Chapter 6 --* MartinezFamilyReunion

1 0 0
                                    


DANIE POV

Nandito na kami sa tapat ng bahay nila Darren.

"Sheteng malagkit yan!! Bakit kasi may reunion pa silang nalalaman?"

Habang hinihintay ko si Darren .. nakatingin lang ako sa bahay este mansyon nila. Hindi ko akalain na ganito pala kayaman ang pamilya nya. Sabagay, sila lang naman ang may ari ng pinaka sikat na mga hotel dito.. so ano pa bang inaasahan ko?

Napahinto na lang akong mag isip ng biglang may lumitaw sa tabi ko.

"Ay Kabute!" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang pagkagulat.

"Sa gwapo kong to mukha ba akong kabute?" Sinabi nya habang naka simangot sya.

"Oo!, sa may Plant vs Zombie!"

"Ah.. ako yung PuffShroom?" *^_^*

"Huh? May sinabi ba akong ikaw si PuffShroom? Hindi ikaw yun! Ikaw yung ZOMBIE don!! xD" *evil laugh*

"Grabe ka naman sakin?" At nag pout pa sya.

"Hoy! Tigil mo na yang pag pout mo. baka-.."

"Baka ano? Halikan mo ko? Hahaha.." Tawa sya ng tawa..

"Abay? Abnormal talaga? Halikan daw? Baka hatakin ko lang yang nguso nya ng humaba eh."

"Halikan? Nagpapatawa ka ba?" Tumawa ako ng sobra sobra para asarin sya. At mukhang epektibo naman..

"Asus! Gusto mo rin naman diba? Ano naman masama kung hahalikan kita? Diba tayo naman?" Ngumiti sya ng nakakaloko.

"Hahaha.. TAYO? Hahaha! Peke lang naman relasyon natin ah? Kaya walang dahilan para halikan mo ko!"

Habang tawa ako ng tawa .. palapit ng palapit sakin ni Darren.

"Hoy! B-bakit ka l-lumalapit ah? Layo nga!! May allergy ako sa mayayabang!!"

Hindi pa din sya tumitigil sa paglapit sakin. "Sa lahat ng mga naencounter kong mga babae, IKAW lang ang tumatanggi sa halik ko na pinapantasya ng buong mundo."

"O-okay! Wag mo akong tinutulad sa mga naging babae mo.! Kahit bigyan ako ng isang milyon para halikan ka lang, No way! Over my DEAD BODY!"

"Okay.."

Palapit parin sya sakin. Pinikit ko na lang ang mata ko, Nagulat ako ng bigla syang tumawa.

"Hahaha! kala mo talaga hahalikan kita?"

"Huh? Sorry. Hindi ako umaasa na hahalikan mo ako.! Kaya ako pumikit kasi ayokong makita yang PANGET mong mukha!!"

Tinignan nya ako sa mata na parang sobrang asar na sya, at binawian ko naman din sya. Habang magkatitigan kami, may biglang bumukas nang pinto.

"Kuya Darren?"

Isang babae, maganda sya, kamukha nya si Darren. Kapatid nya kaya to?

"Oh? Denice!"

Lumapit yung babae kay Darren para yakapin ito.

"Na miss kita kuya Darren, Hindi ka na kasi bumibisita dito sa bahay simula nung nag artista ka na." Nakita kong may konting luha na bumaba sa mata nya.

"Ano ka ba Denice. Babawi na ako sa inyo ngayon. Okay? Wag ka ng umiyak."

At pinunasan nya ang luha nito.

"Sorry kuya. Natuwa lang ako kasi nakita na ulit kita." Ngumiti ito ng sobrang tamis.

Natigilan sya nang tumingin sya sakin.

Wanted Lover?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon