Prologue

7 1 0
                                    

"Mahirap niyang naiintindihan ang mga tinuturo ko sakaniya." sabi ng tutor ko.

"Pano na yan, naiistress ako sayong bata ka." sabi ni papa.

"Shaina, wala na bang pag-asa." sabi ni mama habang nakahawak ng pamaypay.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa sofa at kinakausap ang tutor ko.

"Ma naman, n-naiintindihan ko naman po." sabi ko, naiintindihan ko naman yung sinasabi niya a, di lang pumapasok sa utak ko. hayss

"Pero huwag po kayong mag-alala makakapasa na siguro si Shaina sa highschool." sabat ng tutor kong panot, itong panot nato talagang kakalbuhin ko na talaga, pahamak ayaw makisama. tsk

"Mag-aral ka kasi." bulong ng bodyguard ko habang nakangisi kaya tinignan ko siya ng masama, isa pa ito, si porket pinagkakatiwalaan na siya nina papa e bida bida na siya. hays.

"Pa naman, hindi ako makakapag-aral ng mabuti kong wala pa akong kasabay, at gusto kong magtuturo saakin yung kaedad ko atsaka hindi panot." sabi ko at nagulat ang tutor ko.

"Grabe ka naman hija a, paano ka magkaboyfriend niyan kong ni spelling nga ng champagne di mo alam." sabi ng tutor kong panot.

"Totoo naman." sabi ng mama ko kaya natawa ako, buti pa si mama, alam na makisama, ang ganda talaga ng mama ko.

"Kailangan mo ng mag-asawa ng mas matalino pa sa tutor mong panot." sabi ni papa at taas kilay niyang tinignan ang tutor ko, nice papa hahahahaha.

Tumayo ako bigla at gulat silang napatingin saakin.

"Gusto ko si kuya Liam!." determinado kong saad.

Gusto kong mapangasawa si kuya Liam, bakit kuya? kasi kahit dalawang araw lang naman ang pagitan ng kaarawan ko sakaniya ay tatawagin ko parin siyang kuya. Atsakan gusto ko kaya siya matagal na, na love at first sight kaya ako, hayss.

"Saan ka pupunta?." tanong ni papa.

"Kina kuya Liam po." sabi ko at hindi na dininig ang mga sinabi nila saakin, naramdaman ko naman na sumunod ang bodyguard kong abno.
Nakasuot pa ako ng uniform ko. Sumakay na ako sa kotse.

"Akala mo papatulan ka nung Liam na yon?." sabi saakin ng abno kong bodyguard.

"Manong naman, sa ganda kong to." sabay flip hair at narinig ko pa siyang tumawa.

Ano bang nakakatawa?

"Maganda ka pero di mo nga maipasa highschool mo." sabi niya at tuluyan ng tumawa.

"Happy mo naman sir, sasabihin ko kay papa babawasan sweldo mo, masiyado kang madaldal, nakakatanda yan?." sabi ko, at tumawa ulit siya.

Di ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay ni Kuya Liam, tinignan ko ang oras sa relo ko at nakita kong 6:47 pm na. Pumasok na ako tutal kilala naman ako dito dahil madalas akong pumupunta dito.

"Ah aling Grace, nandiyan ba si Kuya Liam?." tanong ko sa yaya nila.

"Nandiyan hija, hintayin mo nalang kasi may pinaguusapan sila ng papa niya." sabi niya kaya tumango nalang ako.

"Sige po." sabi ko at napagpasiyahan kong sa swimming pool area nalang ako maghihintay.

Pagkatapos ng ilang minuto ay may narinig akong nagsalita.

"Pa naman, priority ko pa ang pag-aaral ko." alam ko kung kaninong boses yun kaya napangiti ako.

"Ano bang maitutulong ng pag-aaral nayan." tanong ng papa niya. Nabaling ang tingin nila saakin.

"Hija." masayang bati ni Tito Lolli kaya ngumiti ako.

"Hi po tito." bati ko rin.

"Tsk, Pa masiyado pa akong bata, gusto ko pa mag-aral."  sabi ulit ni Kuya Liam, ano bang problema niya?.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Daydream (DRAFT) BANGTAN SERIES #4Where stories live. Discover now