Pinagpala ang mga Moon Elf ng napakahabang buhay, ngunit ganunpaman hindi sila mga Imortal. Sa kasaysayan ng Land of Dawn, ang lahi ng mga Moon Elf ay nagtiis muna sa matinding sakit at pagdurusa bago nila makamit ang kanilang tahanan, Ang Enchanted Woodland. At nasaksihan ni Miya ang lahat ng ito.Ipinanganak si Miya sa panahong walang katapusang giyera at hindi mailalarawang trahedya na sinapit ng kanyang mga kalahing Moon Elf. Pinangarap ni Miya ang magkaroon ng isang mapayapang buhay. At ang pangarap niyang ito ay natupad nang tinulungan sila ng Moon God. Ginamit ng Moon God ang kanyang buong lakas upang likhain ang Lunar Aegis na siyang pomoprotekta sa lahat ng Moon Elves sa Enchanted Woodland. Pagkatapos noon, ang Moon God ay natulog sa napakahabang panahon habang si Miya ay patuloy na nag silbi sa Temple of the Moon at patuloy na sumasamba sa Moon God. Laging ipinagdarasal ni Miya na balang araw ay poprotektahan sila nito kung sakaling sasalantahin ulit sila ng matinding trahedya.
Gayunpaman, ang mundo ng mga Moon Elf ay tila nakalaan na para magwakas dahil sa patuloy na paglaganap ng kasamaan at ng mga demonyo. Muling nabalot ng kaguluhan at digmaan ang Land of Dawn. Kaya gusto ni Haring Estes na gumawa ng malaking hakbang para lumaban upang tuluyang matalo ang mga demonyo. Ang hindi lamang maintindihan ng haring si Estes ay ang kanyang kapatid na babae, si Miya.Marami ang tutol at naniwala sa mga Moon Elf, na sapat na ang narasan nilang dusa at hirap sa mga nagdaang digmaan, at ayaw na nila ulit mangyari ito. Mas gugustuhin nilang mamuhay na lamang ng mapayapa sa Enchanted Woodland sa ilalim ng proteksyon ng Lunar Aegis. Malinaw na naaalala ni Miya ang mandato ng Moon God na dapat niyang protektahan ang kanyang mga kasamahan. At ayaw rin niyang maraming buhay ang masasakripisyo sa ngalan ng katuwiran. Ngunit hindi nakaligtas ang Enchanted Woodland, hindi napigilan ng Lunar Aegis ang napakalakas na kapangyarihan ng mga demonyo. Nilusob ng hukbo ng mga demonyo ang Moonlit Forest at sinunog ni Thamuz na hari ng Fire Demon ang Tree of Life, kung saan maraming mga Moon Elf ang naninirahan. Tinupok ito ng apoy at maraming buhay ang nasawi. Sinisi ni Miya ang sarili sa nangyaring trahedya. Nais niyang protektahan ang kapwa Moon Elf sa pamamagitan ng pag-iwas sa giyera, ngunit nagresulta ito ng mas malaking sakripisyo. Dahil doon, nagdarasal si Miya sa Temple of the Moon araw at gabi. Inaasahan niya na bigyan siya ng dakilang Moon God ng kaliwanagan at gabayan siya sa hirap ng kanyang pinagdadaanan.
Ganunpaman, ang natutulog na Moon God ay hindi siya binigyan ng paliwanag tulad ng hinihingi niya. At ang liwanag ng Moonlit Forest ay unti-unting naglaho habang lumilipas ang mga araw. Si Estes at ang mga Elf ay nagsimulang humina resulta ng humihinang enerhiya ng Buwan. Dagdag pa, Nagtitipon at bumubuo ng hukbo ang mga Orc na pinangunahan ni Balmond kasama ang mga demonyo sa Storemeye Wastelands. Sa oras na ito, ang target nila ay hindi ang Moniyan Empire kundi ang Moonlit Forest. Sa pagtulog ng Moon God at sa unti-unting paghina ng lakas ni Estes. Wala ng pagpipilian si Miya maging handa man siya o hindi ay nasubo na nya ang sarili sa digmaan. Sapilitan na niyang inako ang responsibilidad at pangunahan ang kanyang hukbo para ipagtanggol ang kanyang lupang sinilangan. Habang narinig nila ang mga tambol ng mga orc na papalapit sa Moonlit Forest. Pinatunog na rin ng mga Moon Elf ang tambuli na libong taon ng hindi naririnig ng mga Moon Elf. Kinuha ni Miya ang kanyang pilak na palaso at handa na siyang lumaban kahit magdamagan!
MLBB
YOU ARE READING
Ang Untold Story ni Miya | ML Pinoy Tagalog Story
FanfictionNAME: Miya ALIAS: Moonlight Archer FACTION: Elf PLACE: Luna Temple, Moonlit Forest WEAPON: Moonlit Longbow CHARACTERISTICS GENDER: Female RACE: Moon Elf HAIR COLOR: White EYE COLOR: Purple Iris