PROLOGUE

155 26 24
                                    

Hello, ako nga pala si Miracle Faith Escalante. 15 yrs. old. Incoming 10th grader ngayong pasokan.

Wala naman masyadong ganap sa buhay ko aside sa pagiging hardworking pero cold daw ika ng kaibigan ko.

Hindi na bago sakin yan.

Siguro pinanganak lang talaga akong may tipid na expression pero hindi naman ibig sabihin nun eh wala na talaga akong expression nuh, hindi naman din ako robot.

Ano pa ba--ah, meron pa pala, palagi din pala akong napagkakamalang foreigner/half german/half shepherd in short asong may breed, o di kaya ay napagkakamalang ampon dahil sa itsura ko, na tila ba ako lang ang naiiba sa pamilya ko.

Totoo naman din ano, na hindi ko ma-distinguish kung ano ako, basta tao ako yun na yun, may tanong ba sa isip ko kung ampon lang ba talaga ako, o may tatay ba akong foreigner? Oo meron naman.

Wag mong sabihing curious ka din sa anyo ko?

Anyong tao nga ako, pero secret hehehe. Basahin niyo na lang kasi yung storya ng buhay ko para mas makilala niyo ako.

May time na tinanong ko yung mama ko about sa kung ano ako, sabi naman din niya na tao ako at oo, nahaluan nga lang ng ibang chromosomes o genes, kasi sabi niya na foreigner nga daw ang tatay ko.

May galit ba ako?

Hindi naman ako marunong magalit ano, siguro nanghinayang lang kung bakit ako iniwan ng tatay kong may breed.

Pero kontento naman na din ako, to be exact, masaya ako na may kapatid ako, si Maya Escalante, nasa grade 5 na siya, mama ko naman si Amara Escalante at step papa ko--namin ni Maya, si tatay Enrico.

Hardworking = madaming part-time job. 

Pano ba kasi hindi naman kami mayaman tsaka yung papa namin eh, nagtatrabaho lang din naman as driver ng isang restaurant eh (delivery man), hindi naman masyadong malaki ang kinikita pero nabibigay naman kung anong pangangailangan namin pero siguro nasa initiative ko lang din siguro na ayokong mag rely lang sa papa ko since hindi naman kasi always sya nakakapag bigay lalo na ngayon na may sakit ang mama ko. Kaya nga pinipili ko na lang wag sayangin ang oras ko, oh diba nakatulong pa ako sa pamilya ko?

So ayun, umi-extra-extra lang din ako ng kahit ano, pssst secreto lang natin to ha, yung pinaka matinding racket ko ay mag-maskot ng Jollibee, alam mo naman kasi na first love ko si Jollibee so ayun matapos kong maging racket yun, hindi na nasundan kasi dinapuan ako ng matinding trankaso pagtapos nun pano ba naman kasi hindi ka lang dadabdaban ng init papatayin ka din sa bigat ng maskot, tsaka ang payatot ko pa naman nakulangan lang ata sa dugo eh, dahil dun pinagalitan ako ng mama ko at hindi na ako umulet pang mag extreme.

Pero kung wala naman akong extra o racket/ part-time eh, makikita mo lang ako sa park malapit samin nagbabasa ng libro.

May bestfriend nga pala ako, isa siyang anak ng nagmamay-ari ng Brillant Airlines, at siya ay si Eliana Madeline Brillantes, for short Linn.

At siya ang dahilan kung bakit magbabago ang takbo ng buong high school life ko.

Bakit?

Kasi may nag exist na Brent Academy isang sikat na paaralan sa bayan namin.

Gets mo?

Pano nga ba ako nakapasok diyan?

Disclaimer lang ha, ni hindi nasagi sa utak ko na makapag-aral sa isang prestigious school na yan, kasi nga stick to one ako, meaning nun, stick ako sa simple kong pamumuhay lamang, talagang tadhana ata ang nag set up neto eh, ginamit lang talagang instumento si Linn, oo.

So pano nga ba ako nakapasok sa Brent Academy? Well, may Annual Lottery Draw ang Brent Academy, para saan ba yun? Nagbibigay sila ng chance for commoners like us na makapasok at makapag-aral dun. At dahil nga may pagka shunga yung kaibigan ko, isinali ni Linn yung pangalan ko sa lottery na yun at voila--here I am!!!

Magiging makulay ba? O magiging maganda ba ang buhay ko?

Hindi ko din alam eh. Kumbaga ongoing pa din yung takbo ng buhay. At willing naman akong i-tour kayo sa kung anong magiging buhay ko sa Brent Academy.

Ay muntik ko nang makalimutan! Ang Brent Academy pala ay isang boarding school, so wala akong choice kundi maging isang preso sa paaralan nila--ay joke lang yun--mag stay pala.

Next...

Sa simula ay nag-aalangan man na tanggapin ang pagkapanalo sa lottery, pero totoo pala ang sinasabi nila na pag-pamilya na ang pag-uusapan, talagang G na G tayo jan.

So ayun na nga ano, nag change naman din ang mind ko, siguro natakot lang o na-overwhelmed sa mga naganap, ikaw ba naman bungadin ng Headmistress sa mismong bahay mo.

Talagang mag-mi-mixed reactions ka.

Pero palaban pa din ang Lottery Girl ninyo, so next chapter na tayo?




Let's go...

The Lottery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon