Chapter 2:

15 0 0
                                    

Ako yung lalakeng inlove kay Lord as in sobra! Ewan ko ba basta sobrang na-bleblessed ako sa buhay ko ngayon. Yung feeling na I'm already completed! Nandyan si mama at papa na nagmamahal saken, nga pala si papa nasa abroad sya. Kaya kaming dalawa lang ni mama ang nasa bahay tapos nag-iisang anak lang nila ako kaya medyo bored sa bahay. Tanging mga kaibigan ko lang ang nagpapagulo ng buhay ko kapag kasama ko sila. Minsan nga inasar nila ako, bakit daw wala pakong girlfriend e ang gwapo ko naman daw, mabait at kung ano-ano pang sinabe saken ni Paul. E lahat kase sila sa team may lovelife na ako nalang ang wala. Kaya ganon nalang ang pang-aasar ng mga mokong nayun saken. At eto lang ang sinabe ko sakanila, "Ayos lang, ibibigay din naman ni Lord sya saken on the right time., Tsaka bata pa naman ako tol e."  Yun ang pinanghahawakan ko ngayon, tsaka wala naman ako pakialam kahit wala pakong girlfriend e. Ang priority ko ngayon si Lord, sila mama at papa, mga friends ko at ang pag-aaral ko. 

Sabado na naman at pupunta ako ngayon sa church para mag-practice. Pagpasok ko ng church, nandun na ang team at binati nila ako. Eto yung gusto ko sakanila e mapang-approach kaya love na love ko sila haha. Maagang natapos yung practice namen kaya nag-kwentuhan muna kame. "Guys, mag-invite kayo tomorrow ha? Sa youthgig naten 5pm, required yun sating worship team. Kahit isa lang ma-invite nyo okay lang atleast meron." sabe ni Ate Mia. "Yah tama si Mia, we should win more souls pa." sabe naman ni Kuya Angelo. "Opo!" sabe naman namen at tuluyan ng nagpa-alam ang dalawa may date daw sila. Oo may relasyon silang dalawa. Kame naman nila Bea, Yna, Paul at ako ay nag-stay padin sa church saglit. "Meron nakong na-invite." sabe ni Yna. "Sino?" sabay namen sabeng tatlo. "Si Ate Gwen, classmate ko sya." sagot nya. "Ako din meron na" sabe ni Bea. "Kayong dalawa meron na?" tanong ni Yna samen dalawa ni Paul. "Diko pa alam e." sagot ni Paul. "Ako naman hmm, meron naren ako." sagot ko naman. 

At dumating na nga ang sunday ng hapon, dinala ko na sa church ang ininvite ko si Jake classmate ko/bestfriend ko sa school lagi sya yung kasama ko. Dumating kame ng maaga sa church siguro 4:30pm na yun. Alam mona, dapat maaga. Bawal ang malate e haha. Buti nalang di mainipin tong si Jake. Nandun nadin sila at may kanya-kanyang ininvite. Ilang sandali pa dumating na si Yna at dala rin nya yung ininvite nya. Lumapit sya samen at pinakilala nya. "Guys! Si Ate Gwen pala. Classmate ko." sabe nya sameng tatlo. "Si Bea pala, si Paul boyfriend ko yan kilala mona. At eto pala si Blair." tinuro ako ni Yna. "Hello Bea! Oh hi Paul, kamusta? Hello Blair!" bati nya samen at nakangiti. "Hello din." sagot ni Bea. "Ayos lang ako, eto gwapo paren! Hahaha." sagot naman ni Paul. "Cheee by!" sabat ni Yna. "Hahaha pasaway ka talaga Paul." sagot naman ni Gwen. "Hi! Gwen nice meeting you!" sabe ko naman ng nakangiti. Nag-start na youthgig namen, tas nag-preach na. At natapos na, ang saya grabe! Mukang blessed na blessed naman yung mga youth ngayon. Wow! Madami ang nag-attend na youth ngayon 120, dati below 100 lang e. Praise God! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When it comes to Love Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon