Our Love Starts in a Bus

4 0 0
                                    

Raven's Point Of View

Isang maulan na araw na naman, ah.. maulan, ito ang pinakapaborito ko sa lahat ng klase ng panahon. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana mula dito sa classroom namin, 5pm na at hindi pa kami makakauwi dahil sa gumagawa pa kami ng project.

A very big project. Dito nakasalalay ang grades namin, kung papasar ba kami o hindi.

Isa na doon ang participant na si Eliella, ang crush ko matagal na. Bakit ko siya crush? Well, ang cute niyang tignan eh. Yung direktor namin na napaka-sungit at chinese ang apilyedo na si Maria Dy, haha chinese.

"Oh! Bumalik na kayo sa pwesto bilis!"
Sigaw pa ng tunay namin na direktor, bali si Maria ay co-director at si Margha ang "director" talaga namin.

Kanina pa sigaw ng sigaw si Margha sa mga classmates namin pero hindi parin sila kumikilos. "Huy! Bilisan niyo na! Lumalakas na ang ulan mo!" Reklamo ng babaeng bida, ang pangalan niya ay si Hannah. Siya yung may cute na eyeglasses at siya rin ang morena sa classroom namin. Bale yung ibang classmates namin ay sadyang maiitim at mapuputi.

At nandito lamang ako sa upuan malapit sa bintana, tinitignan ang ulap. "Raven!! Juskomiyo, hoy!! Rapist, pumunta ka na dito!" Gulat naman akong napatingin kay Margha. "Ha? Anong rapist?" Tumawa naman si Hannah at si Eliella dahil doon, sh*t nakakahiya.

Pumunta na lamang ako sa harapan at nag rehears kami muli. Si Hannah naman ay naiinis na at nag-aalala dahil matagal rin siyang di nakauwi, first timer ata. Siguro dahil napaka strict ng parents niya.

Matapos ang rehearsal ay narinig ko ang mala-buntong hininga ni Hannah. "hayy salamat! Makakauwi na rin ako!" Sabi pa niya at nag-ayos naman siya, hindi ko na lamang siya pinansin at lumabas na ng classroom kung saan sa bench ay naghihintay ang mga kaibigan ko.

Yung classroom kasi namin malapit sa field at merong bench doon kung saan pwedeng tumambay ang mga students, kanina na rin tumigil ang ulan.

"Ehh! Eliella, pasabay naman ako oh." Narinig kong pagmamakaawa ni Hannah kay Eliella. Tinignan ko naman si Hannah at nakitang nagpapa-kyut siya nito. I look away, because damn it she's so cute!

"Ha? Eh, ang layo-layo ng sa inyo tsaka hinahanap na rin ako sa amin eh." Napa pout naman si Hannah dahil doon. "Ehh first time kong umuwi na mag-isa, natatakot ako~" reklamo pa niya. "Hannah, sabay na lang tayo." Bigla namang nag-offer ng tulong si Julie, ang kaibigan ko rin. "Wahh? Talaga! Salamat!!" Sabi pa ni Hannah. "Ako rin, sasabay na." Sabi pa ni Sabate, ang class genius namin. Mas natuwa naman si Hannah dahil doon.

"Raven, sasabay ka?" Bigla naman akong tinanong ni Sabate. "Tutal malapit lang rin naman ang bahay ni Hannah sa inyo, sabay ka na lang." Pagkumbinse niya sa akin. "Pero nandito sila John, pre." Sabi ko, inakbayan naman ako ni Sabate.

"Sus! Yan pa ba iisipin mo? Eh may chiks na eh." Taas-baba pa ang eyebrow niya habang sinasabi niya iyon. "Manahimik ka nga, hindi ako manyak no!" Agad naman tumawa si Sabate. "Ang ibig sabihin ko lang ay babae siya brad, alam mo naman makipag resbakan eh kaha, tara na!" Kumunot naman ang noo ko dahil doon, malalaking tao pa nga, kinakatakutan ko, makipag-laban pa kaya?!

Oo, sige, sabihin niyo na weak ako. Totoo rin naman eh, kaya no comment.

"Hannah! Sasabay na rin si Raven sa atin." Sabi pa ni Sabate at tumingin naman siya sa akin, "a-ah.. g-ganun ba? Oh! Sure!" Sabi pa niya at tumaas naman ang kilay ko, totoo lang? Okay lang sa'yo Hannah take note puros lalaki ang kasabay mo. Baka kung ano ang gagawin namin—ah! manahimik ka Raven! isa kang anak ng diyos hindi anak ng demonyo! Kababalastugan na naman ang naiisip mo!

Lumabas na kami ng school at bumili muna ng makakain at naglakad papunta sa kung saan makakasakay ng Jeep. Habang naglalakad ay masyadong madaldal si Hannah sa amin at napaka lively niya kahit umuulan. Para siyang bata, napaka childish niyang mag-act.

