Chapter 1

976 27 48
                                    

chapter 1

February 14 2010

"Cherry pinabibigay ni Jerome,para sa'yo" at itinuro nung lalake ang direksyon ng nagpapabigay sa kaibigan ko, ngumiti ako ng mapait, nagthank-you siya at saka umalis na ung lalaki,

"nililigawan ka ba niyan?"asar nina Azure at Blue

"hoy wag ka ngang ngingiti ngiti diyan" pang-aasar ng iba pa naming kaibigan, naramdaman kong uminit ang sulok ng aking mata, ano ba iyan, pesteng mga luha to, pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko para lang bumalik sila sa kanilang pinanggalingan at salamat huminto nga kahit mumunting butil palang ang mga ito, pinunasan ko ang parteng iyon,

Oo, tama kayo, may gusto ako sa manliligaw ng kaibigan ko, bago pa sila magkakilala ay kilalang kilala ko na siya, pero sino ba naman ako para hadlangan ang nakatadhana

'Hoy! Jeanne tulaley ka na naman jan, di bali magkakaroon ka rin ng manliligaw" sabi ni Azure sabay tawa nito

Ako naman napasabay na lang sa tawanan kahit masakit sa kaloob-looban ko, nung mga oras na iyon pauwi na ako sa bahay at tamang tamang napatawag si Cherry

*ring ring*

sinagot ko ito

"Besss!!!Kami na, Kami na ni Jerome"maligayang bungad agad ni Cherry

muntikan ko nang mabitawan ang cellphone ko, masakit pala, masakit ditto...sa puso ko na may iba siya, at isa pa, sila na nang kaibigan ko. di ako ganoong kadesperada para lamang kunin siya o ipagdasal n asana maghiwalay sila ng kaibigan ko.

Di ko namalayan na unti unting pumapatak ang mga luha sa mata ko

"u-uhh bes? andiyan ka pa ba?hello?" pinunasan ko agad iyon at

"h-huh? ayyy congrats!naks luma-lovelife ka na, sana siya na ung 'the one' na pinapangarap mo bes" pinipilit kong pasiglahin ang tono ng boses ko para di ito mapansin

"oo nga, sana nga bes, Oh sya! ikaw pa lng binalitaan ko neto, sasabhin k okay Blue at Azure, bye bes"

naputol Na ang kabilang linya

napahinto ako sa paglalakad, tamang tamang malapit lang sa park ang bahay naming, pumunta ako sa swing,ito kase ang kadalasang comfort zone ko tuwing wala ako sa sarili, sawi, lutang, lahat nang emosyon, halo-halo.

pero ngayun, ewan ko, para akong tinusok ng milyong-milyong karayon, sa tuwing naiisip ko ang sinabi niya parang may kumikirot sa bandang puso ko,

yumuko ako at saka lang nagsilabasan lahat ng nararamdaman ko, humagulgol ako na parang siya lang talaga ang lalakeng sa tingin ko ay para sa akin.Na sa tingin ko'y wala na akong iba pang mahahanap, na sa lang ang nag-eexist sa puso ko

Sa laban ng pag-ibig, mayroong masasaktan, hindi pwedeng mwala iyon dahil kundi dahil ditto di natin mararamdaman ang pait at kaligayahan na hatid ng pag-ibig. Oo masyado nang karaniwang nangyayari rito ay ang hindi masuklian ng taong mahal mo yung naibibgay mo, pero diba kaya nga tayo nagtetake risk para malaman kung mayroon siyang nararamdaman sayo? pero sa laban ko, di ako kagaya ng ibang tao na ni di maipagtapat itong nararamdaman ko na kinimkim ko sa loob ng mahabang panahon.

halos mag-iisang oras na at napagdesisyonan ko nang umuwi, pagabi na rin kasi. pagkauwi ko, nadatnan ko si mama na nasa sala at tumitingin sa magazines, wala akong Gana na sagutin ang mga tanong sa akin ni Mama kung bakit namamaga ang mata ko kaya't dumiretso lang ako sa kwarto ko at sumalampak,

napatitig ako sa kisame,.

Now this is how it feels to be in pain, februaring-february sawi naman ako...

-

Matapos kong malaman yun, dumistansya na ako sa mga kaibigan ko,Oo, wala silang kasalan pero kasi para sa akin, mahihirapan at mahihirapan rin akong kalimutan ang lintek na nararamdaman para sa kanya, at isa pa parating magkasama sina Jerome at Cherry at hindi ko na mapigilan tong nararamdaman ko at baka maiyak na lang ako , malaking isyu na naman pag nagkataon. Minsan nga kinakausap ako ni Cherry pero agad agad din akong aalis at gagawa ng kung anu-anong alibi para lang makatakas o kaya kapag tinatanong niya ako 'oo' o 'hindi lang ang sagot ko o kayay tango lang .

mabilis ang paglipas ng buwan ng pebrero , na hindi ko masyadong napansin na bakasyon na
pala, lutang ako't lahat lahat at parang tanga lang. Lugmok parin ako pero isang balita ang nagbigay pag-asa sa akin

*ring ring*

cherry calling~

"J-jeanne b-reak na kami" at narinig ako ang malakas nitong pag-hagulhol, hindi ako masamang kaibigan pero aminin natin kapag nalaman nating wala nang karelasyon ang taong gusto natin ay may kaunting pag-asang gumnuhit pa rin sa puso mo na mapapansin ka dba?

"b-baket, anong nangyari?" curious na curious sko kung bakit sila nagbreak

"Nalaman nila mama, sagabal raw sa pag-aaral, kapag di raw ako nakipagbreak, isasama raw nila ako sa Amerika" patuloy parin ang hagulhol nito, para siyang batang naagawan ng candy at ako ang ina niyang pinagsusumbungan,

kahit man masasabing may kaunting kasiyahan sa puso ko ang natatanging gawing ko na lamang ay patahanin siya, the role of a best friend.

'Shhh, everythings gonna be ok, you'll be fine cherry, tahan na"

if only I could cares her back and be at her side pero maski ako apektado, paulit ulit kong sinasabing magiging maayos ang lahat hanggang sa nagpaalam na ito, nakatunganga parin ako sa dingding naming habang nakasalampak sa kama,
sinusubukan kong matulog pero halos alas dose na ng gabi't paliko liko lang ako sa kama ko, napabangon ako sa kama at dumiretso sa kusina para makakuha ng kahit kaunting midnight snack, particularly ice cream, eto lang ata ang naturingan stress reliever ko, since wala palagi sina mama at papa, tatlo lang kaming andito sa bahay, si Kyle, pinakamatandang kapatid ko na lalake, college nay an kaya minsanan na lng umuwi or every sembreak, siya pinaclosest sa akin at ung ikalawa kong kapatid na si Travis, Grade 9 palang, typical playboy type ang mga kapatid ko, they've got the looks pero minsan nagtataka ako kung bat ganto kinalabasan ng itsura ko, sabi naman nila na maganda ako.. pero more on maganda raw pag medyo nabawasan ung mga extra sa katawan ko.

Kinuha ko yung isang liter ng ice cream saka kumuha ng isang scoop, susubo na sana ako ng mapansin kong may isang bulto ng tao sa gilid ng ref, since alas dose na at patay na ang mga ilaw, liwanag na lang ng ref at ng buwan ang nagsisilbing panganinag ko, palapit ito ng palapit at

" kaya ka tumataba dahil puro ka kain ng kain, wala na bang laman utak mo kundi pagkain sa tuwing nafrufrustrate ka?"

naaninag ko rin ito sa wakas

"Gian" madiin kong ipinikit ang aking mga mata, napabuntong-hininga ako at ibinalik sa ref ang kinuha kong ice cream

"hindi ako frustrated okay? nagugutom lang ako"

"wag mo akong lokohin Jeanne, kilalang kilala na kita"

saka ito lumapit,hinawakan ang magkabilang braso ko at niyakap ako, hinaplos nito ang buhok ko't dinampian nito ng halik ang aking noo,

"wag na wag kang matakot na umiyak, di ibig sabihin na umiyak ka, napakahina mo na,tandaan mo tao ka lang din" sinimulan nitong haplusin ng dahan dahan ang aking buhok

"na nasasaktan" tuloy nitong saad.

ditto na lamang ako bumigay, napahagulhol na lamang ako, dalawa lang kami ni Travis ang narito sa bahay sigurado't tulog na iyon, yung nagluluto at nag-aayos ditto sa bahay ay nauwi kaya sigurado akong walang makaririnig ng mga nakakarindi kong iyak.

"andito ako para punasan yang mga luha mong dinulot ng iba"
-------
medyo nirevise ko lang po ng kaunti, iba po kasi ung version nung nasa laptop ko at nasa phone ko, and I decided na mas masusunod ung version ng nasa laptop ko, sorry for the inconvenience

Btw special thanks to Justice Mediolo who made my awesome book cover,.

keep reading guys! for dedics, comments, just leave it to the message box, I accept suggestions, I'll thank you for that.

Don't forget to hit the star button down their.

One Shot, One chanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon