Prologue
"Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana sadyang mapaglaro itong mun-- Aray!"
"Kanina ka pa ulit ulit kinakanta mo"
"ang high blood mo naman! ang ganda naman ng boses ko ah hmmpp"
Tinignan ko lang siya ng masama tyaka nagpatuloy na sa aking pagkain. Ang aga aga nang bubulabog na naman.
"Pero girl~ nasa Pinas na siya girl! Magkikita na kayo ulit. Ano? kakausapin mo parin ba siya?"
Bigla akong napatigil ng kain ng marinig iyon
"Alam mo ito oh! kumain ka! ang aga aga nang iintriga ka?" Inabot ko sa kanya ang tirang itlog and hotdogs
"Seryoso nga kasi ako, makikipagkita ka ba?" Sumubo na rin siya ng pagkain.
"Magkikita at magkikita talaga kami. Kilala mo naman si mama di ako makaayaw pag siya ang nag aya diba?"
"Oo, pero gusto mo ba siya makita?"
"Ewan, pero sana wag nalang" Napatulala ako sa harap ng pagkain ng maalala ko yung mukha niya nung nalaman niyang kami ay--
"Girl~ tulala ka na naman? You miss him na ano? syempre mamimiss mo kasi matagal kayo nag sama"
Tumayo na ako at nilinis na ang kinakain ko.
"Pero girl~"
"Ano na naman?" Inis ko na naman siyang tinignan. Dadami na wrinkles ko nito sa mukha.
"Ahm, ano nag text kasi si Marco pinapasabi na uuwi rin raw siya ng Pinas at nag aayang umattend ng kasal ng kaibigan niya" Inilapag niya na rin ang pinagkainan sa lababo.
"Nakikipag contact ka parin sa kanya? May binigay ba siyang invitation?" Di ko na siya tinignan at nag hugas nalang ako ng plato.
"Ewan blinock ko na nga sa fb eh di ko alam na meron pa pala siyang number sakin. Wala pang invitation pero yung ikakasal raw ay sina Sharve Maravilla and Vinie Lay Valenzuela"
Bigla akong napahinto sa nadinig na pangalan. Damang dama ko ang malakas na tibok ng puso ko at ang di maipaliwanag na emosyon.
I should be happy right? yung taong mahal ko ikakasal na sa taong mahal niya. And alam kong hindi ako yun dahil una palang dapat hindi na namin sinimulan ang relasyong yun.
'But damn! Lyca Faborada the man you love is getting married and you are stuck here. Ano na ang gagawin mong babaita ka"
---
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Enjoy reading~
BINABASA MO ANG
Imagine Us in Heaven
RomanceThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events...