"Ah! I heard na may bus na humihinto, banda sa sakayan ng Jeep!" Bigla niyang sabi habang ako naman ay nagcecellphone habang naglalakad.

Bigla naman niya akong hinawakan sa kamay ko at inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Let's take a bus, onii-chan!" Sabi niya, bigla naman akong nakaramdam ng ibang pakiramdam. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at namula rin ang mukha ko. "H-ha? Anong bus?! Mahal yun!" Sabi ko sabay iwas sa kaniya. Binitawan rin naman niya ako at ngumiti siya. "Ha? Anong mahal, Rav? Pre 10PHP lang ang bayad, anong mahal dun? Baka gusto mo pa 1PHP?" Tumawa naman si Sabate at si Julie dahil doon. Bumuntong hininga na lamang ako.

"Fine fine, let's take a bus." Bigla naman tumalon si Hannah dahilan para matalsikan kami ng tubig ulan mula sa lupa, may dala pa talagang putik tsk. "Yeppey!! Makakasakay na rin ako ng bus sa buhay ko!!!" Excited niyang sabi na siyang ikinangiti ko. Ang cute niyang tignan kapag nakangiti, unti-unti rin siyang gumaganda sa mga mata ko kapag nakangiti siya.



At sa araw na iyon, tumuloy ang samahan namin. Every practice, rehearsal at shooting namin dito sa big project ay palagi na kaming kasabay. Kapag may gusto nga rin siyang puntahan ay gusto niya sinasabay niya ako, siya rin ang ka-late night talk ko.

Ka-chat ko everytime na bubuksan ko ang messenger ko. At dahil doon, unti-unti na rin akong nahulog sa kaniya. At dahil close na kami ay turingan na namin ang magkapatid.

I call her onii-san while she call me onii-chan, nasasaktan ako to the point na gusto kong mag confess pero wala akong lakas, i share my pain with her and she did too, she share her problems to me and i did too. We share every moment we have.

Hanggang sa dumating na ang last day ng shooting namin. Naglalakad na naman kami pauwi galing sa shooting area namin, sa People's Park. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang isipan na what if ito na ang last? What if, hindi na niya ako papansinin? What if, hindi na siya sasabay sa akin? What if... may iba na namang lalaki ang makakagusto sa kaniya? Hindi ako gwapo, hindi ako yung tipong lalaki na pinapangarap ng ibang babae.

Bumuntong hininga ako at tumingin kay Hannah na nakangiting naglalakad. "Oni-san?" Tawag ko sa kaniya at tumingin naman siya sa akin. "Yes, onii-chan?" Sabi niya with her cute voice. "Meron lamang akong sasabihin sa'yo.." huminto naman kami sa paglalakad nang makarating kami sa sakayan ng bus. "Ano yun?" Balik tanong niya. "U-uhm.. this is our last day, na.. magsasabay pauwi.. and uhm, i just wanted to.." bigla namang pumawis ang kamay ko at mabilis naman ang tibok ng puso ko.

"Hmmm?" She stare at me straight into my eyes, i gulp. "Y-you know, m-matagal-tagal na rin tayong magkasama a-and because of that.. i-i.. i got feelings for you, Hannah." Pumikit ako ng masabi ko iyon, ilang sandali pa ay binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko na parang napahinto si Hannah sa sinabi ko. "What do you mean?" Tanong niya. "I like you, very much.. onii-san. Not as a sister, not as a friend.. but more on that.." i bravely said to her.

Ilang sandaling katahimikan ay dumating ang bus, at doon nakita ko ang pagngiti ni Hannah. The Bus door's open and she stepped in, but suddenly she stop. "I like you too, Onii-chan." Sabi niya. Ngumiti naman ako dahil doon, saya ang nararamdaman ko. Oo, masaya ako. Sobrang masaya. Does it mean—

"But only as my onii-chan, Raven-kun." Gulat naman akong napatingin sa kaniya at ang kasiyahan na nararamdaman ko ay biglang nawala. "A-ano?" Gulat kong tanong. She then smile sweetly to me, "you see.. i like someone else and i really love him. But then, you suddenly confessed.. onii-chan, you're such a sweet and good man, and i believe there's so many girls that will love you, more than you love me right now. I'm sorry, onii-chan."

Nang sabihin niya iyon, sabay naman siyang tuluyang pumasok sa bus at sinarado naman ang bus door. Tulala lamang ako doon hanggang sa umalis na ang bus, ilang sandali pa ay naramdaman ko ang patak ng ulan mula sa ulo ko, tumingin ako sa kalangitan at nakitang makulimlim at maulan na. And when the rain starts pouring down, kasabay ng aking kalungkutan ay siya naman sakit ang naramdaman ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My One-Shot StoriesWhere stories live. Discover now