:punta ka sa may cemetery. mag-papaalam lang ako sa'yo.
sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon n'ya ukol sa mga tinipa kong letra.:ano na naman ba 'to? at bat sa cemetery? anong trip na naman ba 'to?!
sagot sakin ni Makoy
Sabi na nga ba't magagalit sya. Wala pa rin syang pinagbago.
:Sa park na lang malapit sa cemetery. naka cap akong red, may dala akong gitara at nakaupo sa isang bench.
Malumanay kong sinend ang mga huling salita at nag-ayos na ko ng sarili.
:ge.
matipid na sagot lang mula sa kanya. Ano pa nga ba ang aasahan sa tulad nya.
Makoy's POV
Ano na naman kayang pakana nitong babaeng 'to?Papunta na ako ngayon sa park. Hanap ako ng hanap. Ang layo na ng nararating ko, pero wala pa rin akong nakikitang naka red cap. Ano birthday nya ba ulit?
Napakamot na lang ako ng ulo. Habang nagpapalinga-linga. Maya-maya pa ay may umagaw ng atensyon ko. Isang babaeng nakaupo sa may malapit sa cemetery. Sya na yata yon. Gustong-gusto na ba nyang mamatay?
Habang papalapit ako, palakas ng palakas ang pag-strum ng gitara ng babaeng naka red cap. Sya na siguro 'to. Katono ng unang kantang kinanta sakin ni Cheska, ang tinutugtog ng babaeng nakatalikod.
:hoy.
Tawag ko sa kaniya para maagaw ang kaniyang atensyon.
Lumingon sa akin yung babae. Akala ko si Cheska. Pero mali ako.
:o-oh, magandang araw po.
sagot ng babae sakin na may halong pagkagulat.:sorry, akala ko ikaw yung babaeng hinahanap ko, sge ituloy mo na ang pagtugtog mo.
Tatalikod na sana ako ng bigla nya akong hinila sa kamay pabalik sa direksyon kung nasan sya.
:sandali lang po kuya.Makoy po ang pangalan mo diba?
Pagpigil sa akin ng batang babae.:yep, pano mo nalaman?
pagtataka ko.:Hinahanap mo ba si ate Cheska?
Tanong n'ya sakin.:Kilala mo si Cheska?
:Opo, ate ko po sya.
:May kapatid pala syang mas bata sa kaniya?
:Pinsan nya lang po ako, pero ate ang tawag ko sa kaniya.
:Nasan na pala si Cheska? Kanina pa ako naghahanap e.
:Hindi po makakapunta si ate Cheska ngayon.
:Ha?! sabi na nga ba e. Ano na naman ba 'tong kalokohang iniisip nya?
Bigla na lang humagulgol yung babaeng pinsan raw ni Cheska. Tumaas ang isa kong kilay at pinagmasdan lang ang batangt babae habang hinihintay syang makapag-salita pa.
:mag-kwento ka kapag kaya mo na.
Tugon ko sa bata. Huminga muna sya ng malalim tapos tumingin sa akin. Nakakatakot ang mga tingin n'yang parang humihingi ng saklolo.:Alam mo po ba? na sinabihan nya po akong pag namatay na sya na papuntahin kita sa puntod nya?
Ha? Naguguluhan na ako. Patuloy ang panginginig nya habang umiiyak.
:ayan na naman ang mga pampatay na kalokohin nya.
Sabi ko habang nakangisi. Hindi ko na alam kung paniniwalaan pa yung mga sinasabi ng batang babae dahil gantong-ganto si Cheska.
BINABASA MO ANG
Voice Message
Teen FictionCOMPLETED | SHORTEST STORY by: phranswaaa Copyright 2021 All Rights Reserved Saka mo lang malalaman na importante ang isang tao, kapag wala na siya. Ganiyan naman parati, masanay na lang tayo.