Chapter 13

230 13 0
                                    

♡[ASHLYN]♡

"Diba sabi ko i'll make your life hell? At may kasalanan kapa saken yung phone ko? Tapos tinapunan mopa ako ng kape?" nakangising sabi parin nito na sya namang ikina kaba ko

"U-umm oonga p-pala sorry nga p-pala diko
n-naman sinasadya yon eh k-kaya sorry na" gosh nauutal ako! Kinakabahan kasi talaga ako eh!

"No your sorry was not enough just wait for your punishment" madiin na sabi nito sabay pag dating ng next prof namin

Wala namang naganap kasi puro pagpapakilala lang syempre first day eh bigla naman may kumalabit sakin pero diko pinansin.

Pero paulit ulit nya akong kinakalabit hmmp! Kaya nilingon kona "ano baa-" diko na natapos dahil may kung anong malamig yung dumikit sa pisngi ko

Market pala! Pero mabilis pa sa bente kwatro oras nang tinuldukan pa ulit nya yung pisngi ko! And take note huh? Apat na beses tapos ginuhitan pa nya! Tingin nya saken papel? White board? Manila paper? Kaya sa bwisit ko ay

"Ano ba!" sabay palo sa braso nya pero shaks! Ang laki ng biceps nyaaa! O m to the capital G! Pero maya na yung landi Back na sa pag hampas ko sa kanya sabay kuha ng marker at ginuhitan kodin yung mukha nya pero mas marami hahahaha *evi laugh

"Ohh shit!" sabay pahid sa ginuhitan ko gamit yung kamay nya at tinignan, "Fvck!" ika nya nung nakita nyang meron din sya alangan nilagyan ko eh

"Bleee! Kala mo huh? Buti nga sayo! Lintik lang ang walang ganti!" sabi ko sabay tingin sa harap, bwisit talaga!

"Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!" tunog yon ng bell so recess na pala

"Ok class thats all for now Goodbye" sabi ng prof namin sabay kuha ng gamit nya at lumabas.

Agad naman akong lumapit kay ally na medyo malayo sa upuan ko at hinila sya palabas, kinakabahan kasi ako kay raven baka gantihan nya pa ako pano kung napin pako non? chos! Feeling babae ang peg?

"Aray ano ba ansakit huh? Makahila ka ano akala mo sakin lubid? Sa ganda kong to lubid?" pag rereklamo neto at naka pamewang pa ang babaitang ito.

"Ok na sana yung lubid kaso just drop the word 'ganda kong to' kasi di bagay eh" inirapan lang ako nito

Chinat na namin sila jane at mae para magkita nalang kami sa cafe dun sa dati namin pwesto sana diko makita yung jaycii nayun nakuuuu baka magka word war lll na.

Nang makarating kami ay nakita namin sila jane at mae kumakaway pa tsaka may kasamang pang lalaki na moreno at matangkad in short tall black handsome yun bayung tawag dun? Ay ewan ko basta yon nayun.

"Uy baks! Si jake pala classmate ko jake si Ashlyn at ally" pag papakilala samin nito, nag kamayan naman kami.

Dumiretso na kami at bumili nilibre ngalang kami ni jake eh sana ol mayaman noh?

"Baks? Anyare sa mukha mo? Bat may mga tuldok? Connect the dots lang ang peg mo??" tanong ni jane saka hinawakan payung baba mo sabay sinipat sapat payung mukha ko tsaka kolang naalala namay sulat pa pala ng marker doon kaya pala pinag titinginan kami ni ally ng mga istudyante kanina habang papunta dito

"Oonga kanina payan" sagot naman ni ally

"Bwiset ka! Nakita mona pala dimo pa sinabi! Paheram nga wipes" pinahiram naman ako nito at nag punas nako ng mukha

.................................................................

Natapos ang recess at paakyat nako ng hagdan hanggang sa tapat ng room ngunit pagbukas na pagbukas ko palang ng pinto ay may tumapon na kulay puti sakin.

harina pala ito at rinig kodin ang tawanan ng mga tao dito sa room namin may mga sumisigaw na loser at kung ano ano pa meron ding mga nakatutok ng celpon saken. Bigla naman may nagsalita sa harapan ko...

"Diba i'll make your life hell?" nakangising saad nito at sinabuyan pa talaga ako ng harina sa mukha napaluhod nako dito sa pinto diko din namalayan na may luha napalang bumagsak sa pisngi ko

Tumayo na ako at tumakbo habang patuloy parin sa pag bagsak yung luha ko hays kahit kelan talaga traydor yung luha ko dahil sa pagtakbo ko pababa at dahil may harina din yung sapatos ko nadulas ako.

Pero may sumalo sakin na lalaki nagkatitigan kami nito shit! Ang pogii nya!

"A-are you okay?" tanong nito na syang nag pagsing saken sa pagka tulala ko sa kanya

"A-ahm oo s-salamat pala s-sorry din nalagyan p-pa kita ng harina" sabi ko sabay tayo at tumakbo ulit narinig kong may sinasabi pasya pero diko na ito naintindihan

Takbo lang ako ng takbo habang tumutulo parin yung luha ko bat ba kasi napaka bully nya? Pede namang pabayaran nalang nya yung cp nya ah? Bat kelangan pa akong ipahiya? Kung ano anong tanong ang pumapasok sa isipan ko bwisit na bakulaw nayon! Oo bakulaw sya! Bwisit!

Married To My Pervert BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon