Mama

3 0 0
                                    

"Pag ako namatay, ano nalang kayo? Nganga? Iyang mga punyeta niyong ugali akala niyo may kakain niyan na sinuka ko na? Palagi nalang ako ang nagsasakripisyo?"


Napangiti ako nang sinabi ng Nanay ko habang nagsesermon siya sa labas ng kwarto ko.


"Tingnan ko lang kung di kayo magsisi pag namatay na ako. Wag kayong iiyak sa bangkay ko dahil iyon naman talaga gusto ninyo."


I shook my head as I watch my tears fall over the papers that I've been working on since Monday, Wednesday palang ngayon pero bukas na ang deadline nito. Hindi bali na, malapit ko naman na matapos.


"Ni hindi niyo kayang mag sakripisyo para sa akin? Ano ba naman iyong tumigil kayo sandali sa ginagawa niyo at ako naman iyong pagsilbihan niyo? Mga inutil."


Sa lahat ng salitang lumalabas sa bibig ni Inay. Lagi ko iyong naririnig sa mga drama o kahit sa kwento nang kaklase ko. Bago pa man ito lumabas sa bibig ng Nanay ko.


Alam ko sa sarili ko na may sagot ako.


"Ma, hindi po ba pagsasakripisyo iyong kahit ayoko sa kursong pinag-aralan ko, kinuha ko kasi yun ang gusto mo?"


"Ma, hindi pa ba tulong yung pagaaral ko? Hindi pa po ba sapat yung nagaaral ako?"


"Ma, natapos ko na yung labahin saka yung mga plato. May nagawa na po ako, nakita niyo ba?"


"Ma, hindi naman po ako katulong, ginawa ko naman ang dapat kong gawin. Bakit kailangan ko bang lumiban sa skwela para matrabaho lahat?"


"Ma, gumising po ako ng maaga para mag saing pero alas-dos imedya napo ako nakatulog kagabi kakatapos sa mga homeworks ko kaya naka idlip ako habang nagbabantay sa sinaing."


"Ma, iyong trabaho pong binabanggit hindi na po akin, sa kapatid ko na po. Bakit kailangang ako iyong mapagbuntungan."


"Ma, may sakit po ako, masakit ang puson ko. Kaya medyo naiinis ako ngayong araw na to, hindi po ako nagmamagaling."


"Ma, may rason ho ako. Ma, nasasaktan na po ako hindi ako nagiinarte."


"Ma, kailan mo po ma re realize na habang nag se self-pity ka at nag gu guilt tripping ka. Nasasaktan na po ang pagkatao ko, hindi ko na po alam saan ako lulugar sayo or kung tama pa bang manatili ako sa bahay nato."


"Ma, minsan naiisip ko kung tama pa ba na naging anak mo ako. "


"Ma...umiiyak po ako sa gabi. Ma, hindi ko na po alam anong silbe ko sa mundong to."


"Ma, ayoko na po."


Mga sa litang nanatili na lamang tila sigaw sa aking utak na naging bulong na lamang nang aking labi.


Habang iyong sakit nanatili.


"Pag ako namatay talaga, ewan ko nalang. Hindi niyo na ako ginalang, hindi niyo na ako pinahalagahan."


May isa pa pala akong gustong isagot diyan, Ma.


"Ma, paano kung ako ang mauna?"

MamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon