first and last

8 3 0
                                    

Napawi ang ngiti ni Dea paglabas sa convenience store ng mabungaran niya si Josh. Nakangiti sa babaeng girlfriend nito.

Si Josh nineteen years old gaya niya. Ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso.
Ang lalaking minahal niya.
Ang lalaking nanakit sa kanya...at patuloy na nanakit sa tuwing nakikita niya ang gwapo nitong mukha.

"Can we talk?"

Nagulat siya ron dahil matapos silang maghiwalay non lang siya nito kinausap ni tinitigan.

"No." Nilagpasan niya ito at tumawid na ng kalsada. Wala ng kwenta ang lahat. Bakit pa siya nito nilapitan?

Pinilig niya ang ulo.
Kailangan pa niyang pumasok sa school. Hindi siya pwedeng nasa malapit lang nito. Marupok pa naman siya.

Kailangan niyang takasan ngayon si Josh dahil kapag tumagal pa ang pagkakasama nila, iiyak na naman siya...Sa lalaking walang ginawa kundi saktan siya.

..nang paulit ulit. Mahal niya eh.

Mahal na mahal...

kaso bakit ganon?

Kapag hindi maganda hindi ba talaga dapat seyosohin?

Daig pa rin ba ng babaeng blonde at halos maghubad na kung manamit?

Kung ganon hindi totoo ang tunay na pagmamahal na sinabi nito. Ah..oo nga pala..hindi nga pala talaga siya minahal ni Josh.

Pinaglaruan lang.

Pinagpustahan ng mga barkada nito sa maliit na halaga.

Hindi siya prosti pero parang iyon na rin ang pakiramdam niya ng malaman niya ang lahat.

Tatlong libo.

Tatlong libo lang pala ang halaga niya.

Ang halaga ng pagmamahal niya.

Nang pag oo niya.

Nang pag surprise niya noong birthday ni Josh.

Nang pag aalaga niya tuwing may sakit ito.

Nang paggawa niya ng assignments nito.

Nang paglalaba niya ng mga damit nito.

Nang paglilinis niya nang apartment nito.

Nang pagluluto niya para rito.

Nang paggastos niya.

Ang sakit lang kasi sa loob ng dalawang buwan nang pagiging sila..sa lahat ng efforts at pagmamahal at pag aalaga niya kay Josh...tatlong libo lang ang katapat no'n..

Ang baba naman ng presyo niya.

Hindi na nga maganda hindi pa minahal. Kaya nga pala siya hindi minahal kasi hindi siya maganda...

Totoo naman diba? Yung mga magaganda lang ang minamahal talaga. Pero matatawag ba talagang pagmamahal kung sa physical appearance lang titngin?

Noong una akala niya may himala. Isang Josh Ramirez, varsity player,hot, at may kaya sa buhay nainlove sa isang Dea Pinagsukuan.

Medyo pandak, morena, matigyawat, flat chested, pero matalino.

Nag umpisang tumibok ang puso niya nang isang hapon paglabas niya sa public high school na siyang pinapasukan ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi pa man siya nakakaabot sa waiting shed ay may mabangong tumabi sa kanya, pinayungan siya. Pinilit niyang hindi mapatili sa kilig ng makilala niya ang kanyang crush na si Josh at nakangiting pinapayungan siya.

Nang makilala niya ito ay nagkacrush na siya agad pero iba na nang mga sandaling iyon na magkatitigan sila.

Mas malakas na sa pandinig niya ang tibok ng kanyang puso kaysa sa patak ng malakas na ulan, sa ingay ng mga sasakyan.

I Loved You But You Lied (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon