Chapter 8

109 1 4
                                    


Chapter 8

Shaira's POV

Papunta na kami ngayon sa Batangas at ihahatid na 'ko nila mama.

Hay, sana maging maayos ang bawat araw na dadaan ng wala si mama. First time 'to kaya sana makasurvive ako! Survivor challenge ang peg!

Ba't ko ba nasabi 'yon??? Eh baka mamaya para akong titira sa isla na wala akong kausap kundi puno, dagat at mga isda! Remember 'yung kinakapatid ko na hindi ko pa nakakausap. Ni hindi nga kami close no'n. Hmp! Good luck to me nalang.

***

"We're here na." masayang sabi pa ni ninang.

6pm na ng marating namin 'tong resort.

"Ma. Gising na. Nandito na po tayo." niyuyugyog ko pa si mama.

"Ohh.. Thanks sa pag-gising baby."

"Aba bago 'yon mama ah. Wag muna 'ko lambingin. Big girl na 'ko ma."

"Hahahahaha!"

Ayan. Sabay pa sila ni ninang tumawa. =__=

"Sige ka Ma. Pag ako bineyby mo, baka di ka pa makaalis. Magpapababy talaga ako." nakapout kong sabi.

"Haha, sorry anak. Sabi ko nga big girl ka na." natatawang sabi ni mama.

Sinalubong kami ng katulong nila ninang.

"Manang? Nasaan si Chad?" tanong ni ninang doon kay manang.

"Ma'am, nasa office po niya."

"Ah, ganoon ba? Sige manang, pakidala nalang muna 'yung mga gamit sa guest room. Then paki tawag si Chad after mo diyan." saad pa ni ninang doon kay manang.

"Sige po Ma'am."

***

Narito kami ngayon sa may sala nila ninang. Nagpapahinga habang nanonood sila ni mama ng TV. At ako naman nagfe-facebook lang.

Sarap pala dito kila ninang. May cable na, may wifi pa!

Nagpaserve si ninang ng cookies and juice. Di pa daw kasi luto 'yung dinner sabi nung maid nila.

Pero naaamoy ko na 'yung niluluto nila. Abot hanggang dito eh. Mukhang masarap. Nakakagutom tuloy lalo 'yung amoy.

"Good evening po!"

Napatayo ako nung marinig ko 'yung boses na 'yon. Napaka swabe. I mean parang cool. Paglingon kong ganyan, sus. Anak lang pala ni ninang. -.-

"Oh Chad!" niyakap ni ninang si Chad. Binati rin ni Chad 'yung mama ko.

"Welcome back po." nagsmile siya kay mama pero nung mapadapo 'yung sa'kin ay nag-iwas na naman siya ng tingin! Imbiyerna ba 'to sa'kin? Aba.

"Good evening iho." bati naman ni mama sa kanya.

"Ma'am ready na po ang dinner." biglang pasok sa eksena ni manang. Nice one! Kainan na!

Nagsipuntahan na nga kaming lahat sa dining area.

Magkatapat kami ni Chad ng upuan. Tapos si mama at ninang naman 'yung magkatapat.

"Nak, bukas na alis namin ni Tita Mitch mo. Ikaw na bahala mag-asikaso kay Shai ha." saad pa ni ninang kay Chad.

Nakita kong napahinto siya sa pagkain at napatingin sa'kin. Siguro mga 2 seconds niya 'kong tinignan at yumuko ulit para ipagpatuloy 'yung pagkain niya.

"Okay mom." sambit pa niya. Duh! Mukha pa siyang napilitan ha! Di ko siya kailangan 'no! Kaya ko naman ang sarili ko. Psh.

"Thank you Chad. Sa'yo ko muna ipagkakatiwala si Shai ha. Pag pinasakit nito ang ulo mo, just call us ha. Medyo pasaway kasi 'to minsan."

"Mama!" ano ba 'yan. Bakit pinapahiya pa ako ni mama? Nakakainis!

"Hahaha. Joke lang nak. Haha." aba matindi. Marunong na palang magjoke si mama ngayon.

"No problem Tita. Makakaasa po kayo sa'kin."

Aba. Ngumingiti pa siya ha. If I know, ngiting-ngiti sa labas 'yan, pero deep inside niyan, inis na inis 'yan. Tss. Ang sungit na nga, ang plastic pa! Kalalaking tao ang plastic!

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga na kami ni mama sa kwarto. Ganoon din si ninang dahil maaga pa ang alis nila bukas papunta ng airport. 11am kasi ang flight nila kaya di na sila dapat mapuyat.

Tabi na kami ni mama dito sa guest room though dalawa ang guest room nila dito. Siyempre bukas aalis na sila kaya mas masaya kung tabi kami ni mama.

***

How Can I Say The Words: "I Love You" [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon