Happy Ending, NOT.

33 0 0
                                    

“Maaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Baon ko po! Male-late na ako!” sigaw ko kay Mama.

Oh di ba? Napakagandang simula sa istoryang ito. Teka, nakalimutan ko muna magpakilala.

Hi, readers! I’m Maxine Mendoza, 17, taking BS ASDFGHJ. 1st year pa lang ako. Simple lang naman ako. Ako yung tipo ng babae na kung ano ang itsura pag-alis ng bahay e MAS MALALA ANG ITSURA PAG-UWI. Corny akong tao. Halata naman di ba? -__-“

“Heto na. Bukas ko na ibibigay yung kulang. Hala sya, sige. Alis na at baka ma-late ka pa.” Sabi ni Mama.

“Sige, Ma. Bye.” Kiniss ko siya sa pisngi pagkatapos.

Pagka-alis ko ng bahay, kelangan ko pa sumakay ng lrt at ng jeep para makarating sa school ko. Halos 1 hour din ang byahe kaya minsan umaalis ako ng sobrang aga sa bahay.

Naglakad na ako papuntang lrt. Chineck na ni ate guard yung bag ko. Parang aning. Pinagbukas lang naman ako ng bag di naman tinignan. Amp. May Stored Value pa ako! HAHAHAHA! MAIINGGIT KAYO! ANG HABA NG PILA NIYO! HAHAHAHAHA! Eh okay. Dahil andyan na yung train, tumakbo ako sa hagdan para maabutan ko ng...

“POOOOOOOOOOOOOOOOTEEEEEEEEK! Ano ba naman yan, Miss! Hindi ka marunong tumingin ng dinadaanan mo eh no?!” Sabi ni Kuyang Kupal.

“Wow, Kuya ha?! Kasalanan ko pa e ikaw tong paharang-harang dyan sa daan. Nakikita mo na ngang nagmamadali hindi ka pa tumabi. Dyan ka na nga. Wala akong pakialam sa’yo. Ampanget mo.” Aba syempre naman hindi ako magpapatalo. Bida ako no.

At syempre sa maling akala niyo. HINDI DIYAN NAGSISIMULA ANG LOVELIFE KO. :P

Happy Ending, NOT.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon