Hey, Crush

13 2 0
                                    

Others believe in 'Love at first sight' while me believes in 'crush at first sight'.

"Uy... Les 'yong crush mo 'andiyan na oh," sabay tapik ng kaibigan ko.

Siniko ko agad siya dahil baka marinig niya.

"Huwag ka ngang maingay!" saway ko agad.

"Correction lang ha EX-crush ko siya at saka matagal ko na siyang 'd crush noh!" patuloy ko pa.

"Sus! In denial ka pa!" pang-aasar niya.

Hinampas ko ang kaliwang braso niya saka tumayo sa kinauupuan namin at pumasok sa room.

"Hindi kaya." Tanggi ko pa.

"Kasi ang totoo may ibang crush na 'ko," bulong ko.

"Huh? Ano 'yon?" Tawag niya pa at umakbay.

Tumawa na lang ako pero nawala kaagad nang makita ko siya at napalitan ng kaba.

"Jess..." Tawag niya sa kaibigan ko at tumingin pa sa'kin.

Ngumiti lang ako at saka iniwan sila ngunit tumingin ako ng saglit. Nakita kong binigyan siya ng pagkain.

May kirot sa puso ko kaya iniwas ko na lang 'yong paningin ko at kinalikot ang sariling phone saka umupo sa upuan ko na malapit sa bintana.

Habang naglalaro ako ng Tom Gold Run ay ginulat ako ni Jess.

"Uy... iniwan mo ako kanina," pagtatampo niya.

Konting ngiti ang iginawad ko sa kanya at nagsimula ulit maglaro dahil hindi ko man lang nahuli ang magnanakaw.

"Tada!" Sabay pakita niya sa'kin ang natanggap niya.

"Wow! Sino nagbigay?" Kunwaring tanong ko pa.

"Si Rey. Nagpabili kasi ako sa kanya." Ngiti niya.

"Sana all," natatawang sabi ko.

Hindi niya naman kailangan pang sabihin sa'kin, anong pake kung binigyan siya. Kailangan ba talagang ipaiinggit sa'kin.

Napasimangot na lang ako bigla.
Lihim kong crush si Reynan hindi ito alam ng mga kaibigan ko dahil hindi ko talaga sinasabi sa kanila. Since 'nong grade 7 pa 'ko ay tinatago ko lang sa sarili ko kung sakaling may crush man ako.

Wala man lang akong mapagsasabihan na kinikilig ako o kaya nagseselos ako dahil naniniwala ako sa sarili ko na mawawala rin itong kabaliwan ko.

Totoo nga dahil naging crush ko noon si Jeffrey pero nawala rin pagkatapos ng isang buwan. Minsan ngang pinagkakamalan akong abnormal dahil wala daw akong crush kahit ang sabi ko na crush ko si Daniel Padilla pero iba raw 'yon.

Noong Grade 10 ko lang sinabi kay Sam na may crush ako tapos siya pa ang mas kinikilig sa'kin. Nalaman rin ng mga kabarkada ko kaya 'yon si Jess nanunukso.

Sa panahon na 'yon makita ko lang siya kumpleto ang araw ko, totoong nararamdaman ko na sabi nila ang butterfly in the stomach at higit sa lahat tumatawa ako ng parang baliw.

Tapos 'pag nakangiti siya nakangiti rin ako kaso ngayong nasa senior na ako nawala ang pagkakagusto ko sa kanya. Mapapasabi na lang talaga ako sa sarili ko 'naging crush ko ba talaga siya?', 'ang pangit niya man'.

But now, nang makita ko lang si Reynan na naglalakad sa hallway kahapon ayun naging crush ko agad.

Ewan ko kung ba't ko siya nagustuhan since mataas naman stardards ko. Siguro totoo nga ang nakita kong post sa fb na once mainlove ang mga wattpaders/wattpadian bababa ang standards mo.

Umiling na lang ako sa'king sarili. Nakuha naman ang atensiyon ko nang iwagayway ni Jess ang kamay niya sa'king harapan.

Napatayo agad ako sa inis at nagulat naman mga kaklase ko kaya nagpeace sign na lang ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hey, Crush (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon