" An Innocent Mistake "

3 0 0
                                    

" An Innocent Mistake  "

" Halika , pasok ka." - paanyaya ko sa isang  lalaking sugatan na nagmamakaawang papasukin ko sa aming tahanan.

" S-salama--- " - huling nasabi nito bago nawalan ng malay.

Inayos ko ang higa niya sa aming higaan at nilinis ang katawan nito na noon ay puno ng dugo maging ang kasuotan.

" Kawawa naman. " - sambit ko.

Katunayan may kaba na bumabagabag na aking dibdib.

Sino siya ?
Hindi ko siya kilala o maging kaano- ano.
Isa lamang siyang estrangherong nasulpot dito at di umano'y nangangailangan ng tulong.
Di ko alam kung mabuti o masama siya.

Di bale na.
Mahalaga , matulungan ko siya ng sa gayon , makauwi na din siya.
Patay malisya na lamang ako na hindi ito nangyari.

Galing ako sa botika.
Pauwi na ako ng bahay ng mapansin ko na marami ang tila nagkakagulo na tao sa harap ng bahay.

Bakit kaya ?
Anong meron?

Patakbo akong lumapit at nagpilit na makadaan upang malaman kung ano.

Nanlumo ang katawan ko.

Tumambad sa akin ang duguang katawan ng boyfriend ko at wala nang buhay kasama ang estrangherong aking tinulungan. .

Nanginginig ang katawan ko na lumapit sa kanya.

" Narinig namin na may nag aaway sa loob ng bahay ninyo. Pinipilit ng kasintahan mo na  sumuko iyong lalaking kausap niya  "

Sumuko na ? Bakit ? Kilala ba niya ang taong iyon?

" Di mo ba siya natatandaan Annie ? Siya ang lalaking nagtangka na gahasain ka . At noong gabing nakita mo siya at tinulangan mo ay yong gabing nahuli siya ng iyong kasintahan kung kaya't ito ay sugatan. Pinangtanggol ka ng kasintahan mo para sa sarili mong kapakanan, ngayon isa na siyang malamig na bangkay ng dahil sa lalaking iyong tinulungan. " - tila isang bulong ng hangin ang dumamping mga salita sa aking tainga na ng lingunin ko ay wala akong ibang nakita kundi mga taong nakapalibot sa amin.

Subalit hindi ko alam.
Sunod- sunod na pagpatak ng luha ang tila nag uunahan na dumaloy sa aking pisngi ang aking naramdaman.

Pagsisisi.
Galit.
Poot.

Tinulungan ko ang taong sisira sa buhay ng kasintahan ko. 😫

© Minsan ang paggawa ng tama ay masama ang dulot sa kapwa.👆





One Shot Story Where stories live. Discover now