"Kinabukasan ay pumasok ako ulit sa panapasukang unibersidad.Pero ng magre-research ulit ako ay naalala ko ang nangyari noong isang araw inisip ko na lang na imahinasyon ko lamang yon"
pagpasok ko sa silid marami pang estudyante ang makakasama ko pag upo ko sa harap ng computer na inupuan ko ng isang araw ay bigla akong kinilabutan.Mayamaya pa ay ako na lang mag isa roon at ayun nanaman narinig ko nanaman yong ingay sa kabilang silid. Kaya sinubukan kong tignan kung ano ang nasa loob nito dahil nakabukas naman yon nabigla ako ng may makita akong dugo sa sahig kaya dalidali akong pumasok.Nakita ko ang isang babaeng naka uniporme ring katulad ko sa tingin ko ay fourth year na ito.Napatigil ako ng mag angat siya ng tingin dahil lumuluha siya ng dugo at sabi nya"tulungan mo akooooooooooo"para bang ang boses niya ay galing sa malalim na hukay.Hindi ako makakilos para bang itinulos ang aking mga paa sa sahig.sumigaw na ako ng makita kong tumayo siya at bigla na lang nag dilim ang aking paningin.
Pagmulat ko ay nalaman kong nasa isang hospital pala ako.naroroon ang aking mga pinsan at ang aking tiya.
"Emily salamat sa Diyos at gising kana "wika ng tiya niya habang umiiyak.
"tiya ok na po ako" ano nga po pla ang sabi ng doktor?
na over fatigue ka daw kaya ka hinimatay sabi nito