Hindi lang isa
Kundi maraming beses na
Iisang kataga
Ang naririnig mula sa kanilang bunganga"Panget ka"
Simula pa noong bata
Naririnig na iyang salita
Tinatakpan ang tainga
Sana bukas hindi na marinig paPanglalait at panghuhusga
Kesyo anak daw ako ng
Isang nilalang na hindi kaaya aya
Ang hitsura, ako raw ay isinumpaKinalakihan na ang pamimintas
Wala naman akong magagawa
Hindi ko naman maaaring takpan ang butas
Nang makasalanan nilang bunganga
O di kaya ay takpan ang kanilang mata
Nang sa gayon ay hindi nila makita ang aking mukhaNgunit bakit kapag naririnig ko sa kaibigan o kapamilya
Mas triple ang sakit na dala
Dahil pati sila ang tingin sa akin ay salot
Pagsisisi ang sa akin ay bumabalotHinihiniling na sana'y maglaho na lamang na parang bola
Na sana'y hindi na lang isinilang pa
O hinandugan ng hininga
Sapagkat para na rin akong patay kung tingnan nilaTila ba nakakamatay ang aking hitsura
Na kapag tumingin sila sa aking mukha
Inaakalang may sakit akong nakakahawa
Na baka kapag tumingin sila ay maaari ko na silang maging kamukhaKaya naman isang babala
Hindi ako maganda
Dahil sa lapnos sa aking mukha
Na dulot ng amang mapangalipusta.— strsnvrs
YOU ARE READING
HER POETRIES
Poetry"As her pen Continues to bleed Her paper Will always wipe it" -strsnvrs