Edi Wow !

413 5 2
                                    

-•

Nauuso na kasi ang salitang "Edi Wow !" kaya naisipan kong gumawa ng story. I don't know if magugustuhan niyo, Pero sana Magustuhan niyo .

-•

-• Edessy's POV

"Tuck in na kayo!" malakas at mabilis na sigaw ko. Napatingin silang lahat sakin, nasa may pinto kasi ako at kakapasok ko lang para isigaw ko yun.

Nanlaki pa mata nila.

"Ano?!" halos lahat na sigaw nila. Ano bang sinabi ko?, mag Tuck In lang naman sila ng uniform ang ibig kong sabihin ah. Paparating kasi yung Principal.

Lumakad ako papunta sa upuan ko at umupo.

Let me introduce first. I'm Edessy D. William, I'm a girl, minsan kasi napagkakamalan akong boy dahil siguro sa apilyedo ko, apilyedo kasi ang madalas itawag ng mga teacher. Fourth year High school, 16 years old. By the way, I'm the president of our classroom :) ..

"Hala ka Eddey!" lumapit sakin si Karl. Eddey is my nickname.

"Anong hala ka? Mag Tuck in ka nga" nag Tuck naman siya.

"Naturingan ka pa namang Mabait na President tapos nag mumura ka" sabi ni Karl, habang nag tu-tuck in sa harap ko. Bastos talaga to.

"Ano!? Kaylan ako nag mura?" Napatayo ako,. Kaylan ba ako nag mura?

Napatingin sakin mga classmates ko, halos lahat sila lalaki. Yung mga girls konti lang at nasa labas sila ngayon, tinawag ng teacher namin, ako naiwan dito para mag bantay dito sa mga ugok na to.

"Kanina"

"Pagkapasok mo"

"Sinigaw mo pa nga eh"

"Oo nga"

Sari saring sabi nila. Ako? Nag mura? Kaylan? Kanina? Weh?

"Yung pagka pasok mo" sabi naman ni Karl.

Don't tell me, Oh gosh ano bayan. Siguro ang pagkarinig nila sa "Tuck in na kayo" ay "T**g in* niyo" ..

"Bingi ba kayo? Ang sabi ko Tuck in, T-U-C-K I-N na tapos kayo, hindi ako nag mura!" malakas na sabi ko.

"Edi Wow !" malakas na pagkasabi ni Jin. Malakas naman na nagtawanan ang mga classmates ko. Lalo na yung si Jin. Dahil sa nainis ako, lumabas nalang ako ng room.

--

"Allys, tignan mo tong drawing kong dress ang cute noh?" Sabi ko kay Allys, seatmate ko siya. Sasagot na sana si Allys, kaso biglang may epal.

"Weh? Edi Wow ! Hanep ng drawing Wow na Wow!" sabi niya at tumawa, at ng dahil sa tawa niya at sa pambabara niya. Nakitawa narin halos lahat ng classmates ko. Aba !

Nandito ako sa Hallway at nag lalakad buhat buhat yung mga notebooks ng mga ugok. Uwian na kasi at ipinapapasa ng teacher namin. Bigla ko namang naalala si Jin.

Tuck ina niya, porket crush ko siya. Oo Crush ko si Jin, na walang ginawa kong di barahin ako ng Edi Wow !..

"Kahit ganun siya, di ko parin magawang maTurn-Off" wala sa sariling naibulaslas ko.

"Oh talaga Tol, Edi Wow!"

Tuck in na halos tumalon at magkahuloghulog yung notebooks dahil sa gulat ko.

"Ano ba!" naisigaw ko. Andito nanaman ang Robot na lalaki na puro Edi Wow ! ang lumabas sa bibig niya. Si Jin.

"Wow! .. Tulungan na nga kita dyan" sabi niya ng naka ngiti at halatang pinipigilan yung tawa niya. Kinuha niya yung mga notebooks na buhat buhat ko.. Keleg nemen eke ! :">

Edi Wow !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon