"Next time try to fight for yourself. You owned the space you in, kaya wag mong hayaang pasukin nila ang pwestong pag aari mo para lang sirain ang pagkatao mo." He whispered in my ear, that make me tingled.
Kinuha niya yung librong ibinato nya at naglakad paalis.
Napatulala ako at hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.
This is the first time na may nagtanggol sakin, at sa unang pagkakataon ay may nasagot narin sa mga katanongan ko na noon ko pa hinahanap ang sagot, at sa hindi inaasahang pangyayari, isang estranghero pa ang nagpuna sa katanongang kong iyon, isang estrangherong hindi ko inaasahang tatratohin ako ng ganito..
I wiped my tears and sighed heavily.
"He's right yuri! Don't be coward!" napalakas ang sigaw ko kaya napatingin pa sakin yung iba at pinag usapan na naman ako.
Naglakad nalang ako papunta sa building kung nasaan ang room ko, kinuha ko ang phone ko nung mag vibrate ito, may nag text sakin, ibababa ko na sana pero nakita ko kung anong oras na '9:58 am'
"Oh no hell no! Late na ko engot!" nagtatakbo takbo ako hanggang sa makarating ako sa floor kung saan ako nilagay ni kuya.
Hinanap at tiningnan ko ang bawat room at nang makita kong nakatayo si 'Mr. Pajaras' sa unahan agad akong pumasok sa loob, ginawa ko ang lahat para walang makapansin sa presensya ko pero nabigo ako!
"Ow hi there Yuri fiona Herrera, good morning." Nakangising tawag niya. "Hey Mr. Pajaras your favorite student is heree na!" Sigaw ng higad na babaeng to.
She is Loreen Macapalaz, the number one competitor in this university, actually nag aagaw kami parati sa spot ng top 1 ever since before, but sadly they always had their favorite, ang malas lang na hindi ako yun.
"Oh Ms. Herrera, tapos ka nabang mag lakad sa napakahaba mong red carpet? Sinulit mo siguro kaya late ka nanaman" Mr. Pajaras said sarcastically.
Napayuko nalang ako sa kahihiyan, palagi tong nangyayari pero nahihiya pa rin ako, ang hirap kayang pagtawanan noh!
"I'm so sorry sir, It won't happen again" halos maiyak na ako kasi alam ko kung anong mangyayari sakin sa pagkakataon na to.
"Ilan taon mo na ulit sinasabi yan?" Sarkastikong sabi na naman niya. He sighed "Let's go. Come to me to the dean's office" my eyes widened halos magkarambulan ang dibdib ko sa sobrang kaba. Nanginginig kong sinundan si Mr. pajaras papunta sa DO.
Pag dating doon nakita ko agad si daddy, he's staring at me with no emotions on his face, he's mad again. Damn it yuri!
"Sit down Ms. Herrera" ayon na yung boses niyang palalamigan ang buo mong katawan at patutuyuin ang lalamunan mo.
Nakayuko akong umupo sa tapat niya, nangingilid na ang luha ko pero pinipigilan kong wag umiyak.
"Oh Mr. Morris come in." Napalingon ako nang may pumasok na isang lalake yuyuko nalang sana ako, pero teka-- kilala ko siya ah? Diba siya yung lalakeng nagligtas sakin kanina? Anong ginagawa nya rito?
"Good morning sir. Tapos ko na pong linisin ang mga cr sa room 4, bat niyo po ko pinatawag? May ipapalinis po ba kayo dito sa office niyo sir?" dirediretso niyang sabi, sumulyap siya sakin at nag iwas rin ng tingin.