Nang naapula ang apoy

56 2 0
                                    

June 17, 2020
7:47PM

- "do you feel disinterested at this moment of your life?
parang di ba may mga bagay sa buhay natin na we are so passionate to talk about tapos all of a sudden wala ka nang gana pagusapan ang mga bagay na yun. ikaw din ba o ako lang ba 'to?"

— "Okay ka lang ba pre?"
— "Anong bagay ba to pre? Passion? Achievements? Problema? Try natin i-dissect yan"

- "passion, aspirations at pati na rin ang buhay.

back then, we were so excited with what the future holds. with what will happen next. kahit na hindi ganun kalinaw ang langit para satin. pero punung puno pa rin tayo ng pangarap. tas biglang ganito. parang kahit anong usad mo mula sa pinanggalingan mo, pinapaalala ng buhay na may tanikala pa ring nakasukbit sa mga paa mo. at oo nakakagalaw ka pero ang totoo, mahaba lang ang kadenang gumagapos sayo.

himayin natin ah,

passion: tatlong bagay lang ang madalas kumukunsumo ng oras ko. ito ay mga bagay na gusto kong gawin. ang panunuod ng pelikula, pagbabasa at pagsusulat. nitong mga nakaraang araw parang hirap na hirap akong gawin ang mga ito. parang may nagpatay ng apoy at pumihit ng switch sa loob ko. nakakatakot.

aspirations: nung kailan, napasearch ako ng average life expectancy natin dito sa Pinas. Ang nakuha kong sagot—70.95 as of 2017. bente otso na ako ngayon. I only have-give or take—43 years left? Isipin mo ah. Paano mo ididivide yun sa ibat ibang bagay gaya ng: masaksihan mo ang kapatid mong maabot ang pangarap nila?
habang inaabot mo rin ang sayo?

eh ang makita ang mga taong importante sayo na magtagumpay?
biruin mo paano kung balak mo pa magpamilya?
makabuo ng matatawag mong sayo? putek ni hindi pa nga natin nararanasan yung saya na para satin eh. o baka naranasan na natin lahat ng sukdulan, at ang mga susunod ay sadyang hindi na ganun kahalaga? at ganun na lang yun. hanggang dun lang. gulong gulo ako.
naliliitan ako sa agwat ng natitirang oras ko rito at ng pangarap ko.

buhay: natatakot akong maging irrelevant ang mga bagay na nagpapasaya sakin (passion). pati na ang mga rason kung bat ako nagpapatuloy (aspiration), at huli, natatakot akong mawalan ng saysay ang buhay ko dahil kinapos lang ako sa oras. parang this life is not well lived if its not for these reasons that i know.

ang hirap lang magpatuloy kapag namatay at nawala ang apoy sa loob mo."

Ang Pagpapatahan sa SigwaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon