CHAPTER 1

261 14 9
                                    

---

Katrina POV

"But dad I don't want to get married!" I shouted at him because he keeps telling me about his friend's son na soon to be husband ko raw, as if I want to get married. I'm planning to be a rich single tita kaya.

"The contract is just 3 years, after that you're single again at hinding hindi ko na papakialaman ang buhay mo" I rolled my eyes. kahit 1 year lang yan, hindi pa rin ako papayag.

Hindi ko pangarap na mag ka asawa, ayaw kong maranasan yung stress level ng mga may asawa, ayaw kong ma bugbog, ayaw ko ng away, ayaw ko ng divorce o annulment, ayaw ko ng cheating at mas lalong ayaw kong maging maid ng asawa ko.

"Still no" I shut my door as hard as I can. Pa upo pa lang ako sa aking kama nang biglang bumukas ulit ang pintuan at bumungad ang galit na mukha ng aking ama.

"Ngayon lang kita pinakiusapan, lahat ng kailangan mo binibigay ko, kahit hindi mo hinihingi binibigay ko. Tapos  itong ka isa-isang hiling ko sayo hindi mo man lang pag bigyan?"  I look at him, hindi ko alam ang sasabihin ko, may guilt akong nararamdaman pero hindi pa rin ako papayag mag pakasal.

Hindi ko nga alam bakit nya ako pinipilit mag pakasal eh, hindi naman bankrupt ang company namin at balita ko hindi naman gaano ka laki ang business ng kaibigan ni papa. Kaya hindi ko maintindihan bakit nya akong gustong mag pakasal.

"Dad, ayaw ko talaga, please sana maintindihan mo. I'm thankful dahil lagi kang nandyan pag may kailangan ako. Pwede mo naman akong pakiusapan pero wag naman sana sa ganto, alam kong alam mong ayaw kong mag ka asawa. Hindi ba sinabi ko sa'yo iyon? You even told me na you will support me sa mga desisyon ko sa buhay, tapos biglang ganto?" I don't care if I look ugly while crying, gusto ko lang ilabas lahat ng gusto kong sabihin.

"I just want you to be happy, gusto kong may mag alaga sa'yo hanggang sa pag tanda. I don't want you to be like me, maaga tayong iniwan ng mommy mo kaya hindi kumpleto ang pamilyang kinalakihan mo. Gusto kong mag karoon ka ng masayang pamilya na makaka sama mo hanggang sa pagtanda. Please karina, just this one please"

I still don't get it. If gusto nya akong mag karoon ng masayang pamilya, bakit nya ako pinipilit na ikasal sa taong hindi ko kilala? ni hindi ko nga alam ang pangalan ng lalaking 'yon tapos ine expect nyang mag kakaroon ako ng masayang pamilya?

I shake my head "Ayaw ko pa rin at kung mag babago man ang isip ko sa pag aasawa, gusto kong mag kapamilya kasama ang taong mahal ko, hindi sa hindi ko kilala at hindi ko mahal" I look at his eyes, I want to convince him.

"Then meet him and get to know each other, we can wait until makilala at may maramdaman na kayo sa isa't-isa. I'll call my friend and tell him to bring his son here for dinner"

"Ayoko" His jaw clenched, I know my father is already mad but I don't care.

"Katrina, please"

"Dad ayaw ko nga di ba!? Sana naman maintindihan mo ako! Buhay ko naman ito eh! gagawin ko kung anong gusto ko, ako ang mag dedesisyon sa buhay ko hindi ikaw!"

"Don-" I cut him off, gusto ko nang matapos 'to, pagod na ako sa araw-araw naming eksena. "Ayaw ko nga sabi! Kahit anong pilit ang gajn mo hindi ako papayag. Kung gusto mo ikaw ang mag pakasal sa lalaking 'yon total gusto m-"

He slap me

"Don't you dare to talk to me like that! Ngayon lang ako naki usap sayo tapos babastusin mo ako ng ganito?!" Nanatili ako sa ganong sitwasyon at hindi na nag salita "Lahat ng ginawa mong mali pinag bigyan ko, pina lampas ko tapos ito ang ibabawi mo sa akin?! lumayas ka sa pamamahay ko! ayokong makita yang pag mumukha mo pag balik ko dito" Sigaw nya sa akin habang dinuduro ako. I touch my face kung saan nya ako sinampal, hindi ko na maramdaman ang pisngi ko sa skbrang lakas ng pag kaka sampal.

Wala na akong magawa kundi umiyak habang nag iimpake ng mga gamit ko. 

That's the first time na saktan nya ako, hindi ko in expect na mapupunta kami sa ganito. Gusto ko lang naman i enjoy ang buhay ko ng mag isa, masama ba iyon? kailangan ba may kasama ako hanggang mamatay?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Secret [The Hiding Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon