PROLOGUE

1 0 0
                                    

"Always remember, class... life is short, so you must enjoy living with it. That's all for today, you may now go."

Matapos magsalita ng aming guro ay mabilis na nagsitayuan ang mga kaklase ko, para itong mga manok na narinig ang pagtilaok ng kapwa nila manok kaya senyales na gayahin din nila ito. Bitbit nila ang kani-kanilang bag kasabay nang malakas na pagring ng bell, senyales na uwian na rin nang ibang section.

Nakalabas na silang lahat habang ako.. heto at nakahalumbaba pa rin at nakatitig sa kawalan, isinasaisip ang huling sinabi ng aming guro.

Life is short..

Ilang beses ko na bang narinig ang tatlong salitang 'yan? Once? Twice? Thrice? I don't know and I have no idea. Gasgas na ang quote na 'yan kaya marahil ang lahat ay alam na.

Pero.. kung iisipin mong mabuti at itatatak sa isipan mo, mas makikita mo ang tunay na kahulugan.

Tama nga naman. Maikli lang ang buhay, kaya dapat bawat segundo, minuto, at oras ay pinapahalagan. Kase walang nakakaalam kung baka sa isang buwan, o baka sa isang linggo, o baka ngayon, na ang katapusan mo. So you must do the things that makes you happy-- basta ba'y hindi ito nakakasakit sa iba. Enjoy creating memories with someone you love-- opps! I'm not pertaining to boyfriends or girlfriends, huh? I mean-- you must create more memories with your love ones, it is either your family, friends, or your pets. Masaya man 'yan o masama, you must treasure it like a gold under the soil, because without them, hindi ka makakarating kung nasaan ka ngayon. And last one, always make yourself happy, because that's how our life works. Or so I thought..

"Ms. Caniller?"

Wala sa sarili akong napaayos nang upo tsaka ibinaling tingin sa harapan-- kung saan nakatayo si Ma'am Buena.

"P-po?" Inosente kong tanong dito. Inilibot ko ang tingin sa buong classroom at natauhan nang makitang ako at si Ma'am Buena na lamang ang nandito sa loob, marahil lahat ng kaklase ko ay nakauwi na. Now I wonder.. ganoon ba talaga ako katagal natulala upang hindi mapansing kanina pa uwian?

"I need to discuss to you about something.." seryoso nitong tugon. Base sa hitsura nito, mukhang napakaseryoso nga nang kung anumang pag-uusapan namin. She's our adviser-- she is known as a kind-hearted teacher in this whole University. One thing I like about her is she always wear her precious smile whenever she's talking to anyone. Unlike now..

Tumayo ako mula sa kinauupuan tsaka isinukbit sa kanang balikat ang strap ng kulay sky blue kong backpack.

Nang tuluyan akong makalapit sa mesa nito ay muli akong nagtanong. "A-about what, Ma'am?" I can't help but to stutter! Though I know she's kind, but her expression towards me tells the opposite! Bakit pa ba kase ako nagpaiwan? Kung sumabay na lang ako sa mga kaklase ko kanina ay hindi na ako kakabahan nang ganito!

Bumuntong hininga muna ito na para bang hindi rin gusto ang ibabalita sa akin.

Now I'm positive, it's a bad news.

Tumikhim ito bago nagsimulang magsalita, "you know you're one of the dean's lister, right? And I don't know what happened or if you have a big problem right now.. ayoko sanang dagdagan pa iyon pero.." she paused for a while before handing me a ¼ index card, nanginginig ko itong tinanggap tsaka binasa ang nakasulat, "..you failed three major subjects this semester, Ms. Caniller."

..you failed three major subject this semester, Ms. Caniller.

..you failed three major subjects this semester, Ms. Caniller.

..you failed three major subjects this semester, Ms. Caniller.

No it can't be...

Para itong bombang malakas na sumabog sa harapan ko upang pati ang utak ko ay tumilapon. Tila biglang naging sirang plaka ang utak ko at paulit ulit ito sa pagpapaalala sa akin nang kung anong sinabi ni Ma'am Buena.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Meet me in HeavenWhere stories live. Discover now