Prologue

101 1 1
                                    

Prologue

Birthday ngayon ni mama kaya dumaan muna ako sa mall para bumili ng cake and flowers. Bilin kasi ni papa na bigyan ko ng white roses si mama bago siya umalis.

Mukhang nakalimutan pa ni mama na birthday niya. Sana masurprise ko siya.

"Happy Birthday Mama!"

Binungad ko sa kanya 'yung white roses na pinabili ni papa.

"Thank you anak!" napayakap pa si mama sa'kin nang dahil sa tuwa.

"Ma. Wag ka ng umiyak. Birthday mo ngayon kaya dapat, happy lang tayo lahat okay?"

"Okay anak. Tara pasok na tayo nang matikman natin 'yang cake na dala mo."

Pagpasok namin sa bahay, nadatnan ko si ninang kaya nagmano muna ako.

"Anak may sasabihin kami sa'yo ng ninang mo." sabi pa ni mama na nakacling sa braso ni ninang.

"Ano po 'yun Ma?" kunot-noong tanong ko naman.

"Aalis kasi kami ng ninang mo papuntang Paris, one month kaming mawawala kaya plano namin na doon ka muna tumira sa resort sa Batangas para kahit papano ay hindi ka mabugnot rito mag-isa. Ayoko rin namang maiwan ka dito sa bahay mag-isa. Baka hindi ako mapanatag." saad pa ni mama kaya naman natigilan tuloy ako.

"Ma.. Baka pwedeng isama niyo rin ako. Please?" pagpapacute ko kay Mama. Gusto ko rin kayang pumunta ng Paris. T^T

"Sorry anak, pero 2 tickets lang ang nasa ninang mo."

"Ma naman.." nagpapadyak pa ako. Wala akong pakialam kung nagmumukha akong bata sa harapan nila. Basta gusto ko ring sumama. Paris 'yun eh. T^T

"Shai.. My regular client sa resort gave me only 2 tickets for a tour in Paris. At si mama mo ang napili ko na isama because my son is now handling our resort in Batangas. I hope you understand." paliwanag pa ni ninang.

Nakakalungkot. T____T

"Nakakalungkot lang po kasi."

"Wag ka ng mag-alala iha. Hindi ka naman mag-iisa sa Batangas, ibinilin na kita sa kinakapatid mo so there's nothing to worry about pag nandoon ka na. Don't worry, may mga mag-aasist na maid sa'yo doon." saad pa ni ninang. Pero teka...

Kinakapatid ko? Yung lalaking mukhang ayaw makipag-usap? 'Yung ubod ng sungit?? 'Yung tahimik?? Sure ba silang di boring doon? Eh naiisip ko palang eh sigurado na 'kong boring do'n. Masaya sana kung masaya 'yung makakasama ko eh mukhang tipid 'yun makipagusap eh.

Ano ba yaaaaaaaan.

=__=

***

How Can I Say The Words: "I Love You" [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon