KIRSTEN POV
Alas otso na ng gabi pero andito pa din kami ni ricah sa office nagovertime kami dahil meron kaming tinatapos na proposal at tatlong araw na lang ang natitira naming panahon para tapusin to kaya todo focus kami ngayon
kahit na magkatabi pa kami ng table ni ricah di kami halos magimikan dahil todo focus kami sa kanya kanya naming toka dagdagan pa na umuulan pa sa labas
hhaaaaargh hikab ko po yan
hay pagod na ko
uy ricah ayos ka lang ba dyan baga panisan ka dyan ng laway sabi ko sa kanya
hoy bruha kita mong kailangan natin tong tutukan may gana ka pa dyan magbiro sagot naman ni ricah sakin na seryosong seryoso suplado nito batuhin ko to eh
gusto mo ba ng kape kape tayo ipagtitimpla na lang din kita kung gusto mo
sige salamat dangz ng magkanerbyos naman din ako gaya mo
loko ka talaga ricah hmp
okay teka lang
binuksan ko yung drawer ko para kumuha ng kape and hay naku di ko napansing naubusan na pala ako ng stock nawala sa isip ko na kailangan ko na palang bumili hay masyado kasing busy sa trabaho naku naman
uy ricah nakalimutan ko ubos na pala stock ko ng kape ayos lang ba kung bumili na lang muna ako sa coffee shop dyan sa tapat? tanung ko sa kanya
hay naku dangz ako na bibili baka hindi ka na makabalik buti sana kumg hindi ka adik sa kape lalo pat masarap ang kape dyan sa coffee shop suz style mo bulok at tumayo na sya para umalis at bumili ng kape
napailing na lang ako at napangiti kilalang kilala nya talaga ako
nagpatuloy na ko sa trabaho ko ng bigla akong makaramdam ng pagod kaya naman naginat inat muna ako
abala ako sa aking pag eestretching ng biglang may napansin akong may dumaan
akala ko si ricah lang yun di ko kasi naaninag yung mukha kasi sa table nalang namin ni ricah ang may ilaw dahil nga kami na lang ang tao dito
hoy ricah ang bilis mo namang makabalik lumipad ka ba? at bumalik na ko sa ginagawa ko
hinihintay ko yung kape ko ng mapansin kong
hindi pa din lumalapit sakin si ricah
ricah asan ka na yung kape ko anu ba sigaw ko pero wala akong natanggap na sagot
biglang kumidlat at may naaninag akong dumaan papunta sa may bandang opisina ng anak ng may ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan namin
ricah anung kalokohan yan pumunta ka na nga dito ng makauwi na tayo anu ba gumagabi na masyado huh sigaw ko ulit at wala pa din akong natanggap na sagot
nakikiramdam lang ako sa paligid ng biglang may nabasag
*baag*
ay kabayong mukhang palaka sigaw ko dahil sa gulat
sa pagkakataong to bigla akong nakaramdam ng matinding takot
sino ba naman ang di matatakot kung ang tunog ng nabasag eh nagmula sa opisina ng anak ng may ari na sa pagkakaalam namin nasa abroad dahil sya din yung naghahandle ng iba nilang business
simula ng nagtrabaho kami dito ni ricah never pa namin nakita ang anak ng may ari may mga nagsasabi lang na gwapo daw ito pero hindi naman ako interesado kaya di ako nakinig sa kwento nila about sa background ng anak ng may ari
natatakot na ko pero nilakasan ko yung loob ko hindi naman ako takot sa multo dahil ika nga ng iba wag kang matakot sa multo dahil hindi ka na nila masasaktan dahil hindi na sila nageexist sa mundo ng mga buhay ang katakutan mo ay ang buhay dahil sila ang may kayang manakit
(T_T)huhu sa totoo lang natatakot na talaga ako pero kailangan kong maging matapang
maingat kong inabot ang bag ko at naghalungkat ng pwedeng magamit pangdepensa at sa malas nga naman wala man lang akong nakita na pwede kong magamit
gusto kong magpatay malisya kunyari wala akong nakita o narinig pero ang hirap magkunwari kaya naman kahit nanginginig ako sa takot tumayo ako at bago pa ko humakbang nagsign of the cross muna ako at bumulong
lord GOD kayo na po ang bahala sa akin alam ko pong hindi nyo po ako pababayaan
pagkatapos nun ay dahan dahan na kong naglakad papunta sa opisina ng anak ng may ari pinagpapawisan na ko
napansin kong medyo maingay yung sapatos ko dahil sa takong kaya naman hinubad ko to at bigla akong nagkaroon ng ideya
papalapit ako ng papalapit hanggang sa nasa pinto na ko ng opisinang yun sa pagkakaalam ko nakalock ang opisinang to dahil ang anak lang ng may ari ang gumagamit sa opisinang to pero sinubukan ko pa ding pihitin ang pinto at my goodness bukas hindi sya nakalock mas lalo tuloy akong nanginig sa takot
*creeeeck*
bumukas ang pinto lalo akong kinabahan kung nakabukas to posibleng may tao kaya naman yumuko ako ng konti kasabay ng pagbukas ko ng pinto at dahan dahan akong pumasok todo ingat ako na hindi makagawa ng ingay
kadiliman yun ang tanging makikita sa loob ng opisina hindi ko na tinangkang hanapin ang switch ng ilaw dahil wala din naman akong balak buksan ang ilaw baka mapansin pa ko ng kung sino man ang nandito
patuloy lang akong nangangapa sa dilim dahil wala nga akong maaninag bigla naman akong napatigil at napako sa kinatatayuan ko ng biglang kumidlat at makita kong may bulto ng isang tao na nakatayo sa
*harapan ko at biglang*
Authors epal note:
hello everyone bitin ba hehehehe sinadya kong bitinin para suspense sana po nagustuhan nyo po ang part na to gusto ko lang po sabihin na kayo po READERS ang aking indpirasyong maraming salamat po sa pagbabasa sana po patuloy nyo pong basahin at suportahan ang storya ko at sa muli po dont forget to live your comment suggestions kung meron po kayong isuggest and of course vote thank you po mwuahh