JAYDEE POV
Oh~ Its Sunday! Kailangan kong gumising ng maaga. Magsisimba kasi ako. Mahaba-haba rin ang babyahehin ko. Malayo kasi ang church sa amin. Kailangan kong magsimba dahil ito ang pinaka-importante sa lahat ng bagay. I need to talk to Him. Siya lang ang lakas ko. Siya lang ang pinagsasabihan ko ng mga problema ko. Nakikinig siya sa akin oras-oras,nauunawaan niya ako, pinapatawad niya ako kapag nakakagawa ako ng kasalanan at kaya niya iyon ginagawa, ay dahil sa mahal niya ako, so I LOVE HIM TOO.
Pagkatapos ng misa dumiretso agad ako sa Come To Sweets(isang lugar na ang first floor ay fast food chain then yung second floor ay grocery store), pampalipas oras. Katamad umuwi eh. Wala namang gagawin sa bahay kundi hihilata lamang. Umupo ako sa sulok doon sa katabi ng mga nakaharang na tarpaulin, para hindi ako kita. Chineck ko ang cellphone ko. OMG!! 32 messages, from my four girlfriends.Hays! Patay ako nito. Hindi ko sila inintay. May dahilan kasi ako, kung bakit hindi ako nasabay sa kanila, hindi naman sa ayaw ko silang kasama at tsaka yung dahilan kong iyon is morally GOOD. Sana hindi sila magtampo sakin.
Binuksan ko yung text nila tig-walo silang apat! Grabe ha. Adik talaga sila.
Kay Wendz text niya sa akin,walong 'Where are you?'. Kay Anilou naman walong 'Nasa simbahan ka na ba?'. Kay Cindy naman walong 'Intayin mo kami sa simbahan.' Si Sandry naman walong text na 'Patay ka sakin pag iniwan mo na naman kami'. Hehehe kay Sandry lang pala ako lagot. Nireplayan ko silang apat, tig walo din, para kwits.
"Hey Im here:)!"
SANDRY POV
Iniwan na naman kami siguro ni Jaydee. Lagi na lang nauuna iyon, tatlo kasi ang misa dito sa simbahan. First mass:6:00-7:00, Second mass:7:30-8:30, Third mass:9:00-10:00. Sabi ko sa kanya na third mass dapat lagi magsisimba,kaso nagfirst mass na naman ata yung babaeng iyon. Tek!Patay siya sakin mamaya. Kulit talaga.
Pagkatapos ng third mass,dagli akong pumunta sa Come To Sweets,sumunod naman yung tatlo sakin. Baka maabutan ko pa doon si Jaydee. Alam kong doon lagi nagpupunta iyon, pagkatapos ng misa.
Pagpunta ko sa loob, hindi ko siya makita. Tek! Siguro nagtatago iyon.Patay talaga siya sa akin. Paano ko kaya iyon mahahanap ang daming tao rito kapag linggo. Napagdesisyunan ko na lang na humiwalay sa tatlo. Itetxt ko na lang sila, pag nakita ko na si Jaydee at kung nasaan ako.
ANILOU POV
As usual lagi kami ang naghahanap kay Jaydee.Syempre bestfriend namin siya.Ang luka naman kasi non,bakit kasi ayaw niya kami kasama pag magsisimba? Bad ba kami? HINDI naman!. Maingay ba kami? Sa bagay that's true. Hindi na ko kokontra.Tumulong na din ko sa paghahanap. Ready ako dyan at sanay na ako.
Try ko lang kung magwowork ulit.
Tinawagan ko siya. Ilang ring lang sinagot agad niya. Oh see? Galing ko no?
"Itaas mo kanang kamay mo." utos ko sa kanya.
"ha?Bakit? Anong meron? Bakit ko itataas?" sunod-sunod niyang tanong.
"Titingnan ko lang kung buo pa kamay mo." pang-uuto ko sa kanya.
Sa di inaasahang pangyayari, may tumaas ng kamay. Oh yeah lagot ka sa akin. Nilapitan ko siya tapos kinurot ko kamay niya, tapos hinigit ko siya hanggang sa makarating kami sa labas. Para naman mapagsabihan at matanong ko siya. Hinigit ko lang siya ng hindi tumitingin sa kanya.
"Ano bang ginagawa mo?" sabi niya--??? Teka lang bakit panglalaki ata ang boses niya?
MICO POV
YOU ARE READING
Let Me Know
RandomGaano kaya katibay ang pagsasamahan ng SHINee Girls?? May magkakasawaan ba? o Mananaliti pa rin hanggang sa wakas ang pagkakaibigan nila? Magnining pa rin ba ang STAR? na nabuo sa pamamagitan nilang lima o unti-unti itong magiging PENTAGON sa pagda...