Prelude

314 8 2
                                    

Prelude

"Ele!"

Inip akong tumingin sa kaibigan ko na nasa harapan. Kanina pa ito nag-k-kwento pero ni isa sa mga salitang binitawan niya, wala akong natandaan. Sumalumbaba ako at nilaro ang iced tea na nasa mesa.

Ganito nalang ba palagi kada araw? Papasok sa eskwelahan, uuwi, matutulog tapos babangon para ulitin ang lahat. Wala bang mangyayaring thrill sa buhay ko? Gusto ko man lang ma-experience masagasaan ng truck at gigising ako na nasa ibang mundo. O kaya naman ay kagatin ako ng bampira para maging alipin niya.

I sighed.

"Hindi mo na naman ako pinakikinggan, Ele!" puna ng kaibigan kong si Alei. "Kanina pa 'ko salita nang salita dito," dabog pa niya at akmang aalis when she stopped and suddenly shrieked.

"Mars, nandito na siya!" muli nitong tili.

Kunot noo ko lang itong tinitigan, "sinong nandito?"

"Ayan, Hindi ka kasi nakikinig sa 'kin kanina. May bago tayong propesor. Bata pa at sobrang gwapo!"

Sobrang gwapo? Tumawa ako nang pagak. Dito? Sa Unibersidad namin? Malabo. Maniniwala pa sana ako kung sinabi niya na may itsura iyong guro. Pero iyong sobrang gwapo raw? Asus! Hindi pa ako nakakita ng ganon dito. Kung hindi mukhang tambay sa kanto, mga normal na pagmumukha ng mga lalaki lang ang nandidito.

Hinawakan niya ako sa braso at bahagyang niyugyog, "Ele, tignan mo dali!"

Para manigil na siya sa pangungulit sa akin, walang gana akong tumingin sa tinutukoy niyang guro. I gasped when I saw him. Hindi OA ang kaibigan ko. Nagsasabi ito ng totoo.

"Noodles."

"Ha? Anong noodles, Ele? Kakakain lang natin," komento ni Alei.

Hindi ko rin alam kung bakit bigla nalang lumabas sa bibig ko ang salitang 'yon. One thing's for sure though, ibang noodles ang gusto kong kainin. Isang walking noodles.

Kinagat ko ang ibabang labi habang patuloy kong minamasdan ang propesor na ngayon ay papunta sa lugar namin. Kulot ang buhok nito. Kayumanggi ang balat at makisig ang pangangatawan.

He suddenly stopped in front of me kaya kitang kita ko ang berde niyang mga mata. Bakit siya biglang tumigil sa harapan ko? May dumi ba ako sa mukha? O baka naman may gusto ito sa 'kin. Patago akong ngumiti. Iba talaga ang alindog ko.

"Button your shirt, young lady," matigas na saad nito bago mag-martsa papalayo.

Kinapa ko ang polo shirt na suot ko. Fuck! Bukas nga ang dalawang butones nito! I heard Alei burst into laughing. Putangina. Wala pa man, sira na agad ang imahe ko sa kanya.

minmonstaxxx

A/N: hello, everyone! i told you that this story won't be released yet but i couldn't control myself so here's a sneak peek regarding Neon's story.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Exquisite PossessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon