Hi guys. Hope you'll like my story! I'll try my very best to impress you ヾ(@⌒ー⌒@)ノ
------It all started with a rainy sunday...
"Trisha!! Bangon na! May ipapabili ako sayo!" Aish kaaga-aga sigaw agad ang maririnig ko?
"Trisha! Gising na! Narinig mo ba ako?"
"Opo, nay!" Sigaw ko balik. Nagmumug ako, naligo, at nagbihis ng damit na kaaya-aya at bumaba.
"Eneng, bilhin mo itong mga ito." Bungad saakin ni inay habang inaabot ang kapirasong papel. "Dalian mo ha, susurpresahin natin ang pinsan mo para sa kanyang kaarawan. Ayos na ayos, linggo ngayon. Magsisimba tayo."
"Opo nay." Walang ganang sagot ko. Lumabas ako ng bahay at isinirado ang gate. Nagsimula na akong maglakad papuntang palengke. Malayo-layo na ako sa bahay ng may nakasalubong akong dalawang babaeng nagmamadaling maglakad.
"Dalian mo Tippy, mukhang uulan ng malakas." sabi ni girl na naka kulay green na t-shirt kay girl na naka stripes na long sleeves.
Napahangad naman ako sa narinig ko at tumingala sa langit. Mukhang uulan nga ng malakas. Hindi ko nakikita ang araw.
Nagmadali na rin akong maglakad. Maabutan pa ako ng ulan, goodbye world nalang. (; ̄ェ ̄)I wouldn't want that to happen.
Nang makaabot na ako sa palengke, dumeretso ako sa tindahan ni Larika. Suki kasi kami ni Nanay doon eh. Magkasing-age lang kami ni Larika.
---
Naku naabutan parin ako ng ulan. Ano ng gagawin ko ngayon? Maggu-goodbye world na ba ako? (T ^ T)
Kasalukuyan akong nasa waiting shed. Inaantay kong tumigil ang ulan. Nako lagot ako nito kay nanay! Huhubels.
..
Lumipas ang isang oras, ayaw paring tumigil ng ulan. Ano na bang gagawin ko nito? Kung sumulong nalang kaya ako nito sa ulan? Argh! Lechugas na ulan! Bakit ba tinawag na Sunday ang linggo kung uulan lang naman pala ng malakas! Kailan ba titigil ang ulan na ito!
Nang lumipas ang lumipas ang 30 minutes, napagdesisyonan kong sumulong nalang sa ulan.
"Ready? Set? Go!" Tumakbo ako ng mabilis. Binilisan ko ang pagtakbo sa abot ng aking makakaya. Nang hiningal ako, tumigil ako sa pagtakbo. Useless lang naman din kung tatakbo ako. Basang basa naman ako. Naglakad ako ng normal. Hanggang sa puntong nagtaka ako kung bakit parang tumila yata ang ulan. Hindi na ako napapataka. Sa ulo eh. Pero nakikita ko ang mga patak ng tubig galing sa itaas. Tumingala ako. Nagulantang ako ng nakakita ako ng gwapong anghel. Wow.. Ang gwapo niya pramis! (Si girl: nakatingala. Si boy: naka yuko. Matangkad eh. Bale, malapit masyado ang mga mukha nila. Napi-picture out niyo na ba?)
"Picturan mo nalang. Matititigan mo pa ito ng matagal." Sabi ni gwaping sabay kindat. Napalunok naman ako. Ang gwapo men. Umiwas ako ng tingin. Namumula yata ako. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Is this what you call 'love at first sight'? Acheche Trisha! Lumalandi ka na ah! Umayos ka nga!
"Uhm..err...s-sino ka?" Nauutal kong tanong.
"Wala man lang Thank You?" Feeling close yata si kuya? Bakit parang ang gaan gaan yata ng loob ng gwapong ito saakin? O baka feeler lang ako?
"T-thank you pala. M-mauna na ako. S-salamat pala kasi pina-sukob mo ako." Naka-isang hakbang palang ako nang hinigit niya ang braso ko. Emeghed. Mahihimatay na yata ako nito sa kilig.
"Sandali. Ako nga pala si Paulo. Ihahatid nalang kita. Don't worry. Hindi ka nakakaabala."
Sabay ngiti. Enebe! Wag ka nang ngumiti kuyeeh mas lalo kang gumagwapo eh!
BINABASA MO ANG
Sukob (One Shot)
Teen FictionNaniniwala ka ba sa 'love at first sight'? Ito ang naranasan ko nang una ko siyang nakita. Pero hindi naging madali ang lahat. When loving someone, you must be hurt. It all started on a rainy sunday afternoon...