"Hindi Kita Iiwan.. Yan ang Pangako.."

149 0 0
                                    

Matagal nang tumigil ang mundo ko..

Simula nang magbago ka't iniwan ako..

Matagal nang lunod ang puso kong ito..

Sa bawat luhang puno na ng pagkabigo..

Sa gabing ito, nakita ulit kita.

Ngunit nakita ko ring di ka nag - iisa..

Mula sa malayo ay kasama mo sya,

At di ko maiwasan ang titigan ka..

Alam ko, ikaw din ay napapatingin..

Sa mga nakaw mong sulyap, aking dalangin:

"Pagmamahal mo'y, bumalik muli sa akin.."

At sa'kin muling mabaling ang 'yong damdamin..

Sa mga oras na iyon, sa aking isip,

Ay muling nagbalik damdamin kong naidlip..

Ating nakaraa'y muli kong nasilip,

Habang sa puso ko, ay may luhang kalakip..

Muli, naalala, nang kita ay kasama..

Mga oras na tayo'y puno ng ligaya..

At ang katagang "mahal na mahal kita!"

Na madalas ibulong dito sa'king tenga..

Ang yakap mong bigay saki'y kaligtasan,

Na sa puso ko ay nagsisilbing tahanan..

Mainit mong halik, tila walang hanggan..

Pinapawi ang aking munting alinlangan..

Sa'ting paglalakad, hawak mo aking kamay..

At napapangiti 'pag ikaw ang kasabay.

Pintig ng puso ko'y lumalalim pang tunay..

Nananalanging sana'y di na magkahiwalay..

"Hindi kita iiwan.." yan ang pangako..

Na saki'y binitawan ng buong puso..

Pangakong akala ko ay di magbabago..

Kaya't nagtiwalang ako'y di iiwan mo..

Buong puso ko'y sa'yo lang nakalaan..

Umasang ito ay iyong aalagaan..

Maging buhay ko'y ikaw ang kailangan,

Upang magsilbing lakas at aking sandigan..

Ngunit anong nangyari? ika'y nsagbago..

Nanlamig ang init na nadarama sa'yo..

Gustuhin ko mang itanong sa'yo ito,

Natakot ako, sa maaaring sagot mo..

Naisip kong siguro'y abala ka lang,

Siguro'y may sorpresang saki'y nakaabang..

Kaya't pag-iwas mo'y nanatiling patlang..

Alinlangan ko'y nanatiling nakalutang..

Nagulat ako nang makausap kita..

sa'yong sinabi ay di makapaniwala,

Aking narinig salitang, "ayoko na"

Nagkulang ba ko? at nagpapaalam ka..

Nasaktan ako sa desisyon mong ito..

Ano nga bang nangyari sa pagmamahal mo?

Diba't nangako kang di iiwan ako?

Minahal kita, bakit pinabayaanmo?

May nagawa ba ko at nagkaganyan ka?

O may iba na at sa kanya'y mas masaya?

Pagod ka na ba at saki'y nagsawa na?

Bakit ka bumitaw, alam mong mahal  kita?

Umasa akong ikaw ay magbalik..

At magisnang muli ang yakap mo't halik..

Maghihintay pa rin ang puso kong sabik..

Kahit paulit - ulit pang ito'y matinik..

Ngunit ngayon ngang nakita ulit kita,

Pag - asang babalik ka'y tila naglaho na..

Dahil ngayon ay hawak mo ang kamay nya..

At sa kanya ay higit na masaya ka na..

Masakit makitang nasa piling ka na nya..

Ngunit may magagawa pah ko? wala na..

Tapos nang lahat, at ngayo'y nag - iisa..

Itatago ang sakit, lihim na luluha..

Hindi na ko aasa pang muli sa'yo..

Hindi na naghihintay sa pagbabakik mo..

Dahil alam ko, hanggang dito na lang to..

Wala nang "ikaw at ako.." wala nang TAYO..

Kakayanin ko kahit pa wala ka na..

At sa pinili mo, sana'y maging masaya ka..

Lahat ay mananatiling ala - ala,

Ngunit sa puso ay di mabubura..

Sana habang - buhay 'wag mong kalimutan,

Pagmamahal ko na iyong tinalikuran..

At pipilitin kong hindi na masaktan,

Itong puso ko, na iniwan mong sugatan..

- apholnhicz :)

"Hindi Kita Iiwan.. Yan ang Pangako.."Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon