CHAPTER 6

3 1 0
                                    

Sa maghapon bad mood ako. Di talaga ako papayag na may masaktan sa dalwang to.

Maguuwian na at ayan nagsusuklay ako habang nagpapabango at nagliliptint na si Joshua.

"Pahiram" inagaw nito yung suklay na hawak ko at sinuklay ang buhok nya. Aba anggaling ah

Tiningnan ko ito ng masama, hinawakan naman nito ang balikat ko at pinatalikod ako sakanya.

Naramdaman ko na sinusuklay na nya ang buhok ko.. Ano!? Buhok ko? ಠ_ಠ

Kahit na ayaw ko hinawakan yung buhok ko di ko pa din sya pinigilan. Ang weird.

Tas sinimulan nya uli itong ibraid. Yung tulad nung braid nya kahapon. Maganit yung buhok ko kaya medyo nahirapan sya. Tas pasmado pa sya at maganit yung buhok ko nays nays.

Nang matapos ito humarap ako sakanya at tiningnan sya

"Bakla ka ba?" Yung mukha nya parang ganto (;一_一) luh magagalit ata sya sakin baket nagtanong lang naman ako ah

"Chaaaaarot" sabi ko at nagawkward smile panong awkward smile? ganto ಠ⌣ಠ anggora may pilikmata den. Pero yon na nga ganang awkward smile

"Saya mo ngayon ah" di naman masyado

"Masaya naman ako lagi di lang halata" auto palit ng tono ng boses cold ako ngayon

"Ibalik mo nga yung hyper mo kanina bilis magbago ah" tumawa ito ng kaunti. Kaunti lang as in konti lang.

"Ah ganto" *inhale* alam ko nagtoothbrush ako *exhale*

"Baklaaaaa ka ba? Hilig mo magayos ihhhhhh baklaaaaa ka poh?" Tanong ko dito tas natawa naman ito. Ulol yata to ah may sayad ba to sa bungo? Yung sayad sa bungo yung parang pag nahulog yung sabon sa sahig sayad yung dulo ganon ba?

"Hahaha di ka naman pala mataray eh" sino bang may sabing mataray ako? Ililibing ko na.

Di ko na sya pinansin at inayos na yung gamit ko kasi maguuwian na ano ba kayo linggo bukas di ko alam pero wala din naman akong gala bukas magpapaliban liban lang ako sa kalsada. Pogi kasi yung isang tambay crush ko sana kaso kamag anak namin kaya di ko na crush

Pero anggaling non magbasketball tas minsan kasama pa non si Insan na payatot tas pahubad hubad pa sila damit kala mo maganda katawan

"Nandyan ka nanaman bat di ko maiwasan tumingin sayong liwanag" weyt alam ko yung kantang yon narinig ko na yon eh

Nilingon ko si Joshua na nakanta feel na feel pa ng lalaking to.

"Wala akong dalang payong" sabi ko at nginitian eto ngiti ba to? ¬_¬ inde di yan ngiti pero sabihin na lang natin ngumiti ako

"Tarantado" bulong nito pero narinig ko. "Gago" bulong ko den pero dapat rinig nya

"Sige kanta ka na lang ule" sabi ko at inayos ule ang gamit ko andami kasing laman ng bulsa ko na binabalik ko sa bag ko.

Di bukol yung bulsa ko pero parang bulsa to ni doraemon. May pamaypay, ballpen black, ballpen red, ballpen blue, isa pang ballpen na black, highlighter na pink, yellow, green, violet, pambura, coins, pera, pera pa den, diary ko pocket diary lang ha, yung badge sa room namin holder ako ako ang magbibigay pag may nahuli akong nag littering kaya nandito lang sa bulsa ko kasi wala nagkakalat, ano pa ba etong suklay, basura, selpon, calculator, tinapay(incase lang magutom hehe), relo ko na ayaw ko isuot pinagpapawisan ako eh,basura, basura pa din, at itong pamuyod ko. Konti lang naman parang may instant bag ako sa bulsa ko. Di kaya mabigat kasi sana na ako.

"Tanginang bulsa yan" puna ni Millian habang nakanta pa din si Joshua.

"Oh baket may ipapalagay ka pa?" Tanong ko dito. Kasabay ko nanaman yan pauwi mamaya

Designated PlacesWhere stories live. Discover now