasok doon.

Napangiti sila dahil babalik na ang hinihintay nila kapag gumising na ito sa pagkakatulog.

----


The Missing Queen (JenLisa) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon