CHAPTER ONE:ENCOUNTER

2 0 0
                                    

Gabi na rin ng nakauwi sa resort house ng tita ko dahil umalis rin kami kahapon,namasyal sa siyudad.Nakapag-dinner na rin kami ,nagpahinga ng kaunti.Nag-aaya si Kuya Cyan,pinakamatandang pinsan ko,na pumunta raw kami sa isang bar na nakita niya kahapon.Dahil nga sa pare-pareho kaming mga nakatunganga sa mga phone namin,nagsipayagan na rin kami.Sayang naman daw kasi ang stay naming ng mga gabi dito kung magmumukmok kami.

Habang naglalakad sa baybayin bigla bigla na lang nambabato si Kuya Cyan ng buhangin.

Ano ba yan kuya,anong problema mo?

"Ikaw,kanina ka pa kasi busangot diyan kung ayaw mo sumama,lumayas ka na lang."

Kita mo to,kanina lang nag-aaya tapos ngayon pinapalayas ako.Tsaka

"Hindi kaya ako nakabusangot, kita mong ang saya saya ko nga."umarte pa ako ng malawak na ngiti

"Meron akong mata kaya nakikita ko"

"Oo nga,Vannah.Kanina ka pa tsaka hindi ka man lang naglagay ng kung ano diyan sa mukha mo.Hindi halatang masaya.Look at me,sobrang ganda ko."
Isa pa to si Ate Leona naggatong pa.

"Hiyang-hiyang naman po sa sobrang ganda mo.Di pwedeng tinamad lang?Gayahin mo kami ni Ate Tiffany dahil gabi naman eh"

Wala na ding sumagot sa akin kaya nanahimik na lang ako.Okay,fine.Pagod ako ,kaya ganun.Ikaw ba naman maglakad buong maghapon tingnan ko lang.

Nagulat ako ng biglang may humila sa akin.Akala ko kung sino, si Karissa lang pala,takot ako eh.Hay naku nasan ba utak ko, kahit nasa harap ko na hindi ko pa nakita agad kung sino humila sa akin.

Bumungad na lang sa akin ang harap ng bar.So this is the bar.Ganda.Naririnig ko na rin yung kumakanta sa stage.Hindi naman marami ang tao,tama lang.Kaya mabilis na nakahanap ng tables si Ate,yes,tables, dahil pito kami at apat lang ang seats kada table. Sa isang table sila ate Leona,kuya Cyan,ate Tifanny at Kuya Laurence,since sila na yung matatanda.Char.Nasa 20s lang. Kami naming tatlo sa isa, si Karissa,ako at si Calvin.Bandang gilid kami para hindi raw kami pagkaguluhan dahil mga mukhang exotic daw kami.Minsan hindi ko na alam kung matino pa ba takbo ng pinsan kong to.Kung ano ano na lang.Ganyan talaga siguro pagsingle.Umorder na kami ng kung anong gusto naming kainin at inumin.Wala ako sa mood uminom kaya malamig na tubig at five slices ng pizza inorder ko.

"Anong trip yan?"si Kari.

"Anong trip?,Mukha ba akong nantitrip?sagot ko naman.

"Eh ano yan,nasa bar tayo SAVANNAH,tapos iyan lang iinumin mo sana pala nagsalok ka na lang ng tubig-dagat diyan sa baso mo."naiinis na bwelta ni Kari.

Si Calvin naman panay tawa lang.Ito lang kasi gusto ko,hindi naman ako nagpalibre.Ayoko maglasing,baka mamaya sa kabilang isla na kami pulutin kung maglalasing rin ako.Kahit pa bar ito.tsaka di porket na sa tamang edad na kami di pa rin tama ang maglasing.

Inilagay ko na lang ang purse ko sa table.Nagsimula na din tumugtog ng iba pang kanta yung banda sa stage.Sabi pa ni Karissa magre-request daw siya mamaya ng ipi-play.Puro lang kami kwentuhan,kantsyawan at kung ano-ano pa.

Limang minute na lang bago mag-alas dose.Masyado yata kaming nawili.Yung mga kasama ko kung hindi nagdadaldal nagsasayawan naman.At himala dahil hindi pa sila sobrang lasing,makakaya pa naming bumalik sa bahay.

Maya-maya may umakyat na isang lalaki at ang sabi kung siya na lang daw kumanta nung request ni Kari,um-oo naman yung isa.

Do you love the rain

Does it make you dance when youre drunk with your friends at the party

Whats your favorite song

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Catching HeartsWhere stories live. Discover now