Chapter 2

18 1 1
                                    

Jade's Pov

* tok tok tok tok*

Nagising ako mula sa aking napakagandang panaginip. Yun na yun eh! Maghahalikan na kami ni Ivan eh. Nakakadismaya tuloy hindi pa kasi natuloy kiss namin ang sarap pa naman ng lips ni Ivan oppps ano ba naman yan sarili kong boyfriend pinagpapantasyan ko pa.

" Jade anak, " sabay bukas ng pinto " tumawag sakin si Ivan hindi mo daw sinasagot tawag niya "

" nako ma, hindi ko namalayan napasarap tulog ko "

" tulog mantika ka kasi manang mana ka sa tatay mo. Nga pala kumilos ka na parating na si Ivan susunduin ka daw " HUWAT? OMG KAILANGAN KONG BILISAN KUMILOS!

Tumayo na ako mula sa hinihigaan ko

Bilis bilis akong maligo....

After 25 minutes tapos na ako maligo at mag ayos. Bilis no? Syempre ayokong nagiintay si Ivan saken

* bzzt bzzt *

Oh sino naman tong nag text?

New message

From: Bby

Bby, kanina pa ako dito sa salas niyo wala ka bang balak bumaba? Remember male-late tayo. Iloveyou :*
---

hay ito talagang bby ko masyadong mainipin . Hindi ko na siya nireplyan bumaba na lang ako

" oh ayan na pala ang turtle kong anak eh " pang aasar ni daddy

" dumating din after 10 years, mahiya ka naman sa boyfriend mo ikaw na nga tong sinusundo nagpapaintay ka pa " sabat saken ng pinaka magaling kong kuya Gef

" Tigilan niyo nga ako!! " sabay irap

Nakakainis ang aga aga eto ang aabutin ko

" tama na nga yan! Halika na dito kumain ka na ng breakfast mo " awat samin ni mama

" Hindi na po, sa school na lang po ako kakain " sabay alis pano ba naman nakakawalang gana kasi

Hindi ko namalayan na kasunod ko pala si Ivan

Binuksan niya yung pinto sa kotse

Habang nagmamaneho sobrang tahimik namin wala talagang nag sasalita alam niya sigurong wala ako sa mood paano ba naman kasi hindi man lang niya ako pinagtanggol kanina tawa lang siya ng tawa. Kainis eh! Mababaw na kung mababaw basta naiinis ako!!

" baby.. " biglang sabi niya. Bahala ka sa buhay mo. Tse! Baby your face

" baby.. "  sabi niya ulet pero may kasamang pag hawak sa kamay

" tsk. Ano ba!? " sabi ko sabay tanggal ng kamay ko sa kamay niya

" Baby naman eh, sorry na "

" Baby ka jan!!  Hindi mo nga ako pinagtanggol kanina tas pa baby baby ka pa jan "

" ehh ang cute mo kasi eh, napatawa nalang tuloy ako " paliwag niya sabay ngiti

Oh shet, biglang nawala ang pagkainis ko sa lalakeng to. Aba pano ba naman, napaka gwapo ng boyfriend ko! Ngiti palang pamatay na!

Hindi ko rin napigilan kaya napangiti na din ako.

" Cute!? Alam ko naman yun eh! Nakakatampo lang kase, hindi mo ko pinagtanggol! Pasalamat ka gwapo ka! " bato ko sakanya

Nakangiti parin siya sakin, shet ang gwapo talaga! Yung mga nagnining ning na brown eyes niya, yung pink lips niya na ang sexy sarap halikan!! "

Natahimik lang siya kaya pinagpapatuloy niya lang ang pag da-drive niya

Nang makarating kami ng school, pumunta ako agad sa locker, syempre kasama ko padin ang prince charming ko! Kinuha namin ang mga gamit namin.

" Baby, mamayang lunch magkita na lang tayo sa cafeteria ha?  Baka mauna kasi ako sayo kasi maaga tapos ng klase namin " sabi niya sakin

" Sige bili kang pagkain agad ha! Wag mong kalimutan yung pizza! Alam mo namang favorite ko yon! Kita na lang tayo later. Alis na ako, male-late na ko eh! " ang sabi ko sakanya at kiniss ko siya sa cheek

Habang naglalakad na ko, tumingin ako sandali sa likod at nakita ko pang nakatingin si Ivan sakin, kinawayan ko siya at sinabing ' I Love You' na pabulong tas nag i love you too din siya may kasama pang flying kiss.

Patungo na ako sa classroom, biglang nanlabo ang paningin ko, medyo nahilo ako at napatigil. Naisip ko na hindi nga pala ako naka pag breakfast

Nung lalakad na ulit ako, biglang dumilim ang paningin ko at hindi ko na alam kung anong nangayare...

- END OF CHAPTER 2 -

Perfect Couple (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon