CHAPTER 1

33 15 0
                                    

"Pakkk!!!!" Tunog ng sampal ko sa lalaking kaharap ko at nakaramdam ako ng kirot sa aking palad ngunit isinawalang bahala ko na lang ito. "Tama na'to Mark tapusin na natin ito, nasasaktan na ako sa pinaggagawa mo!!" Sigaw ko at nag umpisang bumuo ang luha sa aking mata.

"Ayaw ko ng patagalin pa ang bwesit na relasyong ito!!" Sigaw ko sa kaniya at nag umpisa ng mag unahan ang aking mga luha. "Alam mo tama ka Stacey, tapusin na natin to tutal palagi ka namang tama." Saad ni Mark at bigla siyang tumalikod.

Pagka talikod niya ay biglang bumuhos ng todo ang aking luha at naninikip ang dibdib ko dahil sa pag iyak. Nakaramdam ako ng hindi tama at bigla na lang akong natumba.

"CUT!!!!" Sigaw ng director kaya bumangon na ako sa pagka higa. Pagkatayo ko pa lang ay nagsilapitan agad ang P.A ko at ang make-up artist. Kumuha agad ng tissue ang P.A ko at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

Habang inaayos ng make-up artist ang mukha ko ay tinanong ko siya. "Jessa maganda ba ang pag-iyak at pag-arte ko? Maganda pa rin ba ako tignan kahit na umiiyak ako?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo naman ikaw pa ba, maganda ka kaya tignan sa screen kapag umiiyak. At saka nung natumba ka 'di parin nawawala ang kagandahan mo." Sagot niya habang nilalagyan ako ng foundation sa mukha.

Ngumiti na lang ako sa kaniya bilang tugon at mabilis niyang tinapos ang kaniyang ginagawa. Umupo muna ako sa upuang naka reserba para sa akin at kinuha ang script para sa eksena mamaya. Naramdaman ko ang paglapit ng P.A ko kaya tumingin ako sa direksyon niya.

"Ma'am Novee cancel po ang shooting mamaya dahil may emergency raw ang ka love team mo." Mahinhin na saad niya at napangiti naman ako. Bigla akong tumayo at inayos ang mga gamit ko. "Annie tignan mo nga kung may mga gagawin ako mamaya." Saad ko habang inaayos ang mga naka lagay sa bag ko.

"Wala po kahit ni isa, blanko po ang schedule mo mamaya Ma'am Novee." Sagot niya. "Ok good, umuwi ka na para makapag pahinga ka naman." Sabi ko nang naka talikod sa kaniya. "Bye guys thank you for everything!!!" Sigaw ko at narinig ng lahat ng tao rito sa set at nagpaalam din sila pabalik kaya umalis na ako sa loob ng set.

Pumunta agad ako sa parking lot para kunin ang sasakyan ko at hinanap ko pa ito dahil hindi ko na matandaan kung saan ko ito ipinarke. Pinindot ko ang susi ng saksakyan at tumunog ito kaya pinuntahan ko kung nasaan ang tunog.

Sumakay na ako sa loob ng sasakyan nang makita ko ito at pag pasok ko palang ay binuksan ko agad ang aking cellphone at puro messages ang bumungad sa akin. Hinayaan ko na lang ito dahil alam ko naman kung kanino ito galing at kung ano ang kailangan niya.

Hinagis ko ang cellphone ko at inumpisahang buhayin ang makina ng sasakyan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at wala naman akong kaibigan para magpasama gumimik. Meron naman akong mga kaibigan, manggagamit nga lang.

Tinahak ko lang ang daan kahit saan dahil wala naman akong pupuntahan. Medyo matagal tagal na rin ang pagbaybay ko sa daan at wala parin akong maisip na puntahan. Biglang kumalam ang aking tiyan at bigla kong na alala na hindi pa pala ako kumakain.

Kaya napag desisyonan kong umuwi pero bago paman ako umuwi ay dadaan muna ako sa grocery store para bumili ng makakain. Ilang minuto ang nakalipas at nakarating ako ng maayos at tahimik sa mall. Inayos ko muna ang aking sarili at kumuha ako ng facemask at isang blue na cap, alam niyo naman pag artista palaging pinagkakaguluhan.

Pumasok na agad ako at lamig ng aircon ang agad na sumalubong sa akin. Kumuha ako ng isang pushcart at tinahak ang daan papunta sa meat section dahil bibili ako ng karne kahit hindi naman ako marunong magluto.

Habang pumipili ako ng karne ay nakarinig ako ng sigawan ngunit isinawalang bahala ko na lang ito dahil baka pag pumunta pa ako doon ay may makakilala pa sa akin. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa mga karne.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind SpotlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon