Chapter 4

19 3 0
                                    

Chapter 4

Pauwi na ko, tapos na kong maghirap sa kasungitan ng lalaking yun, buti hindi ako ginabi kung hindi mapagalitan pa ko ni Knight in shining armor kuno ko ^^,

Speaking of him, sana makita ko ulit siya.

Habang naglalakad sa tapat ng may bahay namin may naaninag akong...lalaki? Pero kalahati lang ang nakikita ko, ang kalahati ay natatakpan ng dilim at ang kalahati ay ang liwanag ng street light.

Syempre nacurious ako, familiar eh lumapit ako dun pero di ko pinahalata na siya ang pupuntahan ko. Nang malapit na ko gosh, nakita ko ulit siya. Lumapit na talaga ko sa kanya.

"Hello!" tumingin siya sakin at tinitigan ako na parang iniisip kung sino ako.

"Ah ikaw si...Jammy" kilala pa niya ko ^__^

"A-ako nga, ano ginagawa mo dyan?"

"Emo." ano daw emo? Bakit naman siya mag eemo?

Lumapit pa ko sa kanya para malapitan pa siya

"Bat ka naman nag-e-emo? At bakit dito pa?"

Di niya ko pinansin at hinila niya ko hindi naman siya masakit

"Wait, saan tayo pupunta?" tumigil siya sa paghigit sakin at tumigil din sa paglalakad.

"Jammy, please..." niyakap niya ko. Huh?

"H-ha?"

"I need your help"

"O-okay" sinama na niya ko.

***

Nakarating kami sa condo. Pumasok kami at pumunta doon sa isang room siguro kanya 'to.

"Sit here," umupo naman ako.

"Wait, kukuha lang ako ng maiinom mo" pumunta siya sa kusina.

Tiningnan ko ang condo niya, maayos at maganda. Nakahiya naman bakit kasi sumama pa ko pero sabi niya He needs my help. May sarili ba siyang bahay? Bakit kaya dito siya tumutuloy?

"Hey Jammy," napalingon ako sa likod ko, nakita ko siya na may hawak na juice.

"Here," inabot niya sakin yung juice

"T-thank you"

"Jammy, I need your help"

"Huh? Ano namang tulong yun?"

"I-I don't know kung bakit ikaw yung dinala ko dito, ikaw lang kasi ang kilala ko na nakita ko"

"Ano bang problema... mo?" tanong ko at ininum ang juice na binigay niya

"Nainlove ka na ba?"

"*cough cough*"

"Hala sorry, teka kukuha akong tubig," tumakbo siya sa kusina maya maya bumalik na inabot niya sakin yung tubig at ininom ko na

"Okay ka na?"

"O-okay na"

"Nainlove ka na ba?" take two na di na ko masyadong nagulat.

"H-ha?"

"Kasi ako, nagkagusto ako sa isang babae pero iniwan lang ko siya kasi nalaman ko na isa pala siyang...gold digger"

"Grabe naman pala yan"

"Buti na lang di ako nahulog ng husto sa kanya"

"Mabuti nga yun, mabuti nalaman mo agad, bakit nga pala ko nandito, anong tulong?"

"Sa totoo lang emo lang ako ng konti kasi niloko niya ko at walang help ewan ko sa madaldal kong bunganga kung bakit lumabas yun"

"Edi pwede na pala kong umalis," akmang tatayo na ko pero pinigilan niya ko.

So Called "Destiny"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon