Chapter 2 *Sunset*

29 1 0
                                        

"Quinn. Cassey." Umupo ako sa tabi nila, niyakap ko silang dalawa at saka humagulgol na ako ng iyak.

"Si King. Ayoko na siyang partner. 3 araw nalang bago ang presentation." Hinimas nila ang likod ko.

Hinawakan ni Quinn ang kamay ko "Chands, tahan na. Wala ka namang magagawa e. Pagtiyagaan mo na lang si King. Mapapatino mo rin yan." Mahinahon niyang sinabi sa akin.

"Ano bang ginawa sayo ni King?" Tanong ni Cassey.

- flashback -

Lunch break. Nagmadali akong puntahan si King para ibigay ang lyrics ng kakantahin namin nang makita ko siya covered walk na nakaupo kasama ng ibang mga lalaki, I think barkada niya. Importante lahat ng activities na ipapagawa sa amin ng school na ito. Malaki ang expectations sa akin ng parents ko at hindi ko sila dapat biguin.

Tiningnan ko ang mukha ni King bago ako lumapit sa kanya. Dun ko lang napansin na napakamisteryoso pala ng mukha niya.

Huminga ako ng malalim at humakbang palapit sakanila, sakanya.

Nginitian ko siya at inilahad ang mga kamay ko na may hawak na papel, "King eto nga pala yung lyrics ng kakantahin natin para sa presentation" iniabot ko sakanya ang papel na naglalaman ng lyrics ng kakantahin namin.

Umirap siya sa akin, "I don't sing."

Nakita ko namang tumingin sa akin si Luke, yung bully, at binigyan ako ng makahulugang titig na para bang sinasabi ng mga mata niya na "Stop it Chandria and get the hell out of here!"

Hindi ako nagpatinag, "King please?" Iniabot ko ulit sakanya yung lyrics.

"Ano ba?!! I told you, I don't sing!!! Hindi ka ba nakakaintindi? Bobo ka ba?!! At pwede ba?!! Stop calling me King!!!! That's not me!!" Galit niyang sinabi sa akin.

"Then who are you?!!" Napasigaw ako at nakita kong nagulat ang mga kasama niya sa ginawa ko.

Tumayo siya at tinulak ako pero hindi ako natumba, "What the heck!! Pwedeng bang lumayas ka sa harapan ko?!!"

Tumigil ang mga estudyanteng dumadaan sa covered walk at tiningnan ako, mula ulo hanggang paa, saka sila nagbulungan. Tinuro turo niya ang noo ko, "Ayaw kong makita yang mukha mo!! Nasusuka ako!!" Hindi ako makagalaw o makapagsalita man lang. Tinulak niya ulit ako and this time napaupo na ako. Nakita kong tumayo sila Luke at tinap ang balikat ni King pero hinawi niya lang eto. Umupo si King sa harap ko at inilapit ang mukha sa akin, "Bakit mo ba tinatanong pangalan ko?!! At sino ka para pagsabihan ng pangalan ko?! Para kang kung sinong matalino a!! Lumayas ka nga dito!! Kumukulo lang dugo ko sayo!!!" Tutok na tutok niyang isinigaw sa akin ang mga salitang yun. Hinablot niya din sa akin yung papel na hawak ko at pinunit sa harapan ko. Saka siya tumayo at umalis kasama nila Luke. Naiwan ako mag isa doon na mukhang kawawa.

Hindi ko alam gagawin ko, napansin kong lahat na ng tao doon ay nakatingin sa aming dalawa, kumikirot yung puso ko sa sakit at dahil sa kahihiyan. Naiinis din ako sa sarili ko dahil hinayaan ko siyang tratuhin ako ng ganoon. Ang labo na ng paningin ko.

Inhale...

Exhale...

Yumuko ako at niyakap ang dalawang binti ko.

"Chandria, ayos ka lang?" Narinig kong tanong ng isang lalaki, tumingala ako para tingnan kung sino yun.

Si Drew, "You're not." Sabi niya ulit sa akin at saka niya ako tinulungang tumayo.

"Thank you" sabi ko sakanya at tumakbo na ako sa canteen at hinanap si Quinn at Cassey.

- end of flashback -

Royal AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon