Maaga pa lamang ay nagtungo na ako sa hospital upang kuhain ang result ng aking blood test.
Naupo ako sa isang bakanteng upuan at hinihintay na tawagin sa counter ng mapansin ko ang isang aklat na nakalapag sa sahig.
Pinulot ko ito at binasa ng biglang...
" Nooooooooo! " sigaw ng isang babae.
Morena ito. Matangkad at may nanginginang na mga mata." Is this yours' ? " sabay taas ko sa aklat.
" Oo. N-nabasa mo ba ? "
" Hindi. "
" Buti naman. Sige salamat.
Sabay lakad palayo nito.
" Next. 132 please proceed to the counter 3" ..
Again.. 132 please proceed to the counter 3" ..
Nagtungo na ako sa counter . Nang matapos ay lumabas na ako ng hospital.
" Hey .
"Ops- gulat ko ng biglang humarang iyong babae na may ari nung aklat ( diary)
" Uwi kana ? Tara sabay tayo. " - sarkastiko nitong sabi na para bang kilalang kilala siya.
" Huh? Teka. Baka magkaiba tayo ng uuwian."
" Basta. Sabay tayo. " - nakangiti nitong sabi at sumabay na sa aking paglalakad.
Tahimik lang siya habang panay ang sulyap sakin.
" Class A ka diba. Room 4 "
" Hah ? Pano mo nalaman ? - nagulat kong sabi.
" Same class. Same room. "
Napatingin ako dito at sinusuri kung totoo ba ang sinasabi nito.
Di ko matandaan. Di ko siya kilala.
Bagong classmate ?
Sabagay. Pagpasok ko naman sa classroom lagi sa aklat agad ang tutok ko." Di mo ako kilala. Never pa naman ikaw napagawi o napatingin sa pwesto ko e. Babad ka sa aklat. Di ko nga akalain na nag eexist ang ganyang tulad mo. " - tumawa ito ng malakas.
Bigla ako napahiya sa sinabi niya. Ganun ba ako kaadik sa aklat ?
Nag paalam na siya at patakbong umalis at nag ibang gawi.
Naguguluhan ang sarili na umuwi na din ako.
" Hey .
Ito na naman siya. Hilig niya ba manggulat.
Hinila nito ang upuan at inilagay sa harapan ko bago naupo." Tara , kain tayo sa labas. " - nakangiti nitong sabi.
Lumingon muna ako sa paligid upang makasigurado kung ako ba talaga ang niyaya nito.
Ako nga.
Abala ang lahat ng sa classroom." Ba-baki..
"No why's . Lika na." - hinila niya ako.
Wala ako nagawa kundi sumama.
Pagkatapos namin kumain ay naglakad lakad kami.
" Totoo lahat ng nabasa mo. Alam kong kahit di mo aminin, nabasa mo iyon. "
Basag nito sa katahimikan namin.
Diary. Iyon ang tinutukoy niya.
Posible mang totoo ang nakasulat doon.
Pero ayoko maniwala." Mahirap bang paniwalaan ? - dugtong nito , hindi parin ako nagsasalita.
" Oo. " - tipid kong sagot.