CHAPTER 2

6 1 0
                                    

HOLD ON CHAPTER 2
written by : sisisidarkk

Last semester of the year, malapit ng matapos ang taon. Sobrang nakaka-stress itong huling semester gosh huhu kalikaliwa't kanan yung nga projects, research etc. Idagdag pa na kulang kami sa pera ngayong semester na to dahil sa dami ng bayarin lalo na ki ate na graduating. Minsan sumasakit na naman ang ulo ko at nasusuka, nag-kakaproblema na naman ako sa pagtulog, mga sintomas na kabisado ko na. Unti unti na namang bumabalik ang sakit ko. Imbis kase na ipag-pacheck up at pangbiling gamot ang perang binibigay saakin ay pinang-babaon ko na lang, pangdagdag o kaya sa gastusin sa school hay.

Nagising na lang ako na sobrang sakit na talaga ng ulo ko pero hindi ko masyadong pinahalata at sinabi ko na lang na may gagawin kaming project kaya maaga ako ngayon pero ang totoo bibisita ako sa doctor ko.

Sa halos mag-lilimang taon ko ng namumuhay simula nung magkaroon ako ng tomur ay may naging sarili na rin akong doctor, hindi lang naman saakin.

--

"Ailisha Lawson, next." shocks kinakabahan ako na ewan, kinakabahan ako pero parang tanggap ko na din kapalaran ko ih.

"Ailisha, bakit noong nakaraang buwan hindi ka pumunta dito?" malumanay na tanong ni doc.

"Ah po, ano po kase medyo nagigipit na po kase kami. Ang dami po kaseng bayarin ngayon kaya po yung pang pa-check up pinang-babaon ko na lang hehe." pilit akong ngumiti.

"Yung mga gamot mo ba iniinom mo?"

"Hin---ay este oo naman po no!" hay muntik ko pang masabi na hindi shuta.

"Ailisha iha, bumabalik yung brain tumor mo and worst, mas lumala pa ito dahil sa pag-papabaya mo. Diba sabi ko naman sayo iwasan mo ang ma-stress." tangina.

"Pero doc maagapan pa po ba?" nanginginig na ako dahil sa narinig ko tangina naman ih.

"If you can have surgery earlier, it is possible but your body may not be able to cope."

"Ganon doc? Bakit di kakayanin ng katawan ko? Mabigat ba? Dadaganan ako?" natatawa kong sabi. May taning na buhay ko nagagawa ko pang mag-biro hay hahah.

"Ayan kana naman sa mga biro mo Ailisha." natatawang naiiling-iling na lang si doc sa mga biro ko haha sanay na yan si doc ih.

"So ano iha, nakapag-isip kana ba? O-operahan ka o hindi? Oh and btw..... You had only about two months to live." doon na ako unti unting natigilan. Tangina tanggap ko naman na mamatay ako ng maaga pero bakit ganon TWO MONTHS na lang!!! Imagine two fucking months!! Unti unti ng kumakawala ang mga luhang namumo sa mga mata ko.

Napayuko na lang ako at tumitig sa mga kamay kung nasa kandungan ko.

--

Dumaan muna ako saglit sa simbahan. Nakasanayan ko na ding dumaan dito pagkatapos ng check up o di kaya kapag sunday. Hindi dahil umaasa ako na maawa ang panginoong Diyos saakin at bigla bigla na lang sabihin ng doctor na "Congratulations cancer free kana!" Mataggal ko ng tanggap na ganito na talaga yung kakahinatnan ko actually kanina ko lang natanggap habang papunta ako dito sa simbahan haha.

Ang sabi ni doc meroon na lang daw akong two months. Kung ma ooperahan ako 30% lang yung chance na makakasurvive ako at aabutin ng ilang milyon daw yung pagpapa-opera.

Hindi na lang ako mag-papaopera. Tanggap ko na naman din kapalaran ko ih saka sayang din yung pero no! Pwede na yung pang negosyo kapag nag-kataon tapos baka di din lang ako maka-survive sayang talaga bhie hahaha.

Umuwi na din lang ako pagkatapos ko magdasal. Di ko muna to sasabihin kila mama titiisin ko na lang pagkahilo at pagsusuka ko. Fighting!

Gusto niyo malaman yung isa sa mga pinag-pray ko? Bwahahahah.

"Lord baka naman po bago ako mamatay mag-kajowa ako ng engineer hihi,amen. Thank you po papa god, I love you po wear ur mask po para safe ka hihi."

Ayan lang naman yung isa sa mga pinag-pray ko alam mo na baka pagpalain at bigyan tayo ng engineer hahahah. Wattpader ako ghorl hahah, kauri niyo ko mga tirador ng engineer hahaha. Hayaan niyo kapag biniyayaan ako ng engineer ipag-ppray ko din kayo, i got u girl! Bwahahaha.

-------------------------------------------------------------
End of chapter 2! Enjoy reading mga ka itim!! Kapag may wrong grammar or what free to comment hihi!

Happy 6 reads mga ka itim!!

Hold OnWhere stories live. Discover now