Sumakay na ako ng lrt. Bumaba sa ASDFGHJKL Station at sumakay ng jeep papuntang QWERTYUIOP. Bumaba ako sa tapat ng MNBVCXZ University at tinignan ito. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nakakapag-aral ako sa unibersiad na ito. Chosera! Simple lang tong school ko. Hindi ganoon kalaki. Hindi ganoon kakilala at higit sa lahat, MURA ANG TUITION! Malamang sakto lang naman ang status namin sa buhay. Hindi na ako naghahangad pa ng iba. Basta nakakapag-aral ako, ayos na.
Bumalik ako sa katinuan ng makarinig ako ng busina. Nakalimutan ko, nasa gitna pa nga pala ako ng daan. Napakamot na lang ako dahil ang aga-aga e kapalpakan na agad nagawa ko. Haaay buhay.
Pumasok na ako sa napakalaking gate ng school. (yung gate lang ang malaki) Dumiretso na ako sa room namin dahil 15 mins na lang before magtime eh. Wala rin naman akong friends dito. Tahimik kasi ako kapag nandito sa school. Wala lang. Gusto ko kasi maging independent. Kapag may mga exams kasi or whatever mangongopya lang yung iba dyan. Psh.
Pagkadating ko ng room, medyo marami na yung nandun. Pumwesto ako sa pinakalikod. Loner, duh? Kinuha ko na lang yung cellphone ko at nagsoundtrip. Pinatugtog ko yung Gayuma by Abra. Ang cute kasi eh. Hehe. Nilabas ko na rin yung libro ko para naman habang nakikinig ako e may natututunan din ako.
Pagka-angat ko ng ulo ko eh "PLAAAAAAAAAAAAAAK!!" *sampal yan* may multo este lalaki sa harap ko. Taenang mukha yan. Parang 1 inch na lang pagitan ng mukha namin. Kapal di ba?
"Bastos!" sigaw ko sa kanya sa inis. Tumayo ako at lipat sa kabilang dulo. Taenang lalaki yun. Ang kapal ng mukha. Buti sana kung gwapo eh. Psh. Sakto naman dating ng Prof. Buti naisipan nya pa dumating.
"Okay class BLAH BLAH BLAH. Oh, what are you doing here Mr. Madera?" Sabi ni Prof.
"Maam, nagpachange po kasi ako ng subject." Sabi ni Mr. Makapal Mukha.
"Patingin ng registration form." Lumapit naman sa kanya si MM (Makapal Mukha) at ibinigay ang reg form. "Oh sige. Umupo ka na.
Nagdiscuss na si maam. Habang nagdidiscuss siya, yung mga babaeng malalandi sa harap ko e ang lalandi talaga. Kinikilig-kilig pa habang tumitingin kay MM. Anyare? Anong meron? At dahil may sa-chismosa kahit papano eh nakinig muna ako sa usapan nila.
"Di ba siya yung Varsity ng basketball? Ang cute niya no? Hihihi" Malandi 1.
"Oo, siya yun. Mayang break lapitan natin." malandi 2.
"Aysigeeeee, Mars! Aylaykeeeeeeeeeet!" Malandi 1
"Teka, Mars! Yung lipstick ko ayos pa ba? Baka oily na ako, teh!" Malandi 2.
At yung ibang usapan e hindi ko na pinakinggan dahil nakakairita makinig sa mga ganyan. Mga tao nga naman ngayon. Kapag basketball player o varsity ng school, kahit hindi naman gwapo o pogi talaga e pinagkakaguluhan. Palibhasa sikat sa school. Mga babae nga naman, oo.
Natapos na magdiscuss si Prof at pinauwi na rin kami. Sabi nya may quiz daw next meeting. Papalabas na ako ng room ng hinarang ako ni MM.
"Sorry sa kanina ah. Hindi ko sinasadya na takutin ka o ano. Nick nga pala." Inabot niya sa akin yung kamay nya na parang makikipagshake hands.
"Ok." Maikling sabi ko at alis sa harap nya. Ayoko kumausap ng mga bastos na lalaking katulad nya. At isa pa, papansin siya. Nakaka-asar. Tsaka ano bang akala niya? Sa isang sorry lang mawawala na yung galit ko? Pasensya sya. Maria Clara to no.
Bumaba na ako kasi may break ako ng 1 oras pa. Pumunta ako ng canteen para tumambay. Ngayon lang ako papasok sa loob ng mismong canteen. Puno kasi sa labas. Swerte, may aircon pala dito. HAHAHA. Ngayon ko lang nalaman eh. Bakit ba?
Pumasok na ako para magbasa pero dahil nakakaantok, yumuko ako at hindi namalayan na nakatulog na..
Pag mulat ko, nakita ko si MM. Kasama ata yung mga teammates nya. Tinignan ko lang sila. Nakita ko si MM tinuro ako sa mga kabarkada nya. Parang nanlilisik ang mata. Lumapit sila sakin at